Kabanata 1

8K 139 4
                                    

Enrollment

"Eastern University and Linden Colleges are the best schools here. Mamili ka na lang sa dalawa kung saan mo gustong mag-enroll." Tita Kara turned her gaze on me from her phone, kakatapos lang makipag-usap sa telepono. "Ano bang kurso ang kukunin mo, hija?"

Ikalawang linggo ko na rito sa kanila. Naninibago ako sa lugar at pati na rin sa mga gawain. Sanay kasi akong gumawa para sa aking sarili. Nagluluto, naglilinis at naglalaba. Pero heto ako ngayon, pinagsisilbihan at buong araw na nakatunganga.

I shifted on my seat. Masyado iyong magastos dahil mamahalin daw ang mga university na iyon. Hindi naman siya pumayag na sa ibang university na lang. Malayo kasi ang mga iyon at nakakapagod daw ang biyahe. Ayos lang sana kaya lang, naisip ko rin na baka mag-aalala siya kapag matagal akong makauwi.

Kaya nakakahiya man na kailangan pa akong paggastusan ng malaki, susundin ko na lang si Tita. Pwede naman siguro akong kumuha ng scholarship para mabawasan ang gastos kahit papaano.

"Architecture po, Tita. Pero masyado naman po'ng mahal doon sa school na 'yon kaya naisip ko po na–"

Umiling siya. "Naku, hija. Napag-usapan na natin ito. Huwag mong iisipin ang gastusin, okay? Ako ang bahala riyan. Ang gusto ko lang ay mag-aral ka ng mabuti." She smiled.

I smiled shyly too.

"Pwede naman po akong kumuha ng scholarship para mabawasan ang gastos kahit papaano. Gusto ko rin naman pong paghirapan ang mga bagay."

She nodded and smiled more. She caressed my hair. "Anak ka nga ni ate," aniya at sabay kaming natawa.

I choose Eastern University for college. Nakahanda na ang lahat ng requirements ko para sa nalalapit na pasukan.

"I heard the sales decreased this month," Tita said formally. Tatlo kaming naghahapunan ngayon, na nakagawian na sa mga nagdaang araw.

Tito Alfred, her husband, sipped on his glass before he spoke."Yes. Medyo bumaba iyon ngayong buwan. Kyzer is slacking off. He's a pain in the ass this past few weeks."

"Maybe he's just tired...or pressured. You need to understand, Alfred, that this is hard for him. Mahirap pa rin sa kaniya, hanggang ngayon, na tanggapin ang lahat ng ito." She shrugged.

"Yes. But he's being too much this past few weeks. Napapabayaan na ang kumpanya. He's not like this, Kara. My son is responsible at kahit pa may sama ng loob ay hindi nakakalimutan ang kaniyang responsibilidad. I wonder what happened to him."

I just silently listened to his rants about his son until the dinner ended.

I huffed a breath and stared at my reflection at the mirror. It is my enrollment day today. Tita made me wear this spaghetti strapped black dress paired with black stringed sandals. Naninibago ako sa aking hitsura. I didn't put anything on my face and just let my brown straight hair down.

Kuya Manuel drove me to the university. Hindi maalis ang tingin ko sa eskwelahan. It looks classy, halatang mayayaman ang nag-aaral. I looked at myself. Kahit pa maganda ang damit ko at mamahalin, pakiramdam ko ayhindi pa rin ako nababagay sa ganitong lugar. Napanguso ako.

I entered the university. My eyes wandered at the place. Mukhang mall at hindi eskwelahan ang lugar na ito. Students flocked like fashion icons. Wearing expensive and elegant clothes, maraming magaganda at guwapo na sumisigaw ng karangyaan ang awra. Muli akong nanliit sa aking sarili. I just sighed to stop my thoughts.

I went to the registrar's office to fix and submit my requirements. I filled out an enrollment form. Natagalan pa sa haba ng pila para makapagpasa. I noticed some men looking at my direction. Some women are even looking at me curiously, ang iba ay mapanghusga at matalim ang tingin.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon