MIB-3: I'm his what?!
[Bree's POV]
"Hey! Explain to us bakit mo kasama si Mr. Sebastian ha?"
Nako nasa hotseat ata ako ah. Etong bruhang si Angeline, may hawak pang stick. Kapag hindi daw ako nakasagot within 5 seconds, papaluin nya ako.
"Anong trip mo?"
Nagulat ako nang paluin nya yung lamesa. Wow strikto si Teacher.
"Hindi yan ang sagot sa tanong ko Ms. Adriano."
"Hihihi. Pfft." Nagpipigil naman ng tawa yung dalawa. Ay letse. T.T
"Fine. Ganito kasi yun.."
Lumapit sila saakin. At kwinento ko yung nangyari kanina.
"Hahaha." -silang tatlo.
"Baliw ka talaga, Bree!"
"Onga, abnormal. Hahaha."
"Hindi ka manlang ba nagwapuhan sakanya?"
Hmm. Malapit ko na sanang sabihing gwapo sya eh. Pero ang kapal! Encyclopedia talaga. Siguro kukulangin ang 100000000 pages.
"Hmm. Slight lang." Sagot ko.
Medyo hindi naman ako interesado sa lalaking yun. Bukod sa masungit sya, unreachable pa. Rule #1, hindi ka dapat mainlove sa taong hindi mo naman kayang abutin. Kasi sa huli, ikaw rin lang masasaktan.
Balita ko eh, vocalist pala sa isang sikat na banda yang si Mr. Sebastian. Ngayon ko lang nabalitaan. Hahaha!
"Ah. Pero infairness ah! Tinulungan ka pa rin nya kahit ansungit nya sayo."
Hala oo nga no? Hindi pa ako nakapagthank you sakanya. Pft.
"Onga tapos ampogi nya talaga!"
"Landi mo, Rica! Sumbong kita kay Kelly eh."
"Oy wala namang ganyanan teh! Haha!"
Lintek to, may boyfriend na nga, kung saan-saan pa lumilingon. Haha. Oh well.
"Nga pala, ba't hindi mo kilala yung banda nila Ace? Grabe. Ang famous kaya nila!"
"Fangirling mode, Angeline? Eh kung sikat sila, ba't di ko kilala?"
"Ang sabihin mo, taga bundok ka! Wala kayong t.v?" Sabat ni Rica.
"Isa pa, Rica isusumbong na kita kay Kelly. At gusto mo ihampas ko sa mukha mo yung flat screen tv namin?"
"Hahahaha." Naghagikhikan sila.
Inirapan ko lang. Mga buset ano?
**
[BREE'S POV]
*KRIIIING*
"Okay class, let's call it a day."
Hays. Buti naman at lalabas na kami. Super bored na ko e. Math pa naman.
At may bigla namang humila sakin palabas ng room.
"Aray ano ba!?!" pagrereklamo ko.
Teka, ba't ako hila hila nitong supladong to?
Di naman nya ako pinansin at patuloy na hinila. FEELING CLOSE DIN TONG ISANG TO AH!
"luh? who's that girl? ba't hawak hawak sya ni Ace?"
"baka girlfriend?"
"Duh? ang panget naman nyan e. pano magiging girlfriend ng hottie na si Ace?"
Ano daw?! Me? Panget? Alam ko hindi ako kagandahan pero hindi naman ako panget. Tinignan ko naman yung nagsalita at ... gosh! Mukha namang clown sa kapal ng make up!
Eto namang lalaking to. Makahila eno?
"Teka ano ba?! Let go of me! Nakahiya pinagtitinginan na tayo!" sigaw ko sakanya.
"Just shut up, okay?!" pagalit na sagot nya.
Aba at. Siya pa talaga may ganang magalit! *glares*
Huminto naman kami sa parking lot.
"Hop in." utos nya habang nakahawak sa door ng kotse nya.
"Why would I?" sagot ko with matching taas kilay.
"Because I said so." tapos tinulak nya ko papasok.
"ARAY ANO BA?!" ang sakit nun hah! ASAR!
Pumunta naman sya sa drivers seat at nagsimulang magdrive.
"Teka. Minor ka pa diba? Ba't ikaw nagddrive?"
tanong ko tapos nilapit nya sa mukha ko yung students liscense nya.
Oh edi sya na.
"Where are we going ba?"
tanong ko na hindi nya sinagot.
"Huy! ACEEEE!" *poke sa pisngi*
Ay ang lambot! Haha. Isa pa nga *poke sa pisngi*
"Hey stop it!" galit na sabi nya.
"Tss. Ayaw mo kasi ako pansinin! Psh. Hello? Bree here? Hinila mo ako Mr. tapos ayaw mo sabihin kung saa-- AHHHH! ANO BAAA!?! BALAK MO BA AKO PATAYI--@#$%*-!;"
Bastos rin tong isang to e. Bigla bigla kasing nagpreno. At tinakpan nya po yung bunganga ko psh!
"Tsk. So noisy." ts. Sungit talaga!
"Whatever! San ba tayo?" tanong ko.
"Restau." sagot naman nya.
"Wow ha. At bakit mo naman ako dadalhin dun?! Dun ako kakain sa---asdbabshsnlxlodn."
At tinakpan na naman nya yung bunganga ko.
"Err. Ingay mo talaga!" hinila na naman nya ako papasok ng restaurant.
Pagdating naman sa table may naabutan kaming isang babae at lalaki na mid-40's at isang magandang babae. Na parang ka age ko. Girlfriend siguro nitong mokong na to.
"And who's this pretty lady with you Ace?" tanong nung ... dad nya siguro?
And ano daw? Pretty? >>/<<
"Mom, dad. She's Bree, my girlfriend."
what?! O.O
ESTÁS LEYENDO
My Instant Boyfriend
Novela JuvenilHindi lang pala noodles, coffee, etc. ang instant. Pati BOYFRIEND din! >.< -Chiana Nicole Bree Adriano
