PROLOGUE

434 8 3
                                    

"Fuck CL! What are you doing?" galit na galit nitong sabi.

"Pakialam mo? Wala ka naman pakialam diba? I'm just one of your fuck buddy base sa narinig ko," sigaw ko rito.

"Babe... I didn't mean to say that."

Kung titingnan mo ngayon para na itong maamong tupa. Kanina galit na galit ito.

Hindi mawala sa isip ko ang aking nalaman. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko ang sinabi niya. Fuck buddy ha, pwes maghanap ka ng iba. Ayoko ko na sayo.

Ako ito, si Caily Lane. Ayoko ng minamaliit. lalong lalo na babalewalain
lang ng isang lalaki. Hindi ako magpapaka tanga sa pagmamahal. I was born to fight to live. To endure the pain for me to survive.

Alam ko hindi ako habang buhay dito sa mundo. Darating ang araw hindi ko na makakaya at akoy lilisan.

Alam ko hindi ko na napigilan ang sarili ko. I fell in love with him. Sa tagal naming nagkasama kahit sabi ko sa sarili ko wala akong planong seryosohin ito. Alam ko masasaktan ko lamang siya.  I can't love him forever. Pero hindi ko napanindigin. Dahil minahal ko ito ng higit sa akala ko.

Tao pa rin pala ako. Marunong magmahal. Siguro dito na lang kami. Tama na nalaman ko  kung ano ako sa kanya. Mas madaling tanggapin at hindi ko ito masasaktan.

"I don't want to be your fuck buddy anymore. Let's end it here. I don't want to see you."

Tiningnan ko ito ng matalim. I saw pain crossed his eyes. Totoo ba ang nakita ko, nasasaktan ito? I was nothing to him. He is Luca Evan dela Vega for nothing kung nasasaktan ito. Maraming siyang sekreto at nahihiwagaan na ako.

Humakbang ako at handa na itong talikuran ng bigla niya akong hawakan ng mahigpit sa braso.

"Babe, please. Don't do this. Let's talk." May bahid ng lungkot ang boses nito.

"Don't touch me. Huwag mo akong hahabulin,"

May diin ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Iwinaksi ko ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Kitang kita ko na nagka pasa agad ang aking braso. Nagulat ito at napatitig sa pasa na nabuo.

Nasa mga mata nito ang pagtataka. I know gusto niyang magtanong. He is one of the best Doctor. Kaya alam niya ang indication pag mabilis magkapasa ang isang tao lalo na sa simpleng paghawak lang ng mahigpit.

Iniwan ko ito. Hindi ko kailangan na mag explain sa kaniya. I don't want him to know.

Hinanap ko ang aking sasakyan. Buti na lang I decided to use a car today. Baka kung yung motor ko ang aking ginamit, mas mapabilis ang aking buhay.

Habang nagmamaneho nakatuon ang aking atensyon sa daan. Pero hindi ko mapigilan ang mga luhang kusang umagos mula sa aking  mga mata.

Nasasaktan ako. Kasi umasa akung mamahalin niya. Baka pag makita kung seryoso siya sa akin at mahal niya ako. Baka magkaroon ako ng lakas para lumaban. Kasi alam ko na may taong hindi ko pwedeng iwan.

I was driving with no clear direction. I was crying and sobbing. Nanlalabo na ang mata ko. I have to stop. Baka madisgrasya ako. Hindi ko gustong mamatay na wasak ang mukha. I always told my mom na dapat pag mamatay ako. Maganda pa rin at kaaya-aya. Sinulat ko ang mga gagawin nila. Iyak nga ng iyak si mommy pag ginagawa ko yon. I always reminded her everytime I went home. I don't want her to forget the very last thing I ever wanted.

Huminto ako sa gilid ng daan. Iyak pa rin ako ng iyak. Sumisikip na ang aking paghinga. My body became painful again. Oh god! Not here.

My phone rang. I answered it without looking at the screen.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon