“Sigurado ka ba, anak?” tanong ni ama na naka upo sa kama ko. Nag papaalam ako sa kan'ya na babalik ako sa mundo ng mga tao. Titingnan ko kung may uuwian pa ba ako doon. Baka napagsusunog na ni aling susana ang mga gamit ko.
Pati ang trabaho ko. Balak kong mag umalis do'n ng maayos. Balak ko ring dito na ipag patuloy ang pag aaral. Hindi pa ako makapaniwalang may eskwelahan din dito.
Tumango ako bago sumagot.
“Hindi naman po ako mag tatagal, balak ko rin pong kunin ang ilang gamit ko sa tinitirahan ko do'n,” kita ko ang pag aalinlangan sa mata niya. Kalaunan ay tumango rin kaya lumapit ako at yumakap sa kan'ya.
“Mag-iingat ka roon,”
Tumango ako at akmang aalis na sa pagkakayakap nang may maramdamang malamig na bagay sa leeg ko. Isang kwintas na may palawit na kalahating buwan. Hinawakan ko ito at pinakatitigan. Tulad ng nasa aking balikat!
“Ama, tingnan mo ito,” bahagya kong inilihis ang aking damit upang makita niya ang markang iyon sa aking balikat.
“Isa iyang proteksyon. Ang kwintas na iyan at ang markang 'yan na alam kong ang prinsipe ng mga duwende ang naglagay ay isa ring proteksyon. Hindi ka basta basta malalapitan ng kahit sinong may nais na masama sa iyo dahil makakaramdam sila ng sakit,”
“At makakaramdam din ako ng sakit kapag may malapit na imortal sa akin” dugtong ko. Marahan siyang tumango.
“H'wag na h'wag mong huhubarin,” paalala pa niya. Bago kami sabay na lumabas. Dumiretso s'ya sa kan'yang silid dahil mayroon daw s'yang dapat asikasuhin.
Ako naman ay pumunta sa likod ng palasyo dahil balak kong magpaalam kina pixy. At tama nga ako, nasa likod sila ng palasyo at may kung anong ibinubuhos sa paligid na nanggagaling mismo sa kanilang kamay. Nakakamangha. Bakit wala ako no'n?
“Prinsesa!” Nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa akin.
“Saan ka nagtungo kahapon? bigla kang nawala,” si xycie.
“Sa palasyo,” maikling sagot ko. Kung sasabihin ko ang nangyare kahapon ay pauulanan nila ako ng tanong.
“Babalik ako sa mundo ng mga tao,” aniko.
“Bakit?” takang tanong ni pixy.
“May mga naiwan ako doon,” sagot ko habang pinapanood ang ginagawa ng iba. Hindi lamang sina pixy ang nagbubuhos ng kung ano sa paligid. Nakamamangha, dahil ang mabuhosan nito ay nagsisimula muling mamulaklak. Ang mga tuyot na dahon ay muling nabubuhay.
“Pwede ba kaming sumama?” agad naman akong umiling kay jucio.
“Hindi pwede,”
“Bakit?” angal n'ya. Natawa ako.
“Masyadong delikado. Baka pati may makakita sa inyo,” sabay sabay silang nagbaba ng tingin kaya napailing ako. Gusto ko silang isama ngunit ayoko silang mapahamak. Ano na lang ang mangyayare kung makita nilang may mga kasama akong maliliit na tao tapos lumilipad pa?
“Sa susunod na lang, isasama ko kayo,” natawa ako ng magpaikot ikot sila sa tuwa.
“Aasahan namin iyan! Mag-iingat ka prinsesa!” pahabol pa ni jucio. Kumaway ako at naglakad pabalik sa palasyo.
Pumunta ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagdating ko roon ay naroon din ang dalawa at kumakain. Si deus, at harry.
“Nandyan ka na pala, kailan mo balak umalis?” tanong ni harry at inabutan ako ng tinapay. Ramdam ko ang titig ni deus. Naalala ko muli ang nangyare kahapon.
“Mamaya na,”
“Ganoon ba, si deus daw ang maghahatid sa'yo. hindi na kami makakasama ni kambal dahil may mahalaga kaming gagawin. Si aya naman ay hindi ko alam. Pero sasabihan ko s'ya” agad namang akong tumango. Alam kong utos ni ama na samahan nila ako lagi. Pero may kanya kanya rin nman silang dapat gawin kaya okay lang kahit hindi.
***
“Ingat ally!” kumaway ako sa kanila at humawak na kay deus. Nandito kami sa may lawa. Nasa ilalim nito ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya nakakapit ako sa kan'ya.
“Deus!” napalingon kami sa tumawag kay deus. Iyong babaeng tumawag din sa kan'ya nung nakaraan. Ano na naman bang kailangan nito? hindi ko mapigilang hindi mainis.
“P-pwede mo ba akong samahan ulit?” samahan saan? Gusto kong magtanong pero hindi ko na ginawa.
Bumitaw ako kay deus. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya at lumingon kay aya. Kay aya na lamang ako magpapasama.
Agad akong hinawakan ni aya. Walang lingunan kaming tumalon sa lawa. Napapikit pa ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa lagusan.
Nang maramdaman kong wala na kami sa tubig ay minulat ko ang aking mga mata. Narito na kami sa loob ng unit ko. Wow. Mas namangha pa ako ng makitang hindi ako basa. Parang hindi ako tumalon sa lawa kanina.
Narinig kong tumawa si aya.
“A-anong nakakatawa?”
“Kung nakita mo lang sana ang itsura mo kanina, matatawa ka rin,” aniya. Inirapan ko lamang s'ya.
“May gagawin ka pa diba? pwede mo na kong iwan, salamat sa paghatid,”
“Mag-iingat ka rito” ngumiti s'ya at basta na lamang naglaho sa harap ko.
Pagod ko namang inihilig ang ulo ko sa kama. Mariin akong pumikit dahil sa inis. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa pag-iisip.
NAPAMULAT ako ng may maramdamang malambot na bagay na dumampi sa noo ko. Bumungad sa akin ang mukha ni deus.
“A-anong ginagawa mo rito?” dahan dahan akong umupo sa kama.
“Are you jealous?” aniya. Hindi pinansin ang tanong ko.
“S-saan naman?” aniko. Hindi makatingin ng diretso sa kan'ya. Hindi agad s'ya sumagot kaya tumayo ako at kinuha ang pambahay kong tsinelas.
“You don't have to be jealous,” natigil ako ng magsalita s'ya sa may likuran ko.
“You're the one i love,” wala sa sarili akong humarap sa kan'ya dahil sa narinig.
“S-siraulo-”
“Can i court you?” muli na naman akong natahimik! Hindi agad ako nakasagot sa pagkabigla. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
“Okay. Silence means yes,” kumindat s'ya at bigla na lang ding nawala sa harapan ko. Napakurap kurap ako.
Ano daw?
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...