“BA'T 'di ka pumasok kahapon?” bungad sa akin ni evelyn pag kalabas niya sa bahay nila.
“Maraming binigay na activities sa amin kaya hindi ako nakapasok” dahilan ko. Pero ang totoo ay ayaw ko lang pumasok sa trabaho kahapon dahil natatakot ako na may maulit ulit, at siguradong gagabihin ako.
“Ganun ba? sayang, nilibre pa naman kami ni sir kahapon” tango na lamang ako ng tango sa mga kinukwento n'ya. Dahil wala naman akong pakialam. Lalo na at tungkol sa lalaking 'yon.
NANG makarating kami ay iilan pa lamang ang customer. Binati kami ng iba naming ka-trabaho at dumiretso na sa locker room para mag bihis.
Nauna namang lumabas si evelyn dahil tinawag siya ng head namin. Kinuha ko naman ang aking pamusod at lumabas na rin. Nag pupusod na ako ng may nakabanggaan ako.
Ay hindi. May bumangga pala.
Yumuko ito at kinuha ang pamusod ko saka ibinigay sa akin. Kinuha ko naman agad at nilampasan siya.
Hindi ako mag sosorry kahit boss ko s'ya ano. S'ya naman ang bumangga sa akin. At ayoko rin s'yang makausap.
Malapit na ako sa counter nang hinarang naman ako ni ate lorna. Jusko ilan pa ba ang makakasalubong ko bago ako makapunta sa counter?
“Marie pwede bang pabigay-bigay naman nitong kape kay sir, may ginagawa lamang ako, wala kasi si lando kaya wala akong katulong, salamat” mabilis niyang sabi at ipinatong sa mesa na nasa tabi namin ang kape.
Hindi na niya nabigay sa akin sa pag mamadali. Napabuntong hininga ako at kinuha ito. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko s'yang makausap e.
Nang nasa harapan na ako ng opisina niya ay kumatok ako ng dalawang beses pero walang sumagot. Kumatok ako ulit pero wala talaga.
“Bwisit naman-” Natigilan ako ng may tumawa sa likod ko.
Tangina.
“Is that my coffee?”
Lumingon ako pero nasa ibaba ang tingin at tumango. Iniabot ko sa kan'ya ang kape.
Nang makuha na n'ya ito ay tumalikod na ako at dali daling umalis. Putangina talaga.
***
BAKIT ba s'ya tingin ng tingin?
Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Alas dose na ng tanghali, at break time namin. Meron naman kaming kapalitan kaya okay lang kahit medyo magtagal kami.
Pero ako, baka abutin ako ng hapon dahil hindi ako makakain ng maayos. Tingin ng tingin ang bwisit na 'yon e. Naroon s'ya sa isang table kasama ang ibang katrabaho naming lalaki na kumakain din.
Nang mahuli ko na naman s'yang nakatingin ay tumayo na ako. Grabe namang makatingin para namang may mangyayaring masama sa akin.
“Tapos ka na agad?” tanong sa akin ni evelyn. Tinanguan ko s'ya. Inalok pa nila ako ng pagkain nila pero tumanggi ako.
PAGPATAK ng alas singko ay nagpaalam na ako sa kanila. Dahil ayoko ngang gabihin sa daan. Mag isa akong nag lalakad ngayun dahil nag-over time si evelyn.
Pasipa sipa akong nag lalakad hanggang sa may nakita akong papalapit ng mag a-ice cream.
“Kuya! pabili nga po- a-arayy” daing ko ng biglang kumirot ang balikat ko. Agad din naman itong nawala kaya nag taas ako ng tingin sa unahan ko at ganun na lamang ang panlalambot ko ng makitang wala 'yong mag titinda kanina.
Nilibot ko ang paningin ko pero.....wala.
Pano naman iyon mawawala ng ganun na ganun na lang at di ko man lang naramdaman? maliban n lamang siguro kung....jusko.
'Di kaya kasamahan siya nung babae? bigla rin s'yang nawala nun. Ang hindi ko lang alam ay kung totoo ba 'yon o panaginip lang.
Bahagya akong napatalon ng biglang may bumusina sa tabi ko. Nakababa ang salamin kaya kitang kita ko s'ya.
“Are you okay?” tanong n'ya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala?
“B-bakit naman magiging hindi” barumbadong sagot ko at nag patuloy sa paglalakad kahit nanlalambot ako. Kung ano-ano ng nang-yayari sa akin.
“Hatid na kita” narinig kong sabi pa niya. Tinaas ko naman ang aking kamay at ikinaway bilang pag tanggi. Ayoko s'yang makasama at mapapalayo lamang din siya dahil ang alam ko ay sa kabila ang daan papunta sa bahay niya.
Maya maya ay narinig ko ang pag andar ng kotse n'ya. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis.
Bumigat muli ang pakiramdam ko. Wala akong kasama. Baka may sumulpot na naman na kung ano.
Bakit kasi wala sina aya? nag kita nga kami kahapon pero hinatid lamang nila ako at umalis na. Hindi ko na nga din sila natanong kung bakit hindi sila pumasok non dahil nga nabu-bwisit ako. Pero sa totoo lang ay namimiss ko sila. Kahit maingay at magulo sila kasama ay kumportable naman ako at pakiramdam ko ay ligtas ako palagi. Lalo na pag si-
“Deus” isang pamilyar na boses ang nag tuloy sa sasabihin ko na nakapag patigil sa akin.
Agad akong humarap at napangiti.
“Deus”
BINABASA MO ANG
My Vampire Boyfriend [COMPLETED]
VampireSampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito naaalala pa. Ngayun, labing walong taong gulang na siya't namumuhay mag isa, at dahil sa angking talin...