It's Sunday!Nagpaalarm talaga ako para magising. Mahirap na at aniguradong magagalit si Steven kapag malate ako.
Today is so special to the three of us. Ito ang date na nakaset kung saan taon taon bumibisita kasi sa paborito namin na lugar. Ang lugar kung saan kami nanggaling. Sa orphanage.
Napagkasunduan namin na magkitakita na lang sa bahay ampunan mismo. Si Cassey and Steven na ang namili ng mga dadalhin namin. Iniutos lang naman siguro nila.
Angels Haven Orphanage
Agad mo'ng makikita sa labas. Pagkahinto ng aking sasakyan. Hindi muna ako lumabas. Napangiti ako habang nakatanaw sa modernong building na nasa harapan ko. Kung dati para itong lumang bahay lang, ngayon modernong moderno na. Thanks to all the sponsor. Isa na ang mga pamilya namin na patuloy na nagbibigay ng mga donasyon dito.
Biglang sumagi sa aking isip ang mga alaala naming tatlo sa lugar na ito. Parang kailan lang mga bata pa kami at nagkukulitan. Ngayon lahat kami ay nakapagtapos na. Except for that one little girl, si Ashley. Yung pinakabunso namin kung ituring. I hope she's okay and in good hands like us.Wherever she is, I wish that she's doing well.
Tumunog ang aking cellphone at nakita ko si Cassey tumatawag.
Me:
[Yes loves?]
Cassey:
[Saan kana? Nasa loob na kami ni Kuya.]
Me:
[Oh, sige papasok na ako.]
Kinalas ko ang seatbelt at lumabas kaagad. Tahimik na naglakad papasok sana sa loob ng bahay ampunan. Ngunit bigla akong may naramdaman na kakaiba sa paligid. Ramdam ko na may sumusunod sa akin. I know something is off. Nitong mga nakaraang araw parati ko na lang nararamdaman ang ganito.
Bigla akong tumigil at nakiramdam. Hindi ako nagpahalata. Nagpalinga linga ako. It's creepy but I somehow feel it. Hinasa ako nina daddy na matuto kung paano makiramdam sa mga nangyayari sa palibot ko. Kaya alam ko na may sumusunod sa akin. Ganoon ka sensitive sa aking paligid.
"Who are you? Alam ko sinusundan mo ako. Just make sure di kita mahuhuli. Sa oras na mahuli kita. Makikita mo."
Banta ko. Nakiramdam ulit ako at huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng building.
"Good morning sa inyong lahat!" Masayang bati ko sa mga bata.
"Good morning Ate ganda!" Napakasayang bati nila.
Nilabas namin ang mga dala namin na pasalubong. At nagsimula na rin akong kwentuhan sila ng kung anu anu. Pag nandito ako sa bahay ampunan parang nag-iiba ang mundo ko. Nag-iiba ang aking pakiramdam. Nararamdaman ko ang kaginhawaan. Kasimplehan ng mga bagay. At nakikita ko ang tunay na kasiyahan. Dito parating pinapaalala sa akin na always remember to smile and be hopeful. Despite the uncertainty of the future.
Habang nakikipagkwentuhan ako at tumatawa sa mga bata bigla kung nakita si Steven na matiim na nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema nito. Imbes na taasan niya ako ng kilay tulad ng madalas niyang gawin kapag nagtataray ako, nakita ko ang mga mata niyang magaan na nakatitig sa akin. At ang ngiti niya na nagsasabing. I'm happy to see you smiling.
Steven knows my condition. Mas nauna niyang nalaman. Noong nasa New York ako for a compition. Dapat magkikita kami kaso bigla akong nanghina kaya di kami natuloy. Imbes na lumabas ay pinuntahan niya ako sa aking apartment. Kaso ang pangit ng hitsura ko ng madatnan niya ako sa araw na 'yon.
Steven:
Caily, where are you? I've been waiting for your call. Ano magpapakita ka pa?
CL:
BINABASA MO ANG
The Beauty of Pain
General FictionMature Content| SPG | R-18 The Dragon Boyz Series #3 Luca Evan dela Vega He is a car racer and the CEO of Card Dash Inc. the No.1 automotive and car dealership company. He is your ultimate badboy type; rugged, brave, dominant and sexually desirab...