Kabanata 3

6K 115 3
                                    

Lock

Matamlay kong ibinagsak ang sarili sa kama, iniisip pa rin ang kahihiyang natamo kanina. Ni hindi ako makatulog ng maayos dahil sa pag-iisip sa maaaring mangyari kinabukasan.

Napadako ang tingin ko sa wall clock at nakitang alas nuebe na ng gabi. 8 am ang una kong klase at dapat nagpapahinga na ako pero heto ako at nakatulala pa rin sa kisame. Bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba para magtimpla ng gatas upang dalawin ng antok kahit kaunti.

I settled myself into the counter with a glass of milk on hand. Ako na lang yata ang gising sa mga oras na ito. Dim ang ilaw sa kitchen at ilang parte lang ng bahay ang naaninag ko. Kung tutuusin ay tila nasa isang horror film ako dahil sa dilim ng bahay pero hindi naman ako natatakot.

Habang umiinom ay naiisip ko ang nangyari kanina. Base sa reaksiyon ng ibang estudyante sa ginawa ko ay tila maaari akong mapahamak. Napabuntong-hininga ako. Unang araw pa lang ay nakagawa na ako ng kahihiyan. Madali kong inubos ang baso ng gatas at hinugasan ang basong ginamit saka umakyat.

Dim rin ang ilaw at anim ang kuwarto sa pangalawang palapag ng bahay. Ang isa ay master's bedroom kung saan ang mag-asawa, at ang dalawa ay guestroom. Ang tatlong natitirang silid ay mukhang pinasadyang malalaki, at isa roon ang kuwarto ko. Katapat ng kuwarto ko ay ang isang malaking silid na ngayon ay nakakapagtakang nakaawang ang pinto.

Mula ng dumating ako rito ay wala akong maalalang may gumagamit ng silid na ito. Nagtaka ako dahil wala naman akong naalalang may bisita kaya bakit parang may tao? Wala akong naririnig na kahit anong ingay mula sa loob ngunit bukas ang lamp shade.

Baka nakalimutan lang isara nina Ate Nellie kanina noong naglinis sila? Inilibot ko ang tingin sa malaking silid. Maayos at malinis ang loob nito. Dala ng kuryosidad ay pinasok ko ang kuwarto.

My forehead creased in confusion at the smell of a manly perfume mixed with musk and aftershave all over the room. Is this room owned by a man?

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mumunting kaba habang umaatake sa aking ilong ang amoy ng kuwarto. Siguro ay dahil iba ang dating sa akin ng amoy na iyon. Parang...nang-aakit.

Uminit ang pisngi ko.

Sa halip na mag-isip ng kung ano ay pinagsawa ko ang sarili sa kabuuan ng silid. Ngayon lamang ako nakapasok sa ibang kuwarto at alam kong mali itong ginagawa ko pero parang may parte sa aking ayaw umalis. Mukha namang walang tao rito kaya siguro ay ayos lang.

Hindi malinaw ang detalye ng kuwarto kaya nagtungo ako sa sliding door na nasa gilid. Natanaw ko ang veranda nang makalapit ako. Nagdadalawang isip ako kung tutungo ba roon ngunit natigilan ako nang makarinig ng pagbukas ng pinto na tingin ko ay galing sa bathroom. Nagparte ang aking labi. Totoo ngang may tao!

I bit my lower lip and shut my eyes close. I was ready to storm outside the room when I heard footsteps! My heart raced in nervousness. Nataranta ako at halos patakbong tinungo ang pintuan ngunit sa kasamaang palad, napatid ako sa paanan ng kama at halos madapa pa!

Napapikit ako sa sakit ng aking paa at sa aking katangahan. Siguradong mahuhuli na ako nang kung sino man!

"Who the fuck are you?" a cold baritone voice made me gasp.

My chest pounded harshly at the sound of that manly voice. I am not sure if it's because I am nervous....or something else..

Ngunit dahil sa sitwasyon, mas nanaig ang kaba, takot at hiya ko. Sa nanlalaking mga mata ay unti-unti akong nag-angat ng tingin. Tinagpo ko ang madidilim na pares ng mata na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Nahigit ko ang hininga sa biglang pagbigat ng atmospera sa paligid. Hindi ako makapagsalita dahil sa tensiyong nararamdaman lalo na nang makitang kapirasong tuwalya lamang na nakatapis sa baywang ang saplot noong lalaki.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon