Chapter 12

136 3 0
                                    


Bawat araw na dumadaan paikli ng paikli para sa akin. Kaya naman kinukulit ko si Luca araw-araw.

Me:

[ Where are you? ]

Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa mesa habang naghihintay ng kaniyang reply. Really? Gano'n siya kabusy ngayon? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kung dati siya parati ang nauunang tumawag o di kaya ay magtext. Ngayon nabaliktad, ako ang nauna. Yes, for the first time naging clingy ako.

Ewan ko. Siguro it's time to let myself fall in love for the first time. Luca is worth it. A bad ass, hot & handsome man. And I know he likes me. Enough for me. But deep inside, I wish he will love me. Pero siguro kahit hindi na para hindi siya masaktan kung sakaling mawala man ako. Basta huwag lang niya akong paglaruan.

Haist! Wala talagang reply. I tried to call him. I dialled his number but it keeps on beeping. Meaning busy, may kausap sa kabilang linya. Sino kaya ang kausap niya. I tried again. Again and again. Same pa rin. Imagine for an hour! Halos naubos na ang lunch break ko kakatry na tawagan siya. Worst hindi niya ako nirereplyan.

Me:
[I've been trying to call you for a fucking hour but your line is busy. Sino ang katelebabad mo ng gano'n katagal?]

Walang pag-asa, tumayo ako at bumalik na sa duty. Magde-dressing pala ako sa isang patient na 72hrs post-op.

Nakarating ako sa Surgery Ward. May mga nurses akong naririnig na may pinag-uusapan.

"Kawawa naman si Doctora. Sakit no'n ha. Mahal na mahal mo tapos kapatid mo pala. Pag ako niyan baka magpakamatay ako." Sabi ng isang nurse. May pahawak pa siya sa kaniyang puso.

"Kaya nga eh. Saklap. Akala ko power couple na sila. Kay Doc Luca na lang ako at Doc Caily. The bad ass couple!" Sigaw ng isang nurse.

"Ay bet! Kaso parang palagi silang war. Walang sweetness." Sabi naman ng bakla.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi nila alam nakikinig ako sa pinag-usapan nila. Nakatalikod kasi sila sa akin. Tamang tama naman nasa may counter ng nurse station ang chart ng patient na sadya ko kaya hindi nila ako napansin. Super engrossed sila sa pagiging mga Marites.

"Ay butiki! Ikaw pala Doc. Kanina ka pa?" malambing na tanong ng bading na nurse. Hindi pinahalata na nagulat.

Tumaas ang aking isang kilay at sinagot ko ito ng hindi ngumingiti. "Yes, enough to hear all of you gossiping someone and my lovelife."

"Doc naman. I-aassist kita sa pagdressing mo. Prepare ko na Doc ha." Tumalima ito at inayos ang mga gagamitin namin habang nirereview ko ang isang chart.

I'm not a toxic resident doctor. But I'm not friendly as well. Sakto lang. Professional is the right word. Ayaw ko lang maging close baka kasi mawasak ang nilalagay namin na boundery between doctors and nurses. Of course I'm not against about them being close with us. And I know for a fact na parehas kami. We need to work as a team for the patient plan of care. Hindi lang ako gano'n kabilis magtiwala. Sabi ko nga. I'm not friendly and approachable. But if you are my friend. I will stick with you through thick and thin.

Tipid ko silang nginitian bago pumunta sa room ng patient. Sakto naman nakasunod rin sa akin yung nurse na bading. Tinulungan nga niya ako sa pag-dressing.

This patient is a post-op craniectomy. Almost 72hrs na siyang post-op. Okay naman ang operation site niya sa ulo. Walang bleeding. Kaya mabilis lang akong natapos.

"Doc, sorry kanina ha. Kung narinig mo mga chika namin. Kaibigan mo pa naman pinag-uusapan namin."

Hindi na sana ako magrereact kaso narinig ko ang simabi niya na kaibigan. Naningkit ang mata ko. Kung kaibigan. Nag-iisa lang ang kaibigan ko sa hospital. It's KC.

The Beauty of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon