PAGOD akong umupo sa kama ko at napahilamos sa mukha. Grabe, hindi ko akalaing makikita ko pa s'ya at nakausap pa!
Para tuloy ayaw ko na ituloy, mag hanap na lang kaya ako ng trabaho? kaso alam kong mahihirapan na ako kung bibitawan ko pa.
Maganda rin naman ang offer n'ya sa akin. Tuwing monday to friday ay ako ang bahala kong papasok ako pagtapos ng klase ko, kung ilang oras ako makapasok pero tuwing sabado at linggo ay whole day.
Nasa akin kung gusto kong malaki ang sahurin ko. San pa ba ako diba? kaya lang ay makikita ko s'ya araw araw! Hindi ko naman mapipigilan 'yon. Sa kan'ya ang coffee shop na iyon.
Tuluyan na akong nahiga sa kama, nasulyapan ko pa ang relo don. Ala una pa lamang ng hapon at huwebes ngayun kaya may klase pa ako. Kaya lang ay tinatamad ako at pagod, alam kong hindi rin papasok sina aya kaya hindi na rin muna ako bukas na lamang.
Kinuha ko na lang ang aking cellphone saka nagpatugtog at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
*
“Hi ally! kay ganda mo naman sa umaga” Bungad sa akin ni harry pag ka pasok ko sa aming silid.
Tinawanan ko s'ya at binati rin pabalik. Lalapit sana s'ya sa akin kaya lamang ay nasagi s'ya ni deus. Nasagi o sinagi?
Nag tama ang tingin namin kaya alangan akong nginitian s'ya.
“Morning” Bati ko pero hindi n'ya ako pinansin at naupo sa tabi ng upuan ko.
Kung sinabi ni harry na maganda ako sa umaga, Ang kapal ko naman. S'ya naman kay sungit sa umaga. Bwisit, nabwi-bwisit na nga ako dahil magatatrabaho na ako sa coffee shop ng magaling kong ex mamaya tapos ay.......jusko!
Inis akong umupo at bahagya s'yang siniko. Lumingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin kaya't inirapan ko s'ya. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako, dahil nakita kong kumurba ang labi n'ya, mgumiti s'ya.
Ang mata ko talagang ito, kung ano ano ng nakikita.
NAGING maayos ang klase namin. Ilang beses pa akong natawag, nung una ay hindi ako nakasagot kaya pinag tawanan ako ng tatlo.
Sino pa ba? si deus, harrith at si harry lang naman. Pano ay tinuruan ako ng sagot ni harry. At malay ko bang mali pala iyon, jusko nakakahiya!
Mga bwisit e, akala ko ay hindi makikisama si harrith pero nangunguna pa s'yang tumawa. Bwisit tlaga.
Nandito na kami sa canteen at ako pa rin ang pinag kukwentuhan nila. Inirapan ko lang sila at tuloy pa rin sa pagkain. Kaya lamang ay naaagaw ng katahimikan ni aya ang atensyon ko, kahapon pa s'yang tahimik, lagi ko rin s'yang nahuhuli nakatingjn sa akin at hindi na ako magsisinungaling, nag aalala ako.
Napatingin kami sa kan'ya ng tumayo s'ya.
“Cr” Maikling paalam niya, at hindi ko alam kung anong pumasok sa kukoti ko at sumunod ako sa kan'ya papunta sa girls comfort room kahit hindi naman ako naiihi.
Hindi ko alam kong mag kaibigan na ba kami, kaming lima. Kaibigan ba pag ganito? laging magkakasama? at nakakaramdam ng pag aalala sa kanila? hay ewan.
Nag madali na ako at Naabutan ko s'yang nakatingin sa sarili sa salamin.
“Aya” Tawag ko sa kan'ya.
“Yes?”
“Okay ka lang ba? 'wag mo sanang isipin na pinapakealaman kita o ano. Kanina ko pa kasi napapansin na-” Naputol ang sinasabi ko nang bigla s'yang mag salita
“Hindi ka pa rin nag babago” Aniya at ngumiti ng maluwag sa akin.
Anong ibig mong sabihin? gusto kong itanong iyon pero hindi ko na lamang ginawa.
“Let's go, baka ma late tayo sa susunod na klase. Dont worry, im okay” aniya at ngumiti muli at naunang lumabas.
Naabutan naming nasa labas na ng canteen ang tatlo at halatang iniintay kami.
“Nandyan na pala ang chix ko!” Tatawa tawang sigaw ni harry at inakbayan ako. Oo, sigaw. Napatingin tuloy sa amin ang iba pang estudyante.
Napaka lakas talaga ng bunganga ng lalaking ito. Nakita ko pang nilingon niya si deus at mayabang na nginisian. At ang isa namang 'yon ay sinamaan lamang siya ng tingin. Kami pala dahil tumingin din siya sa akin at sa braso ni harry na naka akbay sa akin bago s'ya naunang umalis. Anong problema non at pati ako ay sinasamaan ng tingin?
“SIGE, salamat sa paghatid, ingat kayo” Paalam ko sa kanila bago ako bumaba sa kotse ni deus.
Hinatid nila ako.
Tumingin sila sa akin at nagpaalam maliban kay aya, na nakatingin lamang sa unahan.
“Aya” Tawag ko pero hindi niya ako pinansin dahil halatang malalim ang kan'yang iniisip.
Tinawag naman siya ni harry at kinulbit dahil doon ay humarap s'ya sa akin at ngumiti.
“Yeah, alis na kami ingat ka”
Ngumiti rin ako pabalik at nilingon si deus na nasa driver seat, nahuli ko rin s'yang nakatingin din sa akin kaya't tipid ko s'yang nginitian.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka lamang ako pumasok sa unit ko.
Mag hahanda pa ako para sa trabaho mamaya.
*
AYARA'S POV
“Sige, salamat sa paghatid. Ingat kayo” Narinig kong paalam ni ally, pero masyadong lumilipad ang isipan ko kaya di ko siya napansin.
“Aya!”
“What?” tanong ko ng tawagin ako ni harry na binigyan ng makahulugang tingin.
'What's wrong?' Tanong niya sa aking isipan. Umiling lamang ako sa kanya at tumingin kay ally.
“Yeah, alis na kami, ingat ka”
Ngiti ko. Ngumiti rin s'ya at kumaway bago kami umalis.“Hey, what's wrong?” Naagaw ni harry ang atensyon ko nang mag salita ito muli sa tabi ko.
“Is it because of what happened yesterday?” Tanong pa n'ya pero hindi ko s'ya pinansin dahil tama s'ya.
What happened yesterday really, really bothers me. Dahil ang alam namin ay hindi. Iyon din ang sabi ni Lord atrius. We really thought that she's not a vampire, but what happened just proved that, that fuck!
She's one of us, she's a vampire but a half blood.
Kahapon, kitang kita ko, ang pagbabago ng kulay ng mga mata niya, ang bilis ng kilos n'ya, para s'yang hangin at hindi na ako magtataka.
she's a half blooded vampire. And a half blooded vampires power will just come out once she's already 18.
I sighed
Bakit hindi ko napansin? Masaya ako pero hindi ko mapigilang hindi matakot dahil alam ko, nararamdaman ko, kaya s'ya nilalapitan ng mga bbv ay dahil alam na rin nila. Pero hindi nila makukuha sa amin si ally.
I'm willing to risk my life just to protect her. My bestfriend, no, our princess. Even she can't remember us.
………………………………………………………………………………………………………
BBV / Black Blooded Vampires😉
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...