Chapter 14

362 3 4
                                    

I'm trying to leave the place. Hindi ko kaya ang sakit na marinig mismo galing sa kaniya ang katotohanan. Bakit ba naman kasi ako umaasa na mag-iiba. Knowing him.

"CL! Wait! It's not like that." Sigaw nito habang hinahabol niya ako.

Pati yung kaibigan niya na si Zeus nakita ko na lumabas din. Nakiusyuso talaga ang walang hiya.

Hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa paglakad. Halos tumatakbo na ako. Hinahanap ko ang aking sasakyan. Hindi ko ito makita. Fuck! Mali ata ang napuntahan ko. Nasaan ba 'yong parking nila. I was even disoriented to the place dahil preoccupied lang ako lahat about kay Luca.

Gusto kung umalis at pumunta sa isang lugar at doon umiyak ng umiyak. Ayoko ko muna na nasa malapit si Luca. Hindi ako makakapag-isip ng maayos. Naiinis talaga ako sa aking sarili. Dati tinatawanan ko lang mga kakilala ko na nagiging ganito. But here I am. Becoming one of them. Nakakabaliw na masakit.

Akala ko nakawala na ako kay Luca. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Bigla na itong nawala at hindi na ako sinundan.  Napatigil ako at nagpalinga linga. Hinahanap ko ang aking sasakyan.  Napagod na ako sa kakalakad ng mabilisan. Mabuti na lang at naka running shoes ako. Kaya kahit marathon ngayon pwede ako.

Finally, I saw my car. Ang layo ng napuntahan ko.


Yung akala ko na nakawala na ako kay Luca ay isang malaking pagkakamali. Bigla na lang may humawak sa aking pulsuhan at kinabig ako papunta sa may gilig. Well,  I know it's  him. I don't have to know. Amoy pa lang. Kabisado ko na.


"Stop running woman. Hindi ka makakalabas dito." Bulong nito sa aking may tenga.

"What do you want?!" Sumigaw ako dito. Pilit akong kumakawala sa kaniyang hawak.

"Can you calm down! Hindi tayo magkakaintindihan kung ganito ka parati. You're always running away from me. Running from our problem!"

Siya pa ang may ganang magalit. I won't bow down to him. No fucking way.

Nagpupumiglas ako ngunit hindi niya ako hinayaan. I saw some men in black watching us. Wow! At nagsama pa ng mga kakampi. Nakahanda ang mga ito na tulungan si Luca. Damn! Wala talaga akong kawala ngayon sa kaniya.

"We will talk CL. Stop fighting! Don't test my patience!"

I never saw Luca this mad. Alam ko galit na galit na siya. Galit din ako. Ayoko muna siyang kausapin. Maiiyak ako ng sobra at baka aminin ko sa harapan niya ang tunay kung nararamdaman. This is insane! It will kill me. Gulong gulo na ako. I hate this feeling. Hindi naman ako ganito. Pero hinding hindi ako aamin.

Sasapakin ko na sana siya. Plano ko ng tadyakan ang kaniya ng mahawakan niya ang isang paa ko. Kainis! Mabilis talagang makiramdam ang isang 'to.

Nakita ko rin ang mga tauhan niya na papalapit. Kaya hindi ko na itinuloy kung ano man ang aking binabalak. Nakita ko naman na napaatras ang mga ito ng tingnan ni Luca.

Binitawan niya rin ako ng makita niya na napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya. Napahigpit kasi ang hawak niya sa aking braso. Sigurado at magkakapasa ito.

"Fuck CL! What are you doing?" galit na galit nitong sabi.

"Pakialam mo? Wala ka naman pakialam diba? I'm just one of your fuck buddy base sa narinig ko," sigaw ko rito.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon