Chapter 12

174 22 2
                                    

AYA'S POV

“Rayci called” I announced before i poured something red on my glass.

Damn, its so good.

“Why?” harrith asked.

“He told me that bbv are attacking on cebu. So we have to go there.....again” I said with annoyance.

“Teka, e pano si ally?” singit ni harry.

I just smiled.

At lumingon sa isang taong alam kong mapag kakatiwalaan namin sa pag babantay sa kaniya. Binigyan ko s'ya ng makahulugang tingin.

“sure”

“no”

Sabay na sagot ni kuya at deus.

“Deus-” He cut me.

“I'll stay here” My brows arched.

“What? but why?” I asked, but as usual i didn't get any respond from him. Damn, what is he thinking?

“You can't. Kailangan ka ron, ako ng bahala sa kan'ya” sabat naman ni kuya.

“Fine, j-just....damn it!” He answered and just vanished.

Okay. I smell something.

* * *

ALLYSON'S POV


Hinihingal akong napaupo. Hinawakan ko ang aking dibdib at pilit kinakalma ang sarili.

Nandito ako sa unit ko kaya panaginip lang 'yon.

“Panaginip lang 'yon allyson, panaginip lang” Anas ko. Bakit ba kasi kung ano ano ang napapanaginipan ko? Jusko, sign na yata 'to para bawasan ko ang pag kakape ko ah?

Pero alam kong totoong pumasok ako, hinatid pa ako nina deus at pumasok sa trabaho, nakasabay ko pa si evelyn pauwi. Tapos..... tapos sumunod na 'yon, panaginip lang ba talaga? parang napaka totoo.

Natigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nag alarm lamang na alas sais na ng umaga. May pasok nga pala ako, tatanungin ko na lamang si deus, at ang kaliwang braso n'ya. Kailangan kong tingnan!

NAKAUPO na ako sa aking silya habang nakatingin sa lecturer naming bading na nag di-discuss ng hindi ko naman nainintindihan dahil lumilipad ang utak ko.

Bakit wala sila? Sa totoo lang ay kanina pa ako hindi mapakali, at nag aalala? lalo na kay deus. Hindi ko alam pero may kutob akong totoo iyon, at sa isiping 'yon ay naninindig ang aking balahibo.

Kaya kailangan ko talagang makita si deus at matingnan ang kan'yang braso para mapanatag na ako.

Pero paano ko ba gagawin 'yon e wala naman sila? Wala naman akong ka alam-alam sa kanila, ni saan sila nakatira ay hindi ko alam.

NATAPOS ang klase namin ng wala akong naintindihan. Ngayun ay nag lalakad na ako pauwi dahil gusto ko nang mahiga. Wala rin akong balak na pumasok sa trabaho ngayun dahil siguradong gagabihin ako pag uwi.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya napatigil ako at lumingon sa may likuran, nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong makita. Guni guni-

“AHHH!” Sigaw ko sa gulat nang pagharap ko ay nasa harapan ko sina harry!

At ang lintik ay mamamatay na sa kakatawa, sana nga.

“Napaka magugulatin mo talaga ally HAHAHAHA”

Inirapan ko lamang siya at lumingon kay aya na natatawa rin. Kahit si harith.

Bwisit talaga ang mga 'to.

Bumaling naman ako kay deus at bahagyang nanlaki ang mata ng makitang nakatingin sya sa akin.

Kinilig yata ako.

Ibinaba ko ang tingin sa kan'yang braso. Hindi ko makita kong may sugat siya dahil naka long sleeve siya. Lalong hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na lapitan siya at hawakan ang braso n'ya. Agad kong nilihis ang nakaharang dito.

Nilihis ko rin ang isa pero....wala. Walang sugat.

“Ano ba yun ally?” Nag tatakang tanong ni harry.

Sa halip na sagutin s'ya ay tumingin ako kay deus. Wala s'yang sugat. Dapat ay okay na ako dahil ang ibig sabihin non ay panaginip lang talaga iyon, pero bakit..... bakit pakiramdam ko ay may mali?

“Nasaan ka kagabi?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot at tumitig lamang.

“Nasaan ka nga kagabi?” Ulit ko.

“Luh? anyare? may relasyon na ba kayo?“ singit ni harry pero hindi ko sya pinansin.

“Ay, dedma ako? shakit n'yo naman!”

“Shut up jejemon” Saway sa kan'ya ni aya.

“Ouch hah!?”

“Kasama n'yo ba s'ya kagabi?” tanong ko ng hindi inaalis ang tingin kay deus.

“Hindi” mabilis na sagot ni harry na may nakakalokong ngisi sa labi.

“Kung ganon, nasaan ka non?” Tanong ko kay deus.

“Nasa bahay” walang emosyong sagot niya.

Naiinis na binitawan ko s'ya at napabuntong hininga.

Nakatingin pa rin siya sa akin kaya inirapan ko s'ya at nagpatiuna maglakad. Na bwi-bwisit lamang ako.

Pero hindi ako titigil, alam kong may tinatago siya, sila. Kung kailangang palagi akong bumuntot sa kanila ay gagawin ko.

Nilingon ko silang muli, inaasar nila si deus na nag loloko raw. Ngunit si deus ay nakatingin lamang sa akin, at ang mga matang iyon, parang-

Parang sinasabing tama ako kaya dapat akong mag patuloy.

………………………………………………………………………………………………………
A/N:

Sabaw HAHAHA btw maraming salamat sa mga nag babasa! Kahit matagal ang ud at laging sabaw. Pero may plano ako dito, tiwala lng, HAHA❤

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon