Kabanata 34

8K 112 5
                                    


Cost

The humid air blew my long hair as my dress swayed. Hawak ang bulaklak na binili ko sa nadaanang flower shop kanina, tinahak ko ang ang pamilyar na lugar na ilang taon ko nang hindi nabisita.

"Hi, 'Ma," ngumiti ako at inilapag ang bulaklak sa tabi ng puntod ni Mama. "Pasensiya na po kung ngayon ko lang kayo nabisita ulit."

I slowly bent my knees and sat on the grass. Hinaplos ko ang lapida ni Mama saka napasinghap.

"It's been a tough battle, 'Ma. Eight years of fighting for my life. Long years of trying to build myself. And guess what? I made it. Nakalaya ako sa sakit ko. Natupad na po ang pangarap ko. Are you proud of me, 'ma? I hope you are."

A lone tear escaped my eyes. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang makakabalik pa ako. Na malalagpasan ko lahat ng pagsubok na dumaan sa akin. God is good, indeed. Hindi Niya ako pinabayaan. Sinamahan Niya ako sa lahat ng laban ko.

Sabi ng doctor, mababa ang tsansa na muling bumalik ang cancer ko. I guess it has something to do with the great facilities and the medications of the US. Mas lalong lumakas ang loob ko dahil doon. I feel like...nothing could ever destroy me. My past illness, and everything I went through made me stronger. Kaya pakiramdam ko...kahit anong iharap sa akin ngayon ay kayang-kaya ko, at patuloy kong kakayanin.

"I met Papa and Kuya, too. They are both good men, Ma," nakangiti kong tiningala ang langit. "Masaya na po ako. I hope you are happy wherever you are, too. I fulfilled my promise to you, na mabubuhay ako ng masaya at tutuparin ko 'yong mga pangarap natin."

"And...sa susunod ko po'ng punta," lalong lumapad ang ngiti ko. "May ipapakilala po ako sa inyo."

Ilang oras akong nanatili roon bago ko naisipang umalis. Tinanghali ako ng kaunti dahil sa mga kwento ko kay Mama. Ayaw ko pa sanang umalis kaya lang, may iba pa akong pupuntahan.

"Saan po tayo, Maam?"tanong ni Kuya Manuel.

"Sa Sitio San Vicente po. Mga ilang metro lang mula dito," sagot ko. "Daan po muna tayo sa malapit na kainan."

I browsed on my phone while we're on the way. Nakita ko ang ilang text mula kay Kyzer, Cala at tita. I was about to reply when Kyzer's name flashed on the screen for an incoming call.

"Hello?"

"Where are you?" bungad niya.

"Sa Tarlac. Why?"

Hindi siya sumagot. I bit my lower lip and stared outside the window. I can imagine his scowl right now.

"I visited my Mama's grave. Papunta rin ako kina Mang Teban, iyong kumupkop sa akin dito. I will visit him," I said softly. "Hmm. Are you working today?"

He sighed.

"Hindi mo ako sinama," may bahid ng hinanakit sa kaniyang tono ngunit hindi ko alam kung bakit natutuwa pa ako. "You didn't even let me know before you left."

"You were asleep. Hindi na kita ginising kasi mahimbing ang tulog mo."

"Still. Hindi ka dapat umaalis ng walang paalam," masungit niyang saad. "Where are you exactly? Susunod ako."

I gasped.

Seryoso ba siya?

"Huwag na! Saglit na lang naman ako dito tapos uuwi na. Kasama ko rin si Kuya Manuel ngayon."

There was a long stretch of silence before he sighed in defeat.

"Fine," napipilitan niyang sabi. "Uwi ka agad. I'll wait for you, baby."

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon