"Mamaya ka na!"
"No way!"
Napailing ako ng marinig na naman ang pagtatalo ng dalawa. Pati ba naman kasi pag gamit ng banyo pinag-aawayan.
Natatawa akong pumasok sa kwarto upang ipaghanda ng damit si aya dahil maliligo siya. Si harry ay hindi naman, wala rin naman akong maipapahiram na damit sa kaniya kung maliligo s'ya. Inaasar lang talaga niya si aya.
Kumuha ako ng maayos na damit. Didiretso rin kasi kami sa coffee shop. Kulay dilaw na Tee shirt at maong na short. Ikinuha ko rin siya ng pangloob, 'yong hindi ko pa naisusuot.
Isasarado ko na sana ito ng may maipit na papel. Taka ko itong kinuha at binuklat.
"Nandito lang pala 'to"
Ito ang kontrata sa BBB, 'yong bar na dapat papasukan ko, hindi ko lamang nagustuhan ang nakasulat dito.
Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon.
Buti na lamang at naitago ko pala ito. Kailangan ko itong ibalik tulad ng nakasulat dito na kung hindi ko tatanggapin ang trabaho ay kailangan ko itong ibalik dahil hindi pwedeng kumalat ang nakasulat dito.
Pinatong ko ito sa ibabaw ng durabox ko. Pag kapatong ko naman ay saktong bumukas ang pinto. Pumasok si aya na nakabalot lamang ng tuwalya. Bahagya pa akong napatitig sa kan'ya.
Sanaol maputi
Hindi naman ako maitim, hindi rin naman ako maputi, sakto lamang. Pero iba ang puti niya, parang wala na nga s'yang dugo eh. Idagdag mo pang napaka ganda niya. Matangkad din siyang babae, hindi naman ako pandak pero pag magkatabi kami ay nanliit ako.
Napailing ako sa iniisip ko. Kinuha ko na lamang ang damit na susuotin niya at pinatong sa kama.
"'Yan ang damit, aya. 'Wag kang mag alala dahil hindi ko pa nasusuot ang mga iyan" turo ko sa panloob na damit.
"Thanks"
Lumabas ako ng kwarto upang makapag bihis siya.
Naabutan kong nag kakagulo naman ang tatlong lalaki sa kusina.
"Pwe! ba't ganito ang lasa? sinunod naman natin ah?"Reklamo ni harry nang tikman niya ang kung anong niluto nila na nasa kawali pa kaya hindi ko makita.
Kinuha pa niya ang telepono niya sa gilid at may pinanood.
"O, tama naman e, wala naman tayong nakalimutan" kamot ulong sabi niya pa.
Lalapit na sana ako ng makita kong kumuha rin ng kutsara si deus at tinikman din 'yon.
"Maalat... Lagyan nating asukal" aniya.
Pinigilan kong matawa ng batukan siya ni harry.
Napatingin naman ako sa sinaing nang mag amoy sunog 'yon. Malakas kasi ang apoy. Dali dali akong lumapit at pinahina 'to.
"Wala naman kayong balak sunugin ang unit ko, ano?" Natatawa kong tanong. Lalo akong natawa ng sabay sabay silang napakamot sa ulo.
Lumapit ako kay deus at kinuha ang kutsara sa kamay niya at tinikman ang luto nilang ginisang upo.
"Medyo maalat nga" kahit ang totoo ay sobra.
Isang dakot bang asin ang nilagay nila dito?
Kinuha ko ang kawali at salaan. Tinapon ko ang sabaw at tinira ang upo para igisa ulit.
Nang maluto naman ay tinulungan nila akong maghain. Mabilis naluto dahil malambot na ang upo.
"Tawagin ko lang si aya"ani ko at pumunta sa kwarto.
Binuksan ko ang pinto. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng durabox ko. Hindi niya ako napansin kaya tinawag ko siya.
"H-hey" tarantang sagot niya at may nabitawan.
"Kakain na"
"Oh, o-okay, s-susunod ako" lumabas na ako at hindi na nag tangkang magtanong kung bakit s'ya mukhang natataranta.
Hanggang sa kumain kami ay ramdam ko ang pagkabalisa niya.
Naninibago rin ako dahil hindi sila maingay ngayun. Tahimik lamang sila pero laging nag titinginan na animo'y nag uusap ng hindi nag sasalita.
Nauna akong matapos. Tumayo ako at pumunta sa kusina upang ilagay ang pinagkainan ko ng may marinig akong tinig sa aking isipan.
Kaya sa halip na mailagay ko ito sa lababo ay nabitawan ko ito.
'In her room'
'In her room'
Nagpaulit-ulit sa isip ko iyon.
Lumingon ako sa kanila. Nakita ko ang pagmamadali nilang makalapit sa akin.
"A-anong nangyari?" si harry.
Hindi ko nasagot ang tanong n'ya dahil na kay aya ang tingin ko.
Sa 'yo ba ang tinig na 'yon, aya?
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampirosSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...