Chapter 6: His Side

425 13 10
                                        

MIB-6: His Side

[ACE' POV]

Aist! Ano bang pumasok sa utak ko at niyakap ko yung babaeng yun?!

Psh fine. Nag alala kasi ako sakanya nung may narinig ako mula sa mga babaeng nag-uusap sa hallway.

"uy girls. tara may inaaway na naman daw si Iris sa canteen!"

"sino daw ba?"

"yung girlfriend ni ace. yung bree ata?"

"oh? tara tignan natin."

Oy hindi ako tsismoso huh. -.- malakas lang talaga yung pag uusap nila kaya rinig ko din. Psh.

At minadali ko talagang pumunta ng canteen at nakita ko si Iris kasama nung dalawang babae na lumabas at tumatawa-tawa pa.

"Chiana?" at may nakita akong babaeng nakayuko na puno ng spaghetti sa ulo at basang basa ang damit ng juice.

Hinila ko naman sya papunta ng rooftop.

"Ano na naman ba?!" galit na tanong nya saakin. Tsk!

"Who did this to you? Huh?" tanong ko kahit alam ko naman :p

"Yung bruhang si Iris at yung mga alipores nya! Ts! Kasalanan mo to eh! Kung hindi dahi---"

Pinunasan ko nalang yung mukha nyang may juice. Nag-alala lang talaga kase ako sakanya. Tsk! Tanga tanga kasi.

Then bigla ko syang niyakap.

"Ahh ace? Bakit?" tanong nya.

Ugh. What was that? Psh!

"Wag mo ako ulit pag-alalahanin. Please lang." sabi ko habang nakayakap parin

"Aacck-- Di na ako makahinga Ace."

"Ah sorry." at binitawan ko na din sya.

*end of flashback*

.

.

At ngayon, hindi pa rin ako makatulog dahil sa ginawa ko. Maski ako, nagulat e. Siguro nakonsenya lang ako kasi ako naman may kasalanan kung bakit ginawa ni Iris yun sakanya.

10 pm na at hindi na talaga ako makatulog kaya I decided to go to the Tween Bar. Isang mini bar na pagmamay-ari ng DeGuzman. Puro teens lang pwede dito. Tsaka bawal ang mga hard drinks.

Ipinark ko yung kotse ko at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko, umupo ako sa isang table. And syempre umorder na rin ng light drink.

*kriiing kriiing*

Tsk. Sino ba tong istorbong to?!

"Hello. Who's this?"

[Par! Si Joshua to. Pinuntahan ka namin dito sa bahay nyo, wala ka e.]

"Namin? Who's with you?"

[Kasama ko ang buong barkada. Tss! Asan ka ba?]

"Tween Bar."

[Okay. On the way.]

*toot toot*

Si Joshua Garcia, yung tumawag. Isa sa mga bestfriends ko. Oo may bestfriends ako. Tsk.

At andito na nga sila.

"Ace!"

"Yow. Kelan pa kayo nakabalik?" sabay handshake sakanila.

"Kahapon lang." sabi ni Kelly at ininom yung drink ko.

"Gago umorder ka ng iyo!" at inagaw ko yung iniinom ko.

"Damot mo naman pre!" sabi ni Kelly na iiling iling pa.

"Oh asan sila Joshua at Niccolo?" tanong ko. Pansin ko kasi wala na sila dito.

"Umu-order lang saglit. Oh ano na ba balita?" tanong nya.

"Di ako nanuod ng tv ngayon." sagot ko.

"Bobo! Balita sayo tanga!"

Diko nalang sya pinansin at uminom nalang.

"Whoa par! Anong drama mo at umiinom ka mag isa dito?" tanong ni .. Joshua na dala yung mga drinks.

"Nothing. I just want to...hangout."

sagot ko naman.

"Weh?! I know you pare! Kung may problema ka, sabihin mo saamin. Anong purpose naming mga bestfriends mo, right?" Tss!

Hindi talaga ako makapaglihim sakanila. Lalo na kay Niccolo. Mind reader ang putek.

"Okay. Fine. Ganito kasi.." at nagsilapitan sila saakin. "There's this girl na..."

"Whoa! Tungkol pala sa babae to a. Hmm? Interesting!"

Tinignan ko naman si Joshua ng masama. "Whoa. Okay okay. Tuloy mo na! Haha."

"As I was saying, there's this girl na gumugulo ng isipan ko. Tss! That no sense of direction girl. She keeps on invading my mind. I dunno! Magttwo weeks palang kami nagmeet but hindi na sya maalis sa isipan ko." sabi ko tapos sabay inom.

"I even introduce her to my parents and kay Iris as my girlfriend. Bigla ko nalang sya hinila nun e. Nung first day of school. Psh!"

"Whoa. Bat naman sa dinami-rami ng babaeng mahihila mo e sya pa?" tanong ni Kelly.

"Because I know na wala syang gusto sakin." sagot ko.

"Pano mo naman nalaman na wala syang gusto sayo? That's impossible!" si Joshua

"Well. She doesn't know me tho."

sagot ko. Eh totoo naman e. Di nga rin ako makapaniwala na di nya ko kilala. Haha.

"Wow! That's new pare. May hindi pala nakakakilala sayo sa school?" sabi ni Niccolo.

"Oo nga. Haha. I wonder kung anong reaction ni Iris nung pinakilala mo si ..... ah teka ano nga pangalan nya?" - kelly.

"Bree."

"Do you like her?" tanong ni Niccolo.

"Ano ba pre! Of course not. Psh."

"Eh ba't ka ngingiti-ngiti dyan habang sinasabi mo yung pangalan nya?" pang aasar naman nya.

"Shut up Nic! I'm not smiling."

Lahat nalang napapansin. Tss!

Kinuwento ko naman sakanila lahat lalo na yung nagpick up lines yung maingay na babaeng yun. Grabe ito yung reaction nila.

"Hahahaha! Wooh pre! Boom panes nga yan!" -Si Joshua

"HAHAHAHA! Galing nun a! Encyclopedia pa gusto!" -Si Kelly

"Wahahahaha! Oo nga! That girl is so interesting. I wanna meet her." sabi ni Niccolo.

"Oh shut up -______-"

At di parin po sila tapos magtawanan. Mga kupal talaga!

Pagkatapos nun ay umuwi na kami. Inabot pa nga kami ng madaling araw. Tsk. Maaga pa pasok bukas e.

My Instant BoyfriendCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang