Chapter 1

8.1K 75 1
                                    

Chapter 1

"Ate.." Napalingon ako sa pag huhugas ng pinggan ng makita ko si Ana ang kababata kong kapatid.

"Oh dumating ka na pala."

"Oo eh." Naka simangot siya one year nalang ang magtatapos na siya. Kaya naman ay todo kayod ako sa kaniya at pati sa kapatid naming lalaki  Napalingon ako ng dumating narin si ulo. Yup! Ulo name niya dahil nuong ipinanganak siya malaki ang ulo niya. Kaya 'yon nalang tinawag namin sa kaniya.

"Oh alis mo na ang damit tapos maligo." Naglaro naman to panigurado.

Nang iaalis niya ang damit niya ay napabaling ako sa ibang direksyon. Nanduon na naman ang tahi niya. Mabuti nalang talaga at naka survived siya sa sinabing operasyon. "Ate nagugutom na ako.." Simangot niya.

"Oh siya maligo ka na at ipaghahain kita. Si nanay?" Tanong ko.

"Sa palengke nag titinda parin ng gulay."

Okay, Agad kong tinapos ang hugasan saka yumuko. Nakita ko na naman ang nakangiting si ulo. "Ate bakit po?" Umiling ako. Wala, Wala,  Baby! Sabi ko sa sarili ko gagawin ko ang lahat para lang mailigtas kita at masasabi kong nagawa ko na 'yon.

"Ate kailangan na namin mag bayad para sa tuition." Napalunok ako Sabay sabay naman kasi, naubos ang five million sa isang iglap lang. Para lang yong hangin na dumaan at nawala bigla. Sa every sesion na ginagawa kay ulo noon hindi ko mabilang ilang libo at million ang nagastos, pagka gising ko nawala nalang iyon bigla.

"Ate sorry ah Pero pangako ko pag naka pag tapos ako ay ibabalik ko lahat lahat ng pagod mo. Lahat ng mga pag hihirap mo." Mangiyak iyak na si ana Nginitian ko lang siya dahil sa alam ko naman na pagnaka tapos siya gagawin niya ang lahat maka ahon lang kami sa kahirapan.

"Ohh! nandito na pala kayo." Si nanay na bagong dating dala dala ang Batang nasa bisig niya. Napangiti ako ng mawala ang pagod ko.

Na miss ko siya.

"Baby gee." Sigaw ni ulo, Agad na binuhat ang bata at pinaikot sa taas.

"Nanay ana." Lapit ng bata kay ana Ang kulit kukit niya talaga Kaya nakaka miss mag laro sa kaniya tuwing gabi. Yun nga lang wala na akong oras na makipag laro kay baby gee dahil pagod ako pag uwi. Wala akong pasok o mas magandang sabihin na hindi ako pumasok dahil sumakit ang ulo ko.

"Nanay key." sabay yakap saakin Hayst how i miss him. Yumuko ako dahil pinag pantay ko ang mukha ko sa mukha niya. "Nanay key tabi mo bilhan moko laruan?"

"Ah 'yon ba? Nakalimutan ni nanay key e, pero promise bibilhan kita pag nagka sweldo uli ako Okay ba 'yon?"

"Pramit mo ta'akin 'yan ah." Lumabi ang bata.

"Oo naman, Pramit!" Piningot ko angilong niya.

"O sige, sumama ka na kay kuya ulo mo maligo dahil baho baho mo na. Paamoy nga kili kili?" Itinaas niya ang braso sabay amoy ko no'n. "Hmm baho na. Ligo na." Kahit hindi naman pero tumawa ito sabay halik sa labi ko. "Sige po nanay key."

Tumayo ako sabay baling kay ana, "Samahan moko mamalengke bili tayo ulam."

Pag gabi na kasi kaya lulutuan ko na muna sila ng masarap na ulamin, Hindi ako pumasok dahil umuwi ako dito sa probinsya. Pagod na akong dumating tapos nakita kong hindi pa sila naka pag hugas kaya nag hugas nalang ako. Kumuha lang ako ng apartment sa manila para bawas gastos Mahirap na at malayo ang probinsya namin sa syudad.  Nandito kasi kami sa probinsya at Ever since dito na kami nakatira. Umuuwi lang talaga ako sa maynila para sa trabaho ko. Simpling probinsya lang kasi ito.

Bumaba kami ni ana sabay nag hawak kamay. Na miss ko lang siyang kasama dahil di ko naman siya nakakasama. Madalang lang. Tuwing kapos sila sa pera ay hinuhulugan ko lang sila dahil sa minsan ay urgent ang trabaho ko at hindi ko sila napupuntahan.

He's Dangerous (SPG COMPLETED IN VIP)Where stories live. Discover now