KissHindi ko alam kung bakit kahit wala akong pinanghahawakan sa aming dalawa ni Kyzer ay umasa ako. Alam kong hindi sapat na magkalapit kami, at mabait siya sa akin, para maghangad ako ng higit pa ngunit umabuso yata ako.
Inaamin kong may kaunting tampo ako na hindi niya binanggit sa akin ang tungkol dito. Ngunit oo nga pala, hindi niya naman kailangang sabihin sa akin ang lahat. Who am I in his life, anyway?
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Tita Kara habang nag-uusap sila tungkol sa negosyo. Kyzer is talking to Lucienne. Nakatuon ang atensiyon nila sa isa't isa at parang walang pakialam sa paligid.
I watched them intently. Lucienne leaned forward and whispered something to Kyzer. The way her lips brushed his ears irritated me for some reason. Kyzer then chuckled at what she said and murmured something na ikinatawa naman ni Lucienne.
Tila asidong natapon ang pait sa aking sikmura. Pakiramdam ko'y may dilim na kumawala mula sa pinakasulok na parte ng aking sistema at gustong lamunin ng buhay ang dalawang nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Are you okay?" tita whispered that stopped my dark thoughts.
"Opo. Medyo napagod lang sa paglilibot," I smiled. "I'll just go to the washroom. Excuse me po," I politely said and stood. Nilingon ko si Kyzer at naabutang malamig siyang nakatingin sa akin. I fought the urge to glare at him and looked away.
I don't usually lose my cool. I always understand and assess the situation in a calm way. This is the first time that I felt like I'm going to explode in frustration. Just because of this petty reason.
Napabuga ako ng hangin nang makapasok sa washroom. Saglit akong nanatili roon bago lumabas ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan si Kyzer sa labas, nakahilig sa dingding at nakapamulsa habang blangkong nakatingin sa akin.
Gusto kong tumakbo. Ayaw kong mahalata niyang masama ang timpla ko at ang dahilan ay ang babaeng fiancee niya pa yata. Pakiramdam ko ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kapag kinompronta niya ako ngayon. Hindi tamang sumabog ako sa galit sa harapan niya.
"Done?" he asked coldly. Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Tumuwid siya ng tayo. Akmang lalakad na ako palayo sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.
My stupid heart pounded harshly. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit humigpit lang ang hawak niya. He held my hand tightly as we walked out of the venue. May mga tumatawag pa sa kaniya ngunit hindi niya pinansin ang mga iyon.
"Sa'n tayo pupunta? Baka hanapin tayo," sambit ko sa malamyang tono. Hindi siya sumagot na parang hindi narinig ang sinabi ko.
Someone gave him the keys of his car as soon as we are out. Tinapik niya ang balikat nito at saglit pa silang nag-usap bago niya binuksan ang pinto ng front seat.
"Get in," utos niya. Saglit ko siyang tinitigan. Nabakasan ko ng galit at iritasyon ang kaniyang mukha sa kabila ng seryosong ekspresyon. Napabuntonghininga ako at sinunod na lang siya.
Nakakailang na katahimikan ang pumaibabaw sa atmospera habang nagmamaneho siya. Ibang daan ang tinatahak niya at hindi ang daan pauwi. Imbes na magtanong kung saan kami pupunta ay nanahimik na lamang ako. I just texted tita that I am with Kyzer and we're heading home.
Tahimik at walang sasakyang dumaraan sa kalsada. He parked the car on the bridge nearby. Nauna na siyang bumaba at umikot para pagbuksan ako. Nagtataka ako kung bakit narito kami. Anong gagawin namin rito sa tulay?
"Wear this," malamig niyang sinabi at tinulungan akong suutin ang kaniyang coat. Matapos ay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad palayo sa sasakyan.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Beneath His Cold Eyes
RomanceDreaming of having a good life and hoping to pursue her dream profession, Serise Astria Fernandez decided to leave the province where she grew up and live with her aunt in Manila. From there, she was given a chance to experience having everything th...