Chapter 11

176 1 0
                                    


Stellar

The darkest night produce the brightest star....

That's how I describe the vast sky. Kung masaya lang ako ngayon napakaromantic siguro ng ambiance, napakatahimik. But, my heart is grieving. I am weeping of what happend.

Hindi ko alam kung nasaang parte kami ng Antipolo. Alam ko lang for sure nandito kami natatanaw ko ang buong ka-Maynilaan dahil nandito kami sa pinakamataas na bahagi ng lugar.

Tahimik ang gabi. Walang may nagsasalita. Naririnig ko lang ang bawat paghinga ni Luca. Kanina tahimik pa rin akong umiiyak pero ngayon naubos na siguro ang aking mga luha.

Hindi ko namalayan na nandito na kami. Kahit ang paglabas ko ng kaniyang sasakyan at hindi ko matandaan paano ko nagawa. He didn't speak, nor I. He didn't ask. He let me cry in silence. I appreciate him for that.

Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang ginagawa niya sa lugar at kung bakit nandoon siya. Hindi magawa. Pingilan ako ang aking saliri. Baka hindi ko magustuhan ang kaniyang sagot at dumagdag lang sa aking iisipin.

"Caily..." I heard him whispered my name.

"Si Tatay Mario at Nanay Mercy. Sila ang mag-asawang matanda na nakilala ko during my college days. Tinulungan nila ako ng minsan nahimatay ako sa may gilid ng kalsada. Mula noon nakagaanan ko na sila ng loob. Nalaman ko saan sila nakatira. Gusto ko silang tulungan na umalis sa lugar na 'yon. Ngunit ayaw nila. Sinubukan ko na bilhin ang pinagkakatayuan ng kanilang bahay ngunit ayaw ibenta ng may-ari ang lugar. Hindi ako mapalagay kaya naman pag hindi ako busy, I made sure na madadalaw ko sila kahit once a month."

"Yung mga bata. Mga tambay palibot sa bahay naging malapit din sa akin. Kasama na ang mga bata na kinukupkop ng mag-asawa. Mga batang palaboy na wala ng mga magulang. Ako ang nagbibigay ng pera sa kanila. Minsan ayaw tanggapin ni Tatay Mario. Minsan naman wala siyang nagagawa pag nagpupumilit ako."

Napaiyak na naman ako ng maalala ang lahat. Yung mga bata. Naawa ako sa kanila. Alam ko ang pakiramdam ng walang pamilya. Laki ako sa bahay ampunan pero mas masakit na sa mura g edad mawawala sila sa mundong ito. Pinakamasakit sa ganoong paraan sila kinitilan ng buhay.

"I am an orphan. For sure alam mo. Kasama ko sina Steve and KC. I was lucky na napunta ako sa mayamang pamilya. Pero kahit na mahal na mahal ako ng mga kinikilala kung magulang ngayon hindi ko pa rin maiwasan na mangulila sa tunay ko na pamilya. Kahit anong gawin ko parang may kulang sa akin. May hinahanap ako. Kaya malapit ang loob ko sa mga taong tulad nila. Sa mga bata. Alam ko ang pakiramdam ng namamalimos ng pagkain. Namamalimos ng pagmamahal. Umaasa araw araw na sana may pamilyang kukopkop sa akin. Na may magandang kinabukasan nakalaan para sa akin."

"Yung mga bata na namatay, kasamang natupok ng apoy. Hindi manlang nila naranasan paano ang umasa na balang araw gaganda rin ang kanilang buhay. Naalala ko pa mga mukha nila. Ang saya na nakaukit sa bawat mukha nila pag dumadalaw ako. Hindi matawarang saya. Nakakain sila ng mga pagkain na akala nila hanggang pangarap na lang. Mga imported na laruan na binibili ko sa bawat bansang pinupuntahan ko. I was happy looking forward to go home habang bitbit ang aking mga pasalubong para sa kanila. Sila ang isa sa mga rason kung bakit ako lumalaban at pilit nagiging masaya. Ngunit ngayon. Wala na sila."

"Luca... Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon?"

Nilingon ko siya. Hindi siya tumingin sa akin. Nakatanaw siya sa kalawakan ng dilim at malalim ang kaniyang iniisip. Hindi siya nagsalita. Alam ko nakikinig siya.

"Sobrang nasasaktan ako..." halos pabulong ko na pagbigas. Sobrang sakit. Mas masakit pa kesa sa sakit nararamdaman ko pag umaatake ang aking karamdaman.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon