“Tama na ang titigan, baka pareho kayong matunaw”
Natigilan ako nang may nag salita sa likuran namin. Lumingon ako, at nakita sina harry. Inikutan pa ako nito ng mata.
Aba.
“Sakit n'yo sa mata” mataray na sabi n'ya pa at kunwari pang nag punas ng luha.
“What a gay” Parinig ni aya.
Sasagot pa sana si harry pero agad na itong inawat ni harrith at bumaling sa akin.
“Are you okay?” Napakunot ako. Bakit ba nila tinatanong kung okay lang ako? 'Di kaya nakita rin nila iyong mag titinda?
“Okay lang” Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang mga napapansin ko.
***
“You're so nakakainis!”
“You're so maarte naman!”
Napabuntong hininga na lamang kami sa dalawa na nag babangayan na naman sa unahan namin.
Pauwi na kami sa unit ko. Oo, kasama sila kasi makikitulog daw sila. Jusko, pero ayos lamang naman sa akin.
Dumaan din kami kanina sa bilihan ng cd's. Nag take out n lang din kami ng mcdo, Ang dami ngang binili ni harry e. Dinahilan pa si aya na malakas daw kumain. Kaya pinagtatalunan nila 'yon ngayun.
Actually tatlo na silang nag babangayan sa unahan. Nasali na rin si harrith na taga saway. Natawa na lamang ako.
Napalingon naman ako sa kasabay ko nang tumawa rin s'ya ng mahina. Bigla siyang lumingon sa akin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Na nakita pa nina harry!
“May nilalanggam~” pakantang parinig ni harry. Sa halip na mainis ay natawa ako, puro talaga kalokohan. Pero oo na, sige na. medyo kinilig tayo don.
***
PAGKABUKAS ko ng unit ay dire-diretso talaga silang pumasok sa loob. Nauna pa silang pumasok sa akin eh.
Napailing ako at sinarado ang pinto. Kinuha ko muna ang mga pambahay kong tsinelas para ipasuot sa kanila.
“Ito-”
“Kyut ng panty, pink” napamura ako dalas dalas na hinigit kay harry ang panty ko! Kinuha ko rin ang ilan pang nakasampay sa tabi ng bintana. Jusko bakit ko ba nakalimutang ipasok sa kwarto ang mga 'to?
Nag tatakbo akong pumunta sa kwarto. Nadaanan ko pa si aya na nagpipigil ng tawa. Si harrith naman ay walang pakialam at tumitingin tingin lamang dito. Napatingin naman ako kay deus, namumula ang buong mukha niya..... at nagpipigil rin ng tawa! Kahiya!
Pag kapasok ko sa kwarto ay nag bihis na ako at tinago ang dapat itago. Hinanda ko na rin ang mga hihigaan nila. Sa kama kami ni aya syempre no. At sa lapag ang tatlo. Sinigurado ko naman na malambot ang hihigaan nila dahil malamig lalo na mamayang madaling araw.
Nang makatapos ay lumabas na ako. Naabutan ko pa si aya at harry na hinahain ang mga pagkain. Si harrith at deus naman ay naglilibot lang. Buti na lang talaga at nakapag linis ako ng bahay, nakalimutan ko lang talaga ang mga sinampay ko.
“Ally! May tanong ako” tawag sa akin ni harry. Pumayawang ako sa harapan niya.
“Kung kalokohan na naman 'yan ay 'wag na” mataray kong sabi.
“Luh? deus oh, bebe mo nag tataray na HAHAHAH” namula ako sa sinabi nya. B-bebe? gago talaga e!
“Tumigil ka nga!”
“HAHAHA nag mana ka talaga kay aya. Pareho na ngang mataray pareho pang so-en ang ano,” Umawang ang aking bibig sa narinig. Inambahan ko siya ng batok pero naunahan na ako ni aya. Pinukpok lang naman n'ya ng kutsara sa ulo si harry.
Pero paano naman niya nalaman na so-en din ang pang ibaba ni aya? Parang ayoko ng iniisip ko ah.
“Ang iingay n'yo” masungit ni sabi ni harrith at umupo na sa harap ng pagkain.
Nagsi upuan na rin sina harry. Mauupo na rin sana ako ng maalala ko si deus.
Tumayo ako at pinuntahan siya. Nahuli ko siyang nakatingin sa family picture namin. Baby pa ako don. May kalumaan na 'yon at malabo pero hindi ko inaalis doon dahil 'yon na lamang ang picture ko kasama sila. Siguro ay meron pang iba pero 'yon lamang ang nasa akin kaya inaalagaan ko.
“Deus-” Natigil ako ng masilayan ang mga mata niya. Mga matang nakatitig doon ng may galit at awa.
Bigla s'yang humarap kaya bahagya akong napatalon sa gulat.
“K-Kakain na”
Tumango lamang siya, wala ng galit na makikita sa mata niya. Ang nakikita ko naman ngayun ay awa.
Bakit?
***
Malakas akong napabuntong hininga. Alas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Samantalang ang mga kasama ko ay mga humihilik na, lalo na si harry. Nasa baba lamang sila ng kama namin kaya rinig na rinig.
Gusto pa nga niya kanina na sa kama rin daw s'ya e, nung nanonood tuloy kami ng movie ay wala akong naintindihan. Pano kasi ay napaka kulit niya. Gusto daw niyang katabi si aya. Kung hindi lang siguro sila lagi nagbabangayan ay maiisip kong may namamagitan sa kanila.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong mag aalas onse na. Naiinis na tumayo ako at dahang dahang lumakad papunta sa pinto dahil baka matapakan ko sina harry.
Bakit kasi ang lalaking tao ng mga 'to? Natawa pa ako sa posisyon nila ng pag tulog. Nakaunan si harry sa may dibdib ni harrith at ang paa niya ay nakadantay sa binti ni deus.
Habang si deus ay nakatagilid, hindi ko tuloy makita ang mukha niya.
Nang makalabas ako ng kwarto ay pumunta ako sa kusina dahil nauuhaw ako. Kumuha ako ng baso.
Nang humarap ako para kumuha ng tubig sa ref ay muntik ko ng mabitawan ito. Pano ba naman ay nasa harapan ko si deus! Akala ko tulog na siya?
“Can't sleep?” tanong niya at siya ang kumuha ng tubig sa ref. Kinuha niya rin ang basong hawak ko at sinalinan ito at pinatong sa lamesa.
“Oum” ani ko at kinuha iyon.
Nag tagal pa kami sa kusina. Hindi kami nag uusap pero kahit ganun ay hindi ako nakaramdam ng pag ka ilang. Sa halip ay nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam na ako sa kan'ya na babalik na sa kwarto at matutulog na.
Bago pa ako lubusang makatulog ay may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko.
“Good night, my love”
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...