May narinig akong kumalabog kaya't dahan dahan akong nag mulat. Hinarang ko ang aking kamay sa sinag ng araw. Nang maging maayos na ang aking paningin ay nilibot ko kung nasaan ako.
Bumungad sa akin ang kulay puting kwarto at kulay itim na kama? Seryoso? itim? Wala akong nakikitang ibang kulay kundi puti at itim, umaalimuom din ang matapang na pabango. Teka bakit parang kaamoy ni-
“You're awake”
“D-deus?” Gulat kong sabi at wala sa sariling tiningnan ang sarili.
Okay kalma, 'yong uniform ko pa rin ang sout-
Napatingin ako sa kan'ya ng tumawa siya.
“'Di kita tipo kaya 'wag ka ng umasang may gagawin ako sa 'yo”
“Mas ayoko sa 'yo” Mataray kong sagot, aba! parang ang pangit ko kung makapag salita s'ya ah.
Iiling iling siyang nag lakad sa pinto akala ko lalabas na siya pero humarap pa sya sa akin.
“Come with me”
“Nasa baba sina aya” aniya at lumabas na.
Dahan dahan naman akong bumaba sa kama at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Naagaw ng painting na nakasabit sa itaas ng kama niya ang atensyon ko. Ang isa ay siya, gwapo, mukha s'yang aattend ng holloween party kasi nakataas ang itim na itim n'yang buhok at itim ang suot, kulang na lang pangil at mukha na s'yang bampira ah?
Ang isa naman ay batang litrato ni deus at isang babae, pinakatitigan ko ito dahil namumukhaan ko iyong babae.
“Edi kwarto nga n'ya 'to? pano ako napunta dito?” Mahinang tanong ko..
“Ally!”
“Ay kabayo!” Gulat kong sabi ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si harry at aya.
“Awts naman ally, sa gwapo kong 'to? Sasabihan mo lang ng kabayo” Madramang ani nya.
Inismiran naman siya ni aya at tumingin sakin.
“Here, I bought you clothes” Binigay naman niya ito sa akin.
“Salamat”
“Your welco-”
“Sa 'kin ka mag pasalamat ally, ako talaga bumili n'yan” Singit ni harry kaya napatawa ako lalo na't tiningnan niya na nang aasar si ally.
“Whatever”
“Cge na ally, ayon ang banyo, magpalit ka na ng damit”aalis na sana sila ng ng may maaalala ako.
“Ah teka! Bakit nga pala nandito ako?” Tanong ko, kanina ko pa iniisip 'yon, wala akong matandaan, posible ba 'yon?
Naguguluhan ko naman tiningnan ang dalawa dahil nag tinginan sila.
“Ahh ally-”
“You passed out”
Ako hinimatay?
“O-oo ally, hinimatay ka nga oo HAHAHAH” parang kinakabahang sabi ni harry.
“Ahh?“
Lumabas na sila ng kwarto kaya't pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo.
NAABUTAN kong nag tatalo na naman si harry at aya ng bumaba ako, nahirapan pa nga ako dahil napaka laki ng bahay na 'to.
Si harrith naman at deus ay nakaupo sa harap ng lamesa at may hawak na alak at seryosong nag uusap. Agang aga alak agad ang mga 'to.
“Ally! ang tagal mo kaya nauna na kami kumain, nando'n sa lamesa ang pagkain, mag buklat ka na lang”
“Oo sige” Sagot ko at pumunta ako kina deus.
“Kumain kana” seryosong sabi sa akin ni deus.
So, balik na ulit siya sa pagiging seryoso?
Tumango na lamang ako rito at pumunta sa tabi ni harrith dahil nasa tabi n'ya ang pagkain.
“Kumain na ba kayo?” tanong ko sa dalawa.
“Yeah” si harrith ang sumagot.
Wee? gusto ko pang itanong 'yon pero 'di ko na lang itinuloy at nagsimula ng kumain.
Para kasing hindi pa nakukuhanan ang pagkain e, at sobrang dami pa nito. Iba iba pang putahe, hindi pa pamilyar sa akin ang iba.
Mayaman nga sila.
Syempre 'yong mga 'di pamilyar sa akin ang kinuha ko at hindi naman ako nabigo sa lasa ng mga ito. May pinag uusapan ang dalawa ngunit hindi ko masyado maintindihan dahil busy ako sa pagkain, ba't ba?
“DINADAYA mo na ko eh!”
“What? hindi kaya! Ikaw nga yata ang nandadaya eh!” napailing na lamang ako kay aya at harry. Sumali ako sa kanila sa paglalaro ng baraha.
Nag uunggoyan kami.
Hindi talaga nila alam kung pa'no 'yon. Itinuro ko lamang at tingin ko ay hindi pa rin nila naintindihan dahil nag aaway na naman sila, eh pareho naman silang madaya.
“Itigil n'yo na 'yan” Napatingin kami kay deus ng magsalita ito. Lumapit ito sa amin at tumingin sa 'kin.
“Alam kong gusto mong magtanong kung bakit nandito ka” agad naman akong tumango.
Kanina ko pa talaga gustong magtanong, hindi ko lamang maitanong, nahihiya ako? ewan. Siguro ay dahil hindi ko pa naman sila masyadong kilala. Pero mababait sila at komportable akong kasama sila, totoo 'yon.
“Sige tutal ako naman ang pinaka gwapo rito, ako na lang ang magpapaliwanag sa 'yo”
“Gosh! ang hangin dito, liliparin ako” Napailing na lamang kami sa dalawa.
Aso't pusa talaga kahit kailan ang dalawang ito, jusko.
“May nangyari kahapon doon sa restaurant” Napatitig ako kay harry ng bigla itong sumeryoso at may napansin na naman akong kumislap sa mata n'ya pero ang naagaw ng atensyon ko ay ang sinabi niya, may nangyari?
“Nag karoon ng sunog doon, sa kusina at nagkataong nadoon ka kaya ka hinimatay”
Napatayo ako.
“Si ate norie? iyong may ari ng restaurant na 'yon? okay lang ba s'ya?”
“She's fine” Sabat ni deus
“H'wag ka ng mag alala, wala namang nasaktan at 'yong norie? s'ya ang nakiusap sa amin na bantayan ka” dugtong ni harry.
Nakahinga naman ako sa narinig, pero may parte sa akin na hindi naniniwala.
Wala namang kakaiba sa mukha nila but, i dont know. Pakiramdam ko ay hindi sila nagsasabi ng totoo, at bakit wala akong matandaan?
Kailangan kong pumunta roon para makita ko at makausap si ate norie.
Kung totoo man 'yon ay sigurado akong magsasara na ito, mawawalan ako ng trabaho.
At isa pa sa pinoproblema ko ay malapit na namang maningil si aling susana.
“I can help you” biglang sabi ni aya.
“Huh?”
“Sa pagkakaalam ko ay nagtatrabaho ka ro'n?” tanong nito.
“Oo, kaya baka mawalan ako ng trabaho”
“My brother has a coffee shop. Malapit lang 'yon do'n” may ibinigay siya sa akin na papel, tinanggap ko ito at binasa.
“Bittersweet coffee shop” Basa ko sa nakasulat rito.
Bittersweet coffee shop? pamilyar.
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...