" Oooh -oooh Aisha... jamila habibi."Malinaw na boses na aking naririnig mula sa isang babae na humahalakhak. Sa himig ng boses nito ay malalaman mo na napaka saya niya habang kinakausap ang isang munting sanggol na tumatawa.
Napabalikwas ako ng bangon. I am gasping for breath. Pinagpapawisan ako. Napapikit ako at pilit na inaalala ang nangyari. Maraming beses ko na itong napapanaginipan. Ang boses ng babae na tumatawa at ginagaya ang isang boses bata.
Kapag masama ang aking pakiramdam o di kaya ay pagod ako. Bigla ko na lang napapanaginipan ang babae na may tinatawag na pangalan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi dahil ibang lengwahe ito.
I didn't have any idea what language it was. But I know for sure it was foreign. The image was blurry. The image of a woman smiling wasn't familiar either. Sumakit tuloy ang aking ulo.
Bumangon ako at hinawi ang kurtina sa bintana ng aking kwarto. Maliwanag na pala sa labas. Alam ko maaga pa para bumangon. Wala pang gaanong sinag ng araw. Sinilip ko ang orasan sa aking kwarto, mag a-alas siyete pa lang ng umaga.
Napasarap ang aking tulog. Tuloy tuloy ito. Kung hindi pa ako nanaginip siguro tulog pa ako hanggang ngayon. But I have to get up early. May duty ako ngayon, much better if maaga akong pumasok kesa naman malate ako. Parang okay naman na ang aking pakiramdam.
Naligo ako at naghanda sa pagpasok. May uniform naman ako na puti dito sa bahay. Hindi ko naman lahat dinala sa condo. Tiningnan ko muna ang aking phone. Bat empty ito kaya chinarge ko muna at iniwan para makababa na ako.
Pagkatapos kung magbihis, bumaba na ako para kumain. Alam ko maaga pa sina Yaya Mila nagigising. Tahimik ang ikalawang palapag ng bahay. Baka nasa hardin sila. Sa kusina na muna ako didiretso for sure may pagkain na sa mesa na nakahanda.
Pagkababa ko ng hagdan ay naririnig ko na ang boses galing sa kusina. Dahan dahan akong lumapit. Nakita ko na nag-uusap sina Yaya Mila at Kuya Marco. Ngunit hindi lang dalawang boses ang naririnig ko. May isa pa at sobrang familiar ako. Tumaas ang aking isang kilay. So finally the youngest brother of mine is finally home, huh.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila para di nila ako makita agad.
"So, the most handsome man is back!" Mataray kung sabi na nakataas pa ang aking isang kilay.
Napalingon silang tatlo. Tumawa sila bigla at syempre ang pinaka close ko na kapatid ay bigla biglang lumapit sa akin at humahalakhak pa. Binuhat niya ako at inikot ikot habang walang humpay na tumatawa.
"Kuya! Put me down!" Sigaw ko dito at tumatawa na rin. Maya-maya ibinaba na niya ako at niyakap ng mahigpit.
"I miss you, baby. Masama daw pakiramdam mo sabi nila? Parang hindi naman, ah." Inikot niya ako at tiningnan ang kabuuan ko. Parang hindi siya naniniwala na masama ang aking pakiramdam. Umiiling pa ito may pilyong ngiti sa mga labi. Baka nakakalimutan nito. Ang laki ng atraso niya sa akin.
"Sino may sabi sayo? I'm okay, as strong as an ox. So, kung hindi ka pala sabihin na masama pakiramdam ko hindi ka uuwi at magpaparamdam? Baka sa susunod lamay ko na ang maabutan mo." Biro ko sa kaniya na nakataas ang kilay na payak na tumatawa.
"Caily Lane!" Halos sabaw nilang sigaw ni Kuya Marco. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kita ko ang pagtiimbagang nila parehas. Matalim ang tingin na pinukol nila sa akin.
"Don't ever said that again! Kung ayaw mo magalit kami. It's not even funny." Pagalit na sabi ni Kuya Marco.
Natahimik ako at hindi umimik. Parang maiiyak ako at hindi na makatingin sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Beauty of Pain
General FictionMature Content| SPG | R-18 The Dragon Boyz Series #3 Luca Evan dela Vega He is a car racer and the CEO of Card Dash Inc. the No.1 automotive and car dealership company. He is your ultimate badboy type; rugged, brave, dominant and sexually desirab...