Kabanata 7

5.8K 110 10
                                    


Kasungitan

Walang imikan kaming bumalik sa loob ng bahay. Matapos ang eksenang iyon ay hindi ko na siya matignan ng maayos dahil sa awkwardness. Siya naman ay bumalik sa pagiging malamig at parang wala lang.

Tuloy-tuloy ang lakad namin hanggang makapanhik sa taas. Niyakap ko ang nanlalamig na katawan habang nakabuntot sa likuran niya. Ni senyales ng pagkaginaw ay hindi ko makita sa kaniyang tindig na matikas. Ang matibay na likod at balikat ay nagsusumigaw ng intimidasyon kahit basa siya.

Nang harapin niya ako ay humaging yata ang panibagong lamig dahil sa pagtingin niya sa akin. Nasa tapat na kami ngayon ng aking kuwarto.

"Magbihis ka na at magpahinga," aniya saka pinihit ang seradura ng pintuan ng kuwarto niyang katapat lang ng kuwarto ko at walang lingong pumasok.

Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya. Napahinga ako nang malalim nang magsara ang pinto. Kinabukasan na lang siguro ako magpapasalamat.

Tinungo ko ang silid ko at inayos ang sarili. Nang makalabas ng banyo ay sumisinghot na ako at bumabahing. Ang bilis talagang umepekto ng lamig sa akin. Kahit dati naman ay sakitin talaga ako kaya lagi akong nag-iingat sa sarili. Madalas naman ay nakukuha lang ng pahinga at ayos na kinabukasan.

Naisipan kong itulog na lang kaysa agapan ng gamot dala na rin ng pagod at pananamlay dahil sa mahabang araw. Plakda ako nang maramdaman ang malambot na kama at agad ding nakatulog.

Mali ang akala ko nang magising kinabukasan dahil masakit ang ulo at lalamunan ko nang magmulat. Mabuti na lang at walang pasok.

Pinilit kong kumilos ng araw na iyon. Nagtaka pa si Ate Nellie kung paano ako nagkasakit samantalang masigla pa ako kahapon.

"Sa kinain ko po sigurong malamig kahapon, ate," palusot ko. "Uminom naman na po ako ng gamot. Okay na po ako."

"Sigurado ka?" tumango ako. "Sige," ngumuso niya. "Ipagluluto kita ng sinigang para gumaan ang pakiramdam mo." aniya at pumuntang kusina.

Nilingon ko ang hagdanan nang makarinig ng pababang yapak. Kyzer on his usual serious and cold expression showed up like a king descending from his throne.

"Kyzer, hijo, mag-agahan ka muna bago umalis," salubong ni Nanay Selia na kakagaling lang ng kusina.

Kyzer shook his head. "Hindi na po, Nay. Kailangan ko na pong umalis at may aasikasuhin ako," he politely said before his eyes went to my direction. Nag-iwas ako ng tingin at kunwari'y nanonood ng tv kahit commercial lang naman ang naroon.

"O siya. Mag-iingat ka. Uuwi ka ba rito mamaya?" Nanay asked. Sa gilid ng aking mata ay ramdam ko ang paninitig niya sa direksiyon ko.

"Yes," aniya saka lumakad papunta sa aking dako.

Agad na humataw ang puso ko sa kaba nang papalapit na siya. Nasa sala ka at madadaanan ka talaga kapag lalabas, Serise! Kumalma ka!

Ganoon na lang ang pagginhawa ko nang lagpasan niya ako. Ngunit dahil naalala kong hindi pa ako nakapagpasalamat ay tumayo ako at mabilis siyang tinawag. Tumikhim pa ako dahil masakit ang lalamunan ko.

"Kyzer," agap ko.

Nasa pintuan na siya nang mapahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Halos mahigit ko ang hininga nang mapasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuuan.

Sa suot na white long sleeve polo at black pants ay napakakisig niyang tignan. Ang buhok ay bahagyang magulo ngunit dumagdag ito sa lakas ng dating niya. Ang tindig ay tila hari na dapat mong sundin at pagsilbihan. Ang mga matang kulay asul na laging malamig at blangko ay nakatuon na ngayon sa akin. Napalunok ako.

Beneath His Cold Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon