“Lazarus, Luzcus. Tama na 'yan” Tawag ko sa limang taong gulang kong kambal na lalaki na nagsasanay na naman. Dito pa sa kwarto nila kaya nagkalat na nman ang gamit nila.
Napailing ako ng hindi pa rin sila tumitigil. Halos hindi ko na sila masundan ng tingin dahil sa mabibilis nilang kilos.
“Lazarus. Luzcus.” Pinigilan kong matawa ng mabilis silang tumigil at naghiwalay ng marinig ang boses ng kanilang ama kasama sina harry at aya. Madalas nandito ang mag asawang 'to dahil sa mga anak ko. Ayaw pa kasi mag anak.
“Itigil n'yo na 'yan” sabay na tumango ang dalawa at mabilis na lumabas. Tumatawa naman ang dalawang sinundan ang mga anak ko. Napatampal ako sa noo ng makita ang kabuuan ng kwarto. Nagkalat ang mga gamit nila. At basag na naman ang bintana ng kwarto nila. Pang anim na beses na naming magpapalit ng bintana.
“Ang dalawa talagang 'yon,” Akma akong papasok ngunit mabilis akong hinatak ni deus.
“Love, 'wag. Tatawag ako ng maglilinis,” naiiling n'yang sabi.
“Mabuti pa nga,” natatawa kong ani. Puno ng bubog ang kwarto kaya hindi na rin ako nagpumilit at sumunod na lamang kami sa kanila.
Simula ng mag apat na taong gulang ang dalawa ay masyado na silang naging maobserba. Napapansin ko iyon. Natutuwa ako dahil kaya na nilang protektahan ang mga sarili nila. Ngunit hindi ko maiwasang hindi matakot.
“Kailan n'yo balak bumisita sa palasyo?” tanong ni harry. Sumimsim ako saglit sa basong kong puno ng pulang likido bago sumagot.
“Sa kaarawan ng dalawang bata,” nais ni ina at ama na doon ganapin ang kaarawan ng dalawa.
“Mabuti-”
“Anak?” tawag ko kay luzcus ng mapansing nakatitig s'ya sa hawak ko.
Dahan dahan ko iyong ibinaba at binigyan s'ya ng tubig. Bumagsak ang balikat ko. Ang anak kong si luzcus ay isang half blooded vampire. Nakuha niya 'yon sa akin. Kaya naman hindi niya gusto ang dugo, pero alam kong iinom din s'ya nito pag tungtong niya ng dise otso. Tulad ng nangyari sa akin.
Naalala ko ang sinabi ng nakatataas na bampira. Hindi maaaring dumami ang mga tulad namin. Kung hindi ay hihina ang angkan namin. Kumuyom ang kamao ko ng maaalala ko kung paano nila sinubukang patayin ang anak ko.
Mabuti na lamang at gumaling s'ya matapos painumin ng lason. Kaya't napagkasunduan ng lahat na hindi maaaring magkaroon ng anak na lalaki ang anak ko sa kasalukuyan na maaaring makakuha ng pagiging half blooded vampire n'ya.
Marahan kong hinaplos ang noo n'ya. Kung mangyayari ang bagay na 'yon ay handa akong suportahan s'ya. Kung ano ang gusto n'ya basta't masaya s'ya.
Dinampian ko ng halik sa noo ang dalawa kong anak na mahimbing ng natutulog. Kinumutan ko sila bago marahang umalis sa kama at pumunta sa kwarto namin ni deus.
Napangiti ako ng makita si deus na nakatulog na ng mahimbing habang nakaupo at nakadukmo sa lamesa. Nakatulog na siya sa pagtatrabaho. Nagtatrabaho s'ya para sa amin. Kaya mas pinili rin namin na manatili rito sa mundo ng mga tao.
Dahan dahan kong inayos ang mga gamit niya. Nag matapos ay kinuha ko ang isang silya at umupo sa harap niya. Hinaplos ko ang malambot n'yang pisngi.
Ganito pala ang pakiramdam. Ang pakiramdam na maayos na ang lahat. Iyong wala ka ng iniisip. Wala ng bumabagabag sa iyo. Ang kailangan lang ay makuntento. Huwag maghangad ng mas malaki pa dahil may dala itong epekto. Dahan dahan kong inayos ang buhok niyang humaharang sa kan'yang mukha.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito. Dahan dahan akong lumapit at idinampi ang aking labi sa bahagyang nakaawang niyang labi. Nagulat ako ng maramdam ang matigas niyang braso na pumulupot sa aking bewang at hinapit ako.
“Mas mahal kita,” Anas niya kahit nakapikit. Bago sinunggaban ang aking labi. Napangiti ako at buong pusong tinugunan ito.
He's not my vampire boyfriend anymore, because......he's now my vampire husband.
-THE END-
_____________________________________________________Thank you sa mga nagbasa! Salamat sa inyong paghihintay sa mga update ko kahit matagal hehe.
See you on my next stories! Ily all♡
Nics<3
EDIT:
Helloo! sinimulan ko na ang aking series, posted na ang unang libro ng mijares boys series (Loving Him Endlessly) baka lang gusto n'yo ring itry hehe. Enjoy reading.🏻
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...