Kabanata 4

6.1K 120 6
                                    


Galit

Napabuga ako ng hangin habang hawak pa rin ang seradura ng pintuan. Ilang minuto na ako rito ngunit wala pa rin akong lakas na bumaba para sumabay sa dinner.

"Kaya mo 'to, Serise," I said to myself and slowly opened the door.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang hirap huminga kapag kaharap ko siya. Siguro ay dahil sa awra niyang binabalot ng kalamigan at otoridad. O dahil sa mukha niyang suplado at sa tikas niyang lalaking-lalaki.

"Your Tita Kara and I will be out for three weeks," Tito Alfred broke the silence. "Kyzer, hijo, can you stay here during those weeks?" natigilan ako sa dugtong ni Tito at napatingin sa lalaking nasa harap.

Walang emosyon niyang tinignan ang ama. Napapansin kong ganiyan lagi ang ekspresyon niya. Seryoso at malamig ang mga kulay asul na mga mata, nakatiim ang panga at pirmi ang labi. Kung hindi blanko ang ekspresyon ay nakasimangot naman. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Kahit tipid.

"I have matters to attend for a few days," malamig niyang tugon. "And besides, I am needed in the company. There's still a lot of works there. My condo is nearer to the company so I'll stay there for less hassle."

Tumikhim si Tito at saglit akong sinulyapan. "I asked your Tito Sebastian to handle the company for a while. I heard you overworked yourself the past weeks. Magpahinga ka muna, hijo. Dito ka muna sa mansiyon para na rin may kasama si Serise," halos masamid ako sa sinabi ni Tito pero nanatili akong nakatungo sa aking pagkain at kunwari'y hindi apektado.

Hindi sumagot si Kyzer at nagpatuloy lang sa pagkain na parang walang narinig. Natapos ang dinner na hindi na muling nabuksan ang usapang iyon.

"Call me if you need anything, okay?" Tita caressed my cheek and smiled. I nodded and smiled too, watching the driver pull their baggage outside the house. Ngayon ang flight nila patungong France.

"Mag-iingat po kayo," sambit ko saka siya niyakap. Ilang sandali pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago sila tumulak papuntang airport.

Now I am alone with the house helps. Kyzer went somewhere and I don't know if he'll come back. Narinig ko lang namang nagpaalam siya kay Tito Alfred na may pupuntahan ngunit hindi naman niya sinabing babalik siya.

Walang pasok ngayon at tapos naman na ang mga gawain ko sa eskwela kaya naisipan kong tumulong sa mga gawaing bahay na nakagawian ko na rin sa ilang linggong paninirahan ko dito.

Tumulong muna ako sa paglilinis ng kusina at sala bago tumungo sa second floor para linisan ang mga kuwarto. Hindi na ako muling pumasok sa kuwarto ni Kyzer at si Ate Nellie na lang ang pinakiusapan kong maglinis noon.

Tanghali na nang matapos ako sa paglilinis. Nakaramdam ako ng uhaw kaya kahit magulo ang pagkakatali sa buhok at pawis na pawis ay bumaba na ako.

Tawanan ang bumungad sa akin nang makababa at natahimik iyon nang mamataan nila ako. Natigilan ako at umawang ng bahagya ang labi dahil hindi ko inaasahan na may mga bisita ngayon. At ganito pa ang ayos ko!

"Oh. Hi, Miss," a handsome man greeted and flashed a friendly smile. I noticed everyone's curious looks on me that made me feel uncomfortable. I gulped.

"H-Hi. M-Magandang tanghali sa inyo," nahihiya kong bati at pilit na ngumiti.

I heard someone whistled and some greeted in me in unison. Tantya ko ay lima silang lalaki at may dalawang babae na mapanghusga ang tingin sa akin ngayon.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking prenteng nakasandal sa sofa at nakapahinga ang braso sa sandalan ng upuan, may katabing babae. Sa posisyong iyon ay parang nakaakbay siya sa babae habang ang malamig na tingin ay nakadirekta sa akin. Umiwas ako ng tingin saka magalang na nagpaalam sa mga bisita.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon