Kabanata 9

5.6K 106 6
                                    

Nakakapagtaka

Bahagyang sumingkit ang mga mata ko sa pagtama ng nakakasilaw na liwanag ng panghapong sinag ng araw na sumisilip sa lilim ng punong acaccia kung saan ako nakasilong. Ang lagaslas ng dahon sa mga punong marahang sinasayaw ng kalmadong hangin ay tila hinhihele akong magpatianod sa kaantukan.

Gustuhin ko mang matulog ay hindi pwede. Nandito ako sa garden na ito para mag-aral ng payapa. Maraming tao sa field dahil naglalaro ang football team at maraming nanonood kaya hindi ako pwede roon. My ears can't bear the squeals and cheers from the students who admire the players.

"I think that Kyzer you're talking about likes you," the silence was broke by Cala's womanly voice beside me.

Palagi na kaming magkasama. Minsan nakikisabay sa amin si Gelo pero madalas ay kaming dalawa ang magkasabay kumain at umuwi. Naikwento ko na rin sa kaniya ang lahat pati ang tungkol kay Kyzer.

Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ko ang posibilidad na may gusto sa akin si Kyzer. Imposible. Sobrang malabo. Paniguradong ang mga magugustuhan ng isang kagaya niya ay mga kalebel niya sa buhay. Hindi isang babaeng wala na ngang magulang ay hindi pa mayaman.

"Hindi rin. Imposible," sa maliit na boses kong sabi.

She scoffed. "Bakit naman imposible? You're very gorgeous kaya! And smart ka rin tapos mabait pa! Kung ako ang lalaki, liligawan talaga kita," she said.

Marahan akong natawa.

"Hindi naman iyon ang basehan, Cala," isinara ko ang aking binder at sumandal sa katawan ng puno. "Napakalayo ng estado naming dalawa. Siguradong mayayaman din ang gusto non.Tsaka isa pa, parang ayaw niya sa'kin. Napakasungit niya," ngumuso ako.

"Exactly. Sinusungitan ka niya 'coz that's his way to get your attention! Para ma-bother ka kung bakit siya nagsusungit sa' yo. Ganon! He wants to get your attention because he likes you."

I shook my head. "Naiirita lang talaga siya sa'kin. Tingin niya mukha akong pera. Iniisip niya rin na pine-perahan lang ni Tita ang ama niya," matabang akong ngumiti.

She sighed. "We both know you're not that kind of person. Sino ba 'yan nang ma-background check ko? Based on what you told me, they seem filthy rich. Tingnan ko kung may ibubuga talaga at baka mamaya sinusungit-sungitan ka lang tapos mukha naman palang frog," aniya.

I pursed my lips as I tried not to laugh. That man is far from being a frog. Nakatalikod pa lang ay para ka nang manghihilakbot sa kaniyang tindig. Paano pa kaya kung makaharap at matignan mo siya ng diretso sa mata?

"He's Kyzer Valderama. I'm not sure if it's his full name, though--"

"O my gosh!" Cala gasped. "Kyzer Valderama?!"

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Kilala niya ba si Kyzer? Hindi naman malabong ganoon dahil parehas silang nabibilang sa mayamang pamilya....

"He's the son of one of the richest clans of Asia! His father is known as a monster in the business field while his mother is a former supermodel. And he is one of the best students of his batch. Omg! You live in the same house? Ang swerte mo!" she squealed.

Ngumuso ako at marahang pinaglaruan ang mga damo sa aking gilid. Kahit sino naman yatang babae ang mapalapit sa kaniya, pisikal man o emosyonal ay talagang maswerte. He's like the the most precious gem that everyone wants to claim.

" Sayang lang at naghiwalay ang parents niya," nahuli ng interes ko ang sinabi ni Cala. Natuon ang kuryoso kong tingin sa kaniya. "There are rumors about his mother cheating on Alfred Valderama. Kyzer was still young when they divorced. Iniwan ni Kassia, Kyzer's mother, si Kyzer kay Alfred at sumama sa ibang lalaki. That's just rumors, though. Hindi ko alam kung totoo ba," pagkikwento niya.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon