Chapter 1

536 55 4
                                    

"Allyson! Allyson buksan mo 'to!" Nagising ako sa paulit ulit na sigaw ni Manang susana. Boses pa lang n'ya, kilala ko na.

Tamad akong bumangon sa kama ko, inabot ko muna ang salamin ko saka ako nagtungo sa may pintuan. Bumungad sa akin sa manang susana na suot suot na naman ang paborito n'yang saya.

Bakit ko nalamang paborito niya? Palagi kasing 'yun ang suot niya eh, wala na yatang palit-pali-

"Aba allyson! Baka naman gusto mo nang magbayad ng renta mo?" Nanlalaki ang mga mata at nakapamewang pang bungad niya sa akin.

"Ahh next week pa po kasi ang sahod ko. Pwede po bang next week ko na lang po ibigay?"

"Naku Allyson! Siguraduhin mong magbabayad kana, kung hindi sa kalsada ka matutulog!" Saka niya padabog na isinarado ang pinto.

"Taray, sya na nagsarado"

Pero hindi 'yun and dapat kong problemahin. Dalawang buwan na 'kong hindi nakakabayad ng renta, baka sa kalsada nga ako pulutin pag nagkataon. Kailangan ko na talagang maghanap pa ng trabaho, hindi sapat ang sinasahod ko sa restaurant ni ate norie.

Apat na libo sa isang buwan, bawasan na ng tatlong libo pangbayad ng renta, edi Isang libo na lang 'yong tira. Hindi ko 'yon kayang pagkasyahin para sa sarili ko. Mamamayat ako!

Tiningnan ko muna ang cellphone ko, Alas syete na ng umaga. Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok sa banyo upang maligo.

Sabado ngayun, papasok ako sa trabaho hanggang alas singko ng hapon, at pagkatapos ay maghahanap ako ng trabahong pwedeng panggabi tuwing sabado at linggo.

Wala eh, Mag isa na lang ako kaya kailangan. Kung hindi lang ibinenta ng mga kamag anak ko ang bahay at lupa namin noong namatay ang mga magulang ko, hindi sana ako nahihirapan ngayun.

Mabilis lamang akong nag ayos ng sarili. Sinigurado ko munang nailock ko ng maayos ang unit ko bago ako umalis. Mahirap na baka manakawan pa 'ko, wala na nga akong pera.

Naglakad na lamang ako papuntang reataurant. Sayang lang sampung piso ko kung pwede naman lakarin, malapit lang din naman.

"Allyson! Allyson hintay!" Napatigil ako sa pag-lalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon naman ako at nakita ko si ate myrene na tumatakbo palapit. Katrabaho ko sa restaurant.

"Go-good morning! A-ang aga mo ah!" Hinihingal siya pero nagawa n'ya parin akong tanungin ng nakangiti.

"Morning" Sagot ko at ngumiti ng tipid.

Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako ulit, tanghali na ako.

"Uy teka allyson! Sabay na tayo hehehehe" habol niya sa akin.

"Alam mo ba kanina, pumunta sa bahay ang boyfriend ko. Kyahh! tapos BLAH BLAH BLAH BLAH" Ayan na naman po siya.

Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero parang mas matanda ako sa kanya dahil napaka kulit niya, napaka daldal pa. At Hindi ko siya kaibigan ah, sadyang ganyan lang siya. Halos nga lahat ng katrabaho namin ay ka close niya. Nung isang linggo nga ay may bago kaming katrabaho. At hindi pa nakakailang araw ay ka close na n'ya.

Nakakainggit ang pagiging friendly niya.

Kabaliktaran ko, madalang akong magsalita. Tahimik? oo pero sa isip ko madaldal ako and i have trust issues, mahirap na, 'yon ngang kamag anak na namin niloko pa ako, pano pa kaya ako magtitiwala sa ibang tao lalo na't hindi ko naman kaano ano.

Nasa may tapat na kami ng restaurant ng naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko.

"O, may tumatawag? Sige sagutin mo na muna, una na ko sa loob!" Paalam sa akin ni ate myrene.Tinanguan ko na lamang siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan. Pero ng makita ko kung sinong tumatawag ay, binalik ko ito sa bulsa ko.

Ang kapal talaga ng mukha niya. Nangungulit pa rin siya matapos ng lahat ng ginawa n'ya sakin. Ilang beses na akong nakapagpalit ng number pero nakakahanap pa rin talaga siya ng paraan, kaya ng magtagal ay hindi na ako nagpalit ulit, nasasayang lang.

Naramdaman kong nag vivibrate na naman ito kaya kinuha ko ito ulit. Pinatay ko ang tawag niya saka pinindot ng madiin ang button na nasa gilid at power off. Ewan ko lang kung makatawag pa siya.

Binalik ko na ito sa bulsa ko at pumasok na sa loob ng restaurant na pinagtatrabahohan ko.

Kumaway sakin si ate myrene na nasa counter na, kinawayan ko rin siya at ang iba naming katrabaho na kumaway rin sa akin.

Dumiretso ako sa locker namin at inilagay ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang uniform ko at isinuot ito.

Paglabas ko ay marami ng costumers kaya pumunta ako sa counter para tumulong sa pagkuha ng mga order nila.

Sobrang dami ng naging costumers namin kaya alas syete na kami nakapagsarado. Kinuha ko muna ang gamit ko sa locker saka ako nagpaalam kay ate norie.

Paglabas ko ay nakita ko si ate myrene na nakasakay sa tricycle pero hindi pa ito umaalis.

"Allyson! sabay na tayo!" Tawag niya sa akin.

"Mauna kana, may pupuntahan pa 'ko" Sagot ko sa kanya at kinawayan siya bago ako naglakad.

Hayy saan naman kaya ako makakahanap ng trabaho, dapat pala ay nagtanong ako kay ate norie.Tumingin tingin ako sa mga nadadaanan ko. Kung sakaling may makita akong bukas na kainan o ano, tatanungin ko kung hiring ba sila.Pakapalan na lang ng muka 'to.

"San ba punta mo?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Agad ko naman itong nilingon, Si ate myrene lamang pala.

"Maghahanap ako ng trabaho" sagot ko sa kanya at naglakad na uli habang nasa mga bulsa ng pantalon ang mga kamay ko.

"Trabaho? eh diba magka-Teka! Magreresign ka na ba!?" Pasigaw na tanong niya sa akin. Napatakip naman ako ng tenga. Napakalakas talaga ng bunganga nito.

"Hindi! Kailangan ko lang dahil kulang ang sahod ko, pangbayad lang ng renta eh" Sagot ko sakanya at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa balikat ko.

"Ah ganon pala, gusto mo bang sumama sakin?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Nag tatrabaho ako dyan sa BBB tuwing alas otso hanggang ala una, Ano G ka?"

"Bar yun diba?"

"Yup! Pwede ka nanaman dun,18 ka na diba? saka kasama mo naman ako." Napaisip nman ako sa sinabi niya.

Maghahanap na lang muna ako.Okay naman dun kaso hindi pa ako nakakapasok sa ganong lugar. Bar yun eh, Alak at mga lasinggo makakasalamuha ko.

"Maghahanap na lang muna ako" Sagot ko sa kanya.

"Okie! o sige na, pupunta na ko dun. Umuwi ka na ah, ingat allyson!" Paalam niya sa akin kaya nginitian ko siya.

Tinanaw ko siya hanggang makasakay na ulit s'ya dun sa tricycle kanina. Nang mawala na sila sa paningin ko ay naglakad na ulit ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at headset saka nagpatugtog habang naglalakad. Uuwi na lang ako, bukas ay magtatanong na lang ako kay ate norie marami kasi siyang kaibigang negosyante.

Napatigil lamang ako sa paglalakad ng may naririnig akong humihiyaw, Bakas sa boses na iyon ang paghihirap. Agad kong inilabas sa bulsa ko ang cellphone ko at pinatay ang tugtog, tinanggal ko rin ang headset ko.

At totoo nga, hindi nanggagaling sa tugtog ang naririnig ko. Nanindig ang balahibo ko ng mas lumakas pa iyon.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko naglalakad. Hinahanap kung saan iyon nanggagaling.

At napatigil ng may naaninag akong anino. Dahan dahan akong lumingon at doon nabitawan ko ang hawak ko.

Nakita ko ang isang babaeng nakalumpasay sa malamig na kalsada, dilat ang mga mata't tuyot ang katawan.

At ang nilalang na ito, Mahaba ang mga kuko, tumutulo ang dugo sa kan'yang labi at ang pulang pulang nanlilisik n'yang mga mata ay

Nakatingin sa akin!

"AHHHHHHH!"

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon