Kabanata 27

5.9K 98 2
                                    


Lose

"You're going to come back, right?"

Malungkot akong nginitian ni Drake. Meanwhile, I smiled and tapped his shoulder lightly to assure him. He has been a good friend to me and somehow, I am a bit bothered seeing him sad now that I'm leaving.

Ayaw ko muna sanang sabihin sa kaniya lalo na't opening ngayon ng kaniyang shopping mall at gusto ko sanang masaya ang araw na ito kaso magiging abala na ako sa mga susunod na araw. I think I won't be able to say goodbye to him kung ipagpapabukas ko pa bago sabihin sa kaniya. Kaya naman matapos ang grand opening, sinadya ko na na siyang kausapin.

"Ofcourse I'll come back. I have work here, Drake."

"I'm gonna miss you," he mumbled hoarsely with a deep scowl on his face. Sa ganoong ekspresyon ay muli akong may naalala kaya't along lumawak ang ngiti ko at lumapit para yakapin siya.

He really reminds me of my Kyzer.

Hindi ako makapaniwalang dumating na ang araw na magkakaroon ako ng tapang na bumalik. Akala ko ay matatagalan pa bago ako makauwi pero isang pekeng engagement lang pala ang magtutulak sa akin na bumalik sa Pilipinas.

Now... I'm not gonna settle for a ghost of him anymore. I'm gonna see him in flesh again after many years of yearning. For real.

True enough, I got busy on the following days. Inasikaso ko ang ilang papeles na kakailanganin ko sa pag-uwi sa Pilipinas pati ang pagpa-file ng leave ko sa trabaho na agad namang inaprubahan ni Kuya Rule.

Isang gabi bago ang aking flight ay doon pa lang ako nag-impake. Kasama ko si Cala sa pag-aayos ng aking gamit because she insisted to. Maging siya ay halatang excited na rin sa pag-uwi namin kaya pati mga damit na dadalhin ko ay tumutulong pa siya sa pag-eempake.

She and Gelo will come with me para daw makabisita sila sa kanilang mga magulang at makapagbakasyon na rin. Bukod pa roon, they are also planning to have their second wedding in the Philippines as what they promised to their parents.

"Ano ba naman yang mga pormahan mo. Manang ka ba?" nakasimangot na tanong ni Cala habang ini-inspeksyon ang mga damit ko.

I brought my work attire, some dresses and casual clothes. Wala naman akong makitang mali sa mga iyon at mga disente pa nga kaya hindi ko alam kung ano ang sinisimangot ni Cala.

"Maayos naman ang mga 'yan, ah. Hindi naman yan pang-manang. Formal clothes yan."

"Alam ko. Kaya lang ay puro pang-trabaho naman ang dala mong damit. At itong mga dress mo, below the knee lahat ang length. Your clothes are all conservative. Too boring!"

I sighed and gently pulled my things from her. "I'm comfortable with those. At maayos naman ang mga iyan, Cala. Stop making a fuzz about my clothes."

Umirap siya at naiiling na inilagay ang mga damit sa maleta ko.

"Paano maaakit si Kyzer sayo niyan kung ganyan ka manamit? You should improve, Serise Astria. It's been years and it's time for a change!"

"Hindi ko naman siya kailangang akitin. I'm just going to apologize for leaving him hanging. Hindi na ako aasang tatanggapin niya pa rin ako pagkatapos ng pang-iiwan ko sa kaniya," saad ko.

"Hmp. Bahala ka diyan! Tatanda kang dalaga diyan sa ginagawa mo."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Wala namang kaso sa akin kung tatanda akong mag-isa. I can take care of myself. Kaysa naman pilitin ko ang sarili kong maghanap ng kabiyak sa buhay pero hindi naman ako masaya.

I'd rather grow old alone than be with someone I don't genuinely love with all of me.

There's just one whom I want to spend the rest of my life with. But I wonder if it's still possible after all these years?

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon