Chapter 05

218 2 0
                                    

The next day I woke up alone in an empty room. Wala akong makita na Luca sa tabi ko. Baka maagang umalis.

Nakita ko na may damit sa gilid ng kama. Halatang bago dahil may tag pa. I assume na para sa akin. Lalo na at kasukat ko lang. Pumasok ako sa banyo, naligo at nagbihis. pagkalabas ko ng kwarto may sumalubong kaagad sa akin na medyo katandaang babae at ito ay nakangiti. Sinuklian ko rin sya ng tipid na ngiti.

"Good morning hija. Mabuti at gising kana. Tara sa kusina at ng makapag-almusal kana." Aya niya sa akin. Tinanguan ko sya at sumunod na ako.

Iniikot ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay. May hinahanap ako na kanina ko pa hindi nakikita at gusto kung makita.

"Maagang umalis si Luca hija. Ibinilin ka niya sa akin." Bigla niyang sabi. Nahulaan niya siguro ang nasa isip ko.

"Kain kana habang mainit pa ang pagkain. Kung gusto mo pang magstay dito sabihin mo lang ha hija? Kung aalis ka naman, sabihin mo rin para mapahatid kita." Tumango lang ako bilang tugon.

Gusto ko sana itanong kung nasaan si Luca. I know for sure alam niya. Inaamin ko nalungkot ako pagkagising ko at malaman na wala sya sa tabi ko and worst malaman na maaga siyang umalis. Ang bigat sa pakiramdam. Ano ba CL hindi ikaw 'to. Huwag kang magdrama. Wala kayong label diba? Bakit ka nag e-expect na naman na magpapaalam sayo?

I heaved a deep sigh not knowing na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Manang. Wait? Hindi ko pa alam ang pangalan niya.

"Ano po name niyo Manang?" Bigla kung tanong. Nakatitig sya sa akin at nakangiti.

"Ang ganda mo hija. Hindi nakapagtatakang magugustuhan ka ni Luca. Manang Emma na lang itawag mo sa akin. Ako ang nagpalaki kay Luca. Yaya niya ako. Parang ina na rin ang turing niya sa akin. Kaya huwag kang mahihiya. Sabihin mo lang ano pa gusto mo." Paliwanag niya.

Tipid ko siyang nginitian at nag-umpisa na akong kumain. Hindi nagtagal natapos din ako at nagpaalam lay Manang Emma na uuwi na lang ako sa bahay. Gusto ko  matulog ulit.

Naintindihan naman niya ako at may tinawagan siya para maghatid sa akin.

"Ingat ka hija ha. Salamat sa pagpapasaya sa alaga ko. Huwag ka sanang magbabago at mahalin mo siya. Pasensya na rin kung iniwan ka niyang mag-isa. May lakad lang siya na importante. Sigurado tatawag yon sayo." Nginitian ko si Manang.

Kahit paano napanatag ako sa kaniyang sinabi. Pero may inis pa rin akong nararamdaman. Huwag talaga siya tatawag kasi hindi ko sasagutin. Mahirap bang magsabi kung saan pupunta? Sabagay wala pala kaming label.

"Maraming salamat Manang ha. Okay lang po. Mauna na po ako."

Hinatid ako ng driver sa bahay. Pagkadating ko palang deretso na ako sa kwarto at nahiga. Hindi ko pinansin ang aking fon na kanina pa pala may tumatawag. At alam ko na kung sino 'yon. No other than Luca.

Deadma. Ayoko siyang makausap at lalong hindi ako makikinig sa paliwanag niya. Dahil hindi din naman siya nagpaalam o nag-iwan manlang ng note na aalis siya ng maaga. Umaasa pa naman ako na siya ang makikita pagkabukas ko ng aking mata.

Wala akong ginagawa kondi ang matulog maghapon hanggang sa gabi. Kinabukasan na ako nagising. Nakalimutan ko na din ang kumain.

" Nako'ng bata ka, napagod ka ba? Katok kami ng katok sa kwarto mo. Nagworry na din ang mommy mo kaya pinabuksan ng daddy mo yung kwartoni na na-i lock mo pa kasi. Okay ka lang?" Nakita ko ang nag-aalang mukha ni yaya Mila.

"Sorry, Yaya. I'm okay. Napagod lang ako kahapon kaya napahimbing ang aking tulog. But I have to go now for my duty." Sabi ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon