Chapter 4

273 42 0
                                    

Nandito na ako ngayun sa loob ng classroom namin. As usual maiingay ang mga kasama ko, dahil wala pa ang lecturer.

Tumigil lamang sila ng pumasok si Maam Celyn.

“Good morning, wala ngayun si Sir Elvin. Pero mayroon s'yang iniwan sa akin na dapat n'yong gawin, at allowed kayong pumunta sa library,” Anunsyo nito at ibinigay ang isang papel sa class president namin bago ito lumabas.

Isinulat naman ito ng secretay namin sa board. Kaya kinopya ko ito sa aking papel para hindi ko makalimutan. Pero ang iba, pinairal na naman ang katamaran at mga pasimpleng kinuha ang mga cellphone at pinicturan na lang 'yun, tsk tsk.

Tumayo na ako at binitbit ang aking mga gagamitin at lumabas. Habang inaayos ang aking pagkakabitbit sa aking mga dala ay may biglang bumunggo sa akin, kaya napaupo ako at nabitawan ang aking mga dala.

Agad ko namang ibinaba ang aking palda ng tumaas 'yon hanggang sa aking may gitnang hita.

Inaayos ko pa ang aking salamin ng bumalandra sa aking harap ang aking mga gamit.

Tumaas ang aking tingin sa taong nag aabot nun sa akin, at napaatras, dahil masyadong malapit ang kan'yang mukha. Bahagya lang naman siyang nakayuko pero dahil sa katangkaran ay halos magdikit na ang tungki ng aming ilong.

And i unconsciously bit my lower lip as i met his intense black eyes shaped like an almond, prominent jaw, tall high bridge nose, paired with his big and bold, sexy lips.

Pero ang hindi ko inaasahan ay nang mas nilapit  niya pa ang kan'yang mukha sa akin kaya tuluyan ng nagdikit ang aming ilong.

Damn

I could hear my own heartbeats!

Nakikita ko rin sa gilid ng aking mata na dumarami na ang nakatingin sa amin. Pero kahit gusto kong gumalaw ay hindi ko magawa, idagdag pa ang puso kong kay bilis ng kabog at sigurado akong naririnig niya iyon.

Napakurap lamang ako ng tinampal niya ng marahan ang aking salamin para mawala iyon sa ayos kaya hindi ko siya gaanong makita. Naramdaman ko ring pinatung niya ang aking gamit sa hita ko.

“Mag ingat ka naman, kjgfcxfgg” seryosong sabi niya ngunit masyadong mahina kaya't hindi ko na naintindihan ang ibang sinabi niya, itatanong ko pa sana ngunit naglakad na ito palayo.

Bastusing bata, kakausapin mo pa, nilayasan kana.

Pero nang makalayo siya ay bumalik na sa dating bilis ang kabog ng puso ko at ng mapansing mas dumami na ang nakakakita sa akin ay inayos ko ang aking sarili at dali daling umalis doon.

Tatakbo akong pumasok sa library kaya nasitsitan ako ng nagbabantay dahil maingay ang sapatos ko. Pero hindi ko iyun pinansin at nagpunta na roon sa may pinaka dulo at tagong lamesa.

Mauupo na sana ako ng biglang gumalaw ang silya ng kabilang mesa at parang may mahagip ang mata ko na tumayo sa silyang 'yun at parang hanging umalis.

“W-what was that?” Tanong ko sa sarili, at pinakatitigan ang silyang 'yun.

“Kalma lang allyson, nahilo ka lang siguro dahil sa pagkakatumba mo kanina” Mahinang sabi ko at ibinaba na ang aking gamit.

Pinilit kong huminahon at hinanap ang librong kailangan ko. Nang hindi ko nakita ay lumipat ako sa kabilang side, pero pumunta rin agad doon sa kabila ng makitang nandoon ang karamihan sa mga kaklase ko at nagtutumpukan. Siguro ay nagtutularan na.

Inilandas ko ang aking daliri sa mga libro sa nasa pang anim na patas, at ng 'di makita ang hinahanap ay tinaas ko ang tingin sa nasa pangpitong hilera ng libro na hindi ko na kayang maabot. At kung minamalas nga naman ako ngayung araw, nandoon 'yon, at ang problema, hindi ko 'yon maabot, kahit na tumingkayad ako.

Lumapit ako roon sa isang silya at bwisit na sinipa 'yon dahil hindi ko ito maayos na mahila sa kabigatan.

Kaya nagtataka ako kanina eh, gawa sa semento ang upuan dito sa library, kaya pa'nong iipod na lang 'yun bigla?

Hinawakan ko ulit 'yon at handa ng hilahin ulit ng biglang may nalaglag malapit sa akin, kaya't napatalon ako sa gulat.

At mas nagulat ng makitang ang librong kailangan ko ang nalaglag. Kinuha ko ito at tumingin sa paligid, at ng wala naman akong nakitang tao ay lumapit ako roon sa mga nakahilerang libro at sinilip ang kabila.

Napatayo naman ako ng tuwid ng makita ko na naman siya. Iyung lalaki kanina na nakabunggo sa akin. Nang magtama ang aming mata ay agad na bumilis na naman ang tibok ng puso ko kaya dali dali akong umalis do'n at nagtungo sa lamesa ko kanina.

Jusko, ano bang nangyayari sakin? At pag nagtatagpo ang mga mata namin ay kinakabahan ako at bumibilis ang tibok ng puso ko? Hindi naman siguro ako nainlove at first sight, ano?

“Ayss!”

 

                                                     ***

“Ganda! Bili ka na ng isda o, kakahuli lang, sariwang sariwa pa!” Tawag pansin sa akin nung tinderong payat na nagawa pa akong kindatan.

Tsk, sino ang bibili nun eh, kaliliit na nga, namumula pa ang mata, parang kahapon pa nahuli.

Hindi ako nanglalait, nagsasabi lang ng totoo. Alam ko namang naghirap din siya sa panghuhuli, pero kasi sobra na ang pamumula ng mata ng mga isdang binebenta niya, hindi ba niya naisip na baka makasira ng tiyan 'yun?

Agad kong kinuha ko ang aking panyo ng matalabsikan ang aking palda nong dugo ng isda, mayroon kasi akong nadaanang nagtatadtad.

At oo nasa palengke ako dahil wala na akong kakainin. Meron na akong bigas, at ilang dilata. Uuwi na nga sana ako kanina, kaso ay naka amoy ako ng piniritong isda doon sa kalinderyang nadaanan ko kanina kaya gusto ko tuloy bumili ngayun. Hindi lamang ako makapamili agad dahil karamigan sa isda ay namumula na ang mata, hapon na rin kasi kaya hindi na fresh ang mga 'yon.

Kaya bumalik na lamang ako doon sa kalinderya at bumili ng ilang pirasong pritong isda para sa hapunan, dahil wala talaga akong nabili kanina.

Naglalakad na ako pauwi ng maramdaman na naman iyong parang may sumusunod sa akin, kanina ko pa 'yong nararamdaman nung nasa school, pero sinasawalang bahala ko na lamang.

Lumingon lingon ako sa paligid pero wala namang akong nakikita.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Ang daming nangyayaring kakaiba ngayung mga nagdaang araw, una ay iyong panaginip ko, pangalawa ay iyung kambal, paano nila nalaman ang pangalan ko? At iyong kalahating buwan na marka sa likod ko? San nanggaling 'yun? At napapansin ko ring lumiliwanag 'yun tuwing gabi, minsan pa ay hindi ako makatulog dahil kumikirot 'yun, at syempre ang mga nangyari kanina.

Napahawak na lang ako sa ulo at napabuga ng hangin sa sobrang pagkagulo.

“Jusko, mababaliw na yata ako”

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon