Kabanata 10

6K 104 0
                                    

Room

"The Santiagos are celebrating their company's anniversary," Tita Kara said, breaking the silence at the dining hall. "They invited us on their grand party. It will be next month."

"We will sure attend. Their family are friends with the Valderamas for a long time. Parang normal na okasyon na ang pagdalo sa mga pagtitipon nila," Tito Alfred said.

Tumango si Tita. Muling natahimik ang hapag at tanging kalansing lamang ng kubyertos ang naririnig. Sinulyapan ko si Kyzer na abala sa pagkain at tila walang pakialam sa paligid. Umangat ang tingin niya kaya umiwas ako ng tingin para hindi niya mahuli.

"I heard about the incident that happened inside our village. Iyong paggahasa at pagpatay sa isang dalaga. Nahuli na raw iyong killer," Tita Kara said.

"That's good. Balita ko'y hindi lang iyong babaeng namatay ang biktima ng killer na iyon. There are cases of sexual offense and murder that was filed against him. Matinik lang talaga at napagtaguan ng matagal ang mga pulis,"si Tito Alfred naman. Napatingin sa akin si Tita Kara at agad na sumeryoso ang mukha. Bahagya akong kinabahan.

"The day the crime happened...is the day you went home very late. Am I right, Serise?" she asked in a monotone.

Napalunok ako at tumango. Nahagip ko ang malamig na titig ni Kyzer sa akin na ngayon ay tapos na sa pagkain.

"I wasn't able to confront you that day because we are busy with business matters. Bakit ka nga pala ginabi, hija?" kalmado niyang tanong.

"Niyaya po akong mag-mall ng...ka-schoolmate ko po. Hindi po ako nakatawag dahil nagshutdown ang cellphone ko."

"Sinong schoolmate? Gelo?"

Umiling ako at napatingin kay Kyzer na nakatitig na naman sa akin. Para bang sa pamamagitan noon ay pinapahiwatig kong mali ang ibinibintang niyang lalaki ang kasama ko.

"Si Cala po. Nagpasamang mag-shopping."

Tumango siya. "Next time, make sure you'll find a way update us kung gagabihin ka. Iba na ang panahon ngayon. Maraming nagkalat na masasamang loob," aniya.

"Opo. Pasensiya na, Tita," ani ko sa maliit na boses.

She smiled to assure me. Gumaan naman ang loob ko nang maiba ang usapan. Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang dinner. Dumiretso na sina Tita sa kanilang kuwarto para magpahinga samantalang lumabas muna ako dala ang aking phone para magpahangin at magpaantok. Si Kyzer ay umalis at hindi ko alam kung saan pumunta.

Lumukob ang nakakanginig na lamig sa loob ko nang inilubog ko ang dalawang paa sa pool. Malamig rin ang bawat hampas ng hanging panggabi sa aking balat pero hindi ko ininda iyon.

Ilang minuto lang ay iniahon ko ang paa sa pool, hindi na nakayanan ang lamig. Tumayo ako at nagtungo sa lounger na naroon at umupo.Inabala ko ang sarili sa pagkalikot ng cellphone ko. Wala akong social media account kaya sa YouTube lamang ako nanonood ng kung ano-ano.

Dalawang oras rin akong nanatili doon bago dinalaw ng antok. Napasulyap ako sa oras sa screen ng cellphone ko at nakitang alas onse na. Umakyat na ako sa aking kuwarto at dumiretso sa banyo para maghalf-bath. Lumabas ako at nagtungo sa walk-in closet saka nagbihis ng pajama at sando.

Paglabas ko ng walk-in closet ay siya namang pagbukas ng aking pintuan! Agad akong kinabahan kung sino ang maaaring pumasok sa kuwarto ko. Imposibleng mga kasama ko ito sa bahay dahil kumakatok muna ang mga iyon. Bakit ba kasi nakalimutan kong mag-lock?!

Naigtad ako nang makita kung sino ang pumasok. Namilog ang mga mata ko nang masalubong ang namumungay na mga mata ni Kyzer. Magulo ang kaniyang buhok, nakabukas ang unang tatlong butones ng kaniyang itim na long-sleeved polo at sumisilip ang medyo namumulang dibdib. Kahit magulo ang kaniyang ayos ay napakagwapo pa rin. Naamoy ko ang pinaghalong pabango at amoy ng alak, palatandaan na nakainom siya.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon