Chapter 3

276 44 1
                                    

"H'wag kang matakot, kakampi mo kami," lintanya niya, at hindi binubura ang nakakalokong ngisi sa kan'yang labi.

"Huh?" ano bang ibig niyang sabihin? Kakampi saan?

"Hukdog,” pilosopong sagot nito at sinamahan pa ng nakakinis niyang tawa.

Sa inis ko ay nilampasan ko sila at naglakad na muli. Saan bang lupalop nanggaling ang dalawang baliw na iyon? tch.

"Baliw? itong gwapong 'to baliw?" Napahampas ako sa ere sa gulat ng biglang nagsalita iyong harry sa tabi ko, at kung sinuswerte nga naman, tumama sa kan'ya ang aking kamay.

"Aray ko!"

"Ba't kasi bigla bigla kang sumusulpot!" Asar kong tanong at binaling ang tingin sa kaliwa ko ng maramdaman kong may tumabi pa sa akin.

"Can you two shut up? its annoying" Wala sa sariling napalunok ako ng magsalita si harrith the masungit. At sinasabi ko sa inyo, nakakatakot ang boses niya, mahina ngunit maawtoridad.

"Kambal naman wag mo nga siyang tinatakot HAHAHAHA" sagot naman nitong isa.

"Hindi ako natatakot sa kan'ya! Sa'yo 'ko natatakot, mababasag yata eardrum ko, dahil d'yan sa lakas ng boses mo!" Singhal ko sa kaniya at sinagot niya lamang ako ng tawa.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pero inaamin ko, nawala ang takot ko. Kahit na ngayun ko lang sila nakilala at nakausap, nararamdaman ko naman na mababait sila, at mapagkakatiwalaan.

Tumigil ako sa paglalakad ng naramdaman kong tumigil din sila. Nilingon ko sila at takang tiningnan ng makitang nakaharap silang dalawa roon sa dinaanan namin kanina.

Nayakap ko ang aking sarili ng biglang humangin ng malakas. Pero 'yung dalawa nandoon pa rin.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?" tanong ko.

Agad naman silang humarap, bahagya pa akong napaatras ng parang may nakita akong kulay pulang kumislap sa kanilang mata.

"Wala! tara na!" sagot ni harry at agad silang naglakad papunta sa akin.

Napaigtad ako ng ipatong ni harry ang kanyang kamay sa aking may balikat malapit sa batok.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong ko ng maramdaman ang lamig ng kan'yang kamay, siguro ay nilalamig 'to. Hindi niya ako sinagot at nakatingin lamang siya sa aking balikat. Kaya tumingin din ako dito, at binalik sa kanya, ngunit napakunot muli ng may nakita akong kumislap sa kan'yang mata, katulad noong kanina, kulay pula.

Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin ng mapansing makatitig ako sa kan'yang mga mata.

"Sorry, bigla kasi akong nahilo" kamot ulong sagot niya sa akin.

Marahan akong tumango at nag lakad na ulit. Hindi naging tahimik ang paglalakad namin, panay kasi ang daldal nitong si harry. Kaya rin siguro komportable ako at pakiramdam ko ay safe ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko matagal ko na silang kilala kahit ang totoo ay ngayun lamang naman.

Nakarating kami sa apartment ko ay binuksan ko ito.
Tiningnan ko silang dalawa na nasa may labas at palinga linga, na para bang ngayun lang sila nakakita ng apartment.

Teka saan kaya ang bahay nila? siguro ay madadaan nila ang apartment ko bago sila makauwi. Bakit naman kasi dito sila dumaan kung hindi diba? o sinamahan lamang talaga nila ako? Kung ganon man ay salamat sa kanila. Kanina nung mag isa ako ay pakiramdam ko, 'di ako makakauwi.

Napabuntong hininga naman ako, papapasukin ko ba? Ngayun ko lang sila nakilala at mga lalaki pa. Napatigil lamang ako sa pag iisip ng magsalita si harrith.

"We're going" Sabi niya ng mahinahon ngunit malalim na boses.

Napatango naman ako.

"Oo nga ally, salamat sa kaunting kwentuhan, sa susunod ulit!"

Kaunti lamang iyon? e halos mabali na nga ang ang ulo ko kakatango sa mga sinasabi niya kanina. Handa na silang umalis ng tinawag ko si harry.

"Teka! Pano mo nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ko sa kanya. Ally short for allyson. 'yun ang tawag sa akin ng mga magulang ko nung nabubuhay pa sila, nagkataon lang ba?

"Secret! HAHAHAHA alis na kami!" Paalam niyang muli, kaya tumango na lamang ako, ng mawala sila sa aking paningin ay pumasok na ako sa loob at sinarado ang pinto.

Siguro nga ay nagkataon lamang. Pero ang nakakapagtaka ay paano n'ya nalaman ang pangalan ko eh ngayun lamang kami nagkakakilala? stalker ko ba siya? o baka naman schoolmate ko sila, hindi ko lamang sila napapansin dahil dakilang loner ako at palaging nasa tagong lugar.

Hinubad ko na ang aking damit ng maalalang maglalaba pa nga pala ako. Isasama ko na rin itong suot ko. Sana lamang matuyo ito.

Napapikit lamang ako ng parang may nahagip ang aking mga mata na kumislap sa aking likuran. Sinilip ko ito, at ganon na lamang ang taka ko ng may makitang kalahating buwan na marka dito. Pinasadahan ko ito ng haplos at napatigil ng mawala ito. Pumunta ako sa may salamin, at pilit itong inaninag, ngunit wala na akong nakita. Pinakatitigan ko ang aking likuran pero hindi ko na talaga nakita.

"Namamalikmata lang siguro ako" Mahinang sabi ko habang nasa salamin pa rin ang tingin. Tiningnan kong muli ang aking likuran, sa may bandang batok ko iyon nakita kanina. Doon sa mismong parte kong saan ipinatong ni harry ang kan'yang kamay.

Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagbibihis at hindi na iyon pinagtuonan ng pansin.

Kinuha ko rin ang nakasabit kong uniporme sa may pinto at pumunta sa cr para labhan na ito.

Alas dyes na ng matapos ko na ang lahat ng gawain ko. Mahihiga na sana ako ng tumunog ang aking tiyan.

"Naman....." Mahabang daing ko at tiningnan kaagad kung anong meron sa cabinet ko.

"Pancit canton na lang ulit" Kinuha ko ito at isinalang. Nagsalang din ako ng kanin na pwede hanggang bukas ng umaga.

Habang nag iintay ay inayos ko muna ang kabinet ko na lagayan ko ng pagkain. Wala na iyong laman, kailangan ko na ulit mamili.

Siguro ay pagkatapos ng klase ko bukas ay isisingit ko muna ang pamamalengke.

Nang maluto na ang kanin at ulam ko ay inihain ko na ito at kumain na.

At syempre pagkatapos ay hinugasan ko na ang aking mga pinagkainan. baka kasi guyamin pa kong ipagpapabukas ko pa.

Nang matapos ay nagtungo na ako sa aking kama at agad na humilata.

"Hay..." Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng biglang kumirot ang aking balikat. Sinilip ko ito at ganun na lamang ang aking pagkabigla ng makita ko na naman ang kalahating buwang marka rito.

A-ano ba ito?

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon