Chapter 04

285 3 1
                                    

***

Hindi ko alam kung nanaginip lang ako kagabi dahil the moment I woke up this morning I was all alone in my room. Sa sobrang pagod kahapon hindi ko alam kung totoo o di kaya panaginip lang na kasama ko si Luca kagabi.

I have no choice but to get up and prepare for my duty. One duty na lang at bukas off ko na.

I went to the hospital for work without eating breakfast again. Sobra naman akong maagang dumating. Mabilisan lang naman siguro ang duty for today. Kumain din ako saglit sa cafeteria.

After a few minutes, back to work na ako. Yun na ata ang pinaka mabilis ko na kain sa tanang buhay ko. Saglit lang ang kabusyhan, halos two hours lang akong nag observe at wala ng cases sa hapon kaya pwede na akong umuwi.

Gusto ko ulit matulog ng mahimbing. Parang kulang ang tulog ko kanina. Maaga kasi akong nagising at pumasok sa work. Kaya ang nasa isip ko ay halos about tulog lang.

Pagkarating ko sa floor ng unit ko nakita ko agad si Luca na nakatayo sa labas. May dala itong dalawang paper bags. Busy ito sa phone niya kaya di ata niya naramdaman na papalapit ako.

" What took you so long?" Narinig kung tanong nito at agad na nag angat ng ulo at deretsong tumingin sa akin.

Ako ba ang tinatanong nito? Natural CL! Wala naman ibang tao sa floor na'to kundi kaming dalawa lang. Pero deadma lang ako, para hindi halata.

" Keep pretending. Ikaw ang tinatanong ko." May halong inis sa boses nito.

"Ooh..." nasabi ko na lang.

"Busy... but here I am now." Tipid kung sagot dito.

"Kumain kana? Are you okay?" Biglang tanong niya. Nagbago din ang tono ng boses nito. Hindi na ito galit. Napalitan ng pag-aalala. Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon na nagugutom ako.

Lumapit ako sa may pintuan at binuksan ang aking unit. Sumunod naman ito agad akin.

" Eat first bago ka magpahinga. I brought some food. I hope you'll like it," sabi nito na nakataas ang dalawang kamay na may hawak na paper bags. Parang may humaplos na kung anu sa aking puso. Nasiyahan ba ako o kinilig ako bigla? Hindi lang ako nagpahalata.

"Nag-abala ka pa," nasabi ko na lang. Namalayan ko na lang na kumakain sa pagkain niyang dala. Pati rin siya napakain na rin. Tahimik kaming dalawa. Busy sa pagkain at walang may balak magsalita hanggang sa matapos namin kainin lahat ng dala niya. Gutom pala ako ng hindi ko nararamdaman masyado kanina.

"Good."

Narinig ko na lang sabi niya na ikinangunot ng aking noo. Tiningnan ko siya habang nililigpit ang pinagkainin namin. I can't help but to admire him how he did the after care. Kung ibang lalaki pa baka hayaan na lang ang pinagkainan namin. He's different, base sa mga kilos niya, isa siyang malinis at organisadong tao.

Nahuli niya akong pinagmamasdan siya sa kaniyang mga kilos. Tumaas ang kaniyang isang kilay at nakatingin ang kaniyang mga mata na puno ng katanungan. Hindi ako nagsalita at tahimik na nakipagtitigan lang sa kaniya hanggang siya ang unang bumasag sa katahimikan naming dalawa.

"Are you okay? You seem unusual today? Ang tahimik mo." Lumapit siya sa akin, sobrang lapit. Hinapit niya ako sa beywang ko at inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Sobrang lapit na biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Parang yon lang ang naririnig ko.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon