Stop Talking
Halos mapabuga ako ng hangin nang matapos ang hapunan. Sa sobrang tensiyon ay kaunti lang ang kinain ko. Agad namang pumanhik si Kyzer sa taas samantalang ako ay naiwan at tumulong sa pagliligpit.
"Mainit ba talaga ang sabaw o hot lang talaga ang kasama mong kumain?" napapitlag ako nang marinig si Ate Frida sa aking likod.
Muling gumapang ang hiya sa akin dahil sa nanunuyang ngisi sa labi niya. Ibinalik ko ang tingin sa nililigpit kong mga plato para iwasan ang panunukso niya..
" Syempre, 'yong pangalawa!" si Ate Nellie naman. "Halatang-halata na naiilang ka kay Sir, beh. Siguradong pansin niya rin iyon."
"Sino ba naman kasing hindi matetensyon kung ganoon ka-gwapo ang kasama mong kumain? Tayo nga naiilang makipag-usap kay Sir, eh. Si Serise pa kaya. Nabusog ka naman ba, Ris?" baling sa akin ni Ate Frida.
"O-Opo," nauutal kong sagot.
Tumango si Ate Frida at ngumisi ng nakakaloko. "Sabagay, si Sir Kyzer pa lang, ulam na—aray!"
Napangisi ako nang pabiro siyang hinampas ni Ate Nellie sa braso. Panay ang bungisngis ko sa asaran ng dalawa hanggang sa matapos ang pagliligpit namin sa kusina.
Nang makaakyat sa kuwarto ay nagbihis na ako at naghanda para sa pagtulog. Tumawag si tita para kamustahin ako kaya nalipasan na ako ng antok. Nang matapos ang tawag ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng silid. Dahil wala namang pasok kinabukasan ay naisipan kong bumaba at magpahangin.
Madilim na ang bahay kaya dahan-dahan ang bawat hakbang ko sa takot na baka mabunggo kung saan. Napatigil lang ako nang makita si Kyzer sa pool area, nakatagilid sa banda ko at may hawak na baso ng alak habang nakatingin sa kawalan. Nakaupo siya sa gilid ng pool habang nakalusob ang mga paa sa tubig.
Ang asul na repleksiyon ng tubig sa pool ay tumama sa kaniyang mukha dahilan para umaliwalas ito sa kabila ng kalamigan sa kaniyang ekspresyon. Ilang sandali akong natulala sa kaniya at wala sa sariling napangiti.
Napakasama ko para isiping hindi patas ang langit. May mga taong sobrang biniyayaan at may mga taong kinapos naman sa maraming aspeto. And this man happened to belong to those who are gifted and lucky in life. He got all the privilege a man could have, power and specially...looks.
Ang sumugat na maliit na ngiti sa labi ko ay napawi nang mabakas ko ang lungkot at pait sa kaniyang mata. Naghatid ng munting kurot sa dibdib ko ang kudlit ng emosyong bumalot sa magagandang mata niya. Hindi ko alam kung bakit nalungkot rin ako. I feel like he's connected with me. Or I am just assuming things.
Napahinga ako ng malalim at wala sa sariling humakbang palapit. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na lapitan siya. Lakas loob akong naupo sa tabi niya kahit sa loob ko'y gusto ko nang tumakbo palayo nang magkatinginan kami. Binalot ng lamig ang sistema ko, siguro ay dahil sa paa kong nakalusob din sa malamig na tubig ng swimming pool, o ang mga tingin niyang sinlamig ng gabi.
"Hindi ka makatulog?" lakas loob kong tanong habang ang paningin ay nasa tubig, takot na malunod sa lalim ng mata niya kapag binalingan ko siya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin sa gilid ng mga mata ko. Pilit kong pinakalma ang sarili.
Huminga siya ng malalim at hindi ako sinagot. Napanguso ako dahil wala yata siyang balak kausapin ako pero sa hindi malamang dahilan, gusto kong daldalin siya hanggang sa kausapin niya na rin ako.
"Noong nakaraan pala...uhm...sorry kung hindi kita sinunod. Uh...galit ka pa ba?" binalingan ko siya na ngayon ay madilim na ang tingin sa akin. Napalunok ako. Hindi siya nagsalita at matalim lang akong tinitigan.
BINABASA MO ANG
Beneath His Cold Eyes
RomanceDreaming of having a good life and hoping to pursue her dream profession, Serise Astria Fernandez decided to leave the province where she grew up and live with her aunt in Manila. From there, she was given a chance to experience having everything th...