Chapter 01
Hindi na natanggal ang tingin sa akin ni Tom pagkatapos no'n. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga titig niya, e mas matanda pa nga ako sa kaniya ng sampung taon! Kumuha ako ng tatlong shanghai at sinumpak sa bibig ko ang isa. Hindi pa rin bumibitaw ng titig sa akin ang batang nasa tabi ko kaya bumaling na ako sa kaniya.
"Ano ba problema mo, bata?" I sighed. "Crush mo ba ako at titig ka ng titig?"
Bakit ba kasi hindi na lang makihalubilo ang batang 'to sa mga pinsan niya na nandito at kaedad niya? Hindi 'yung ako pa ang ginugulo pero naalala kong suplado nga pala ang batang 'to. Ako nga lang ata ang kaibigan niya at saka 'yung kapatid niyang mukhang kaldero e.
"Ibig sabihin may crush ka rin kay Kuya Kiko kasi tumititig ka rin sa kaniya?" sabi niya at humigop sa chuckie niya
Talino talaga ng batang 'to! Ang daming alam!
Pero... ano sabi niya?
Kuya Kiko?
Lihim akong napangiti at hindi ipinahalata sa kaniya. Kiko pala ang pangalan, ah. "Kumain ka na nga lang!" sabi ko at nagpatuloy sa pagnanakaw ng tingin kay Kiko. Napatingin ako kay Tom nang nagpaalam siya sa akin na gagamit daw siya ng restroom saglit. Tumango ako at lumapit ulit sa buffet para kumuha ng shanghai.
"Iyon ba ang anak mo?" narinig kong tanong ng kapatid ni Tita kay Mama. Nag-iwas ako nang tingin dahil alam kong ako ang itinuturo ng kapatid ni Tita kasi Cecil ang pangalan ni Mama. Palaisipan pa rin sa akin kung paano nakaka-close lahat ni Mama lahat ng tao kahit kakakilala niya pa lang.
"Ah, oo. Nag-iisa kong anak,"
"Ay! bakit naman hindi na nasundan?"
Napairap ako. Bakit ba iyon lagi ang tinatanong ng mga tao kapag nalaman nilang isa lang ang anak. Hindi ba pwedeng trip niya lang ng isang anak? At isa pa, ba't ba ang init ng ulo ko doon sa kapatid ni Tita, wala namang ginagawa sa akin!
Toxic mo, Claudia! Tumigil ka na nga!
Pumasok ako sa loob ng bahay nila para kumuha ng tubig dahil naubusan sa labas pero laking gulat ko ng pagpasok na pagpasok ko ay tinulak ni Tom ang isa sa mga pinsan niya. I immediately panicked when the girl he pushed cried!
"Anong nangyari, Tom?!" I asked.
"She forced me to play even though I said I didn't want to because I'm already tired," he explained. Napa-buntong hininga na lang ako. Wala naman siyang ginawa pero napagod? Tinulungan kong tumayo ang batang babae bago ko naramdaman na pumasok si Imo at si Kiko na parehong gulat sa nadatnan.
"Anong nangyari dito?" aniya ni Imo.
"I already explained. Ayoko ng ulitin."
Napanganga ako sa sagot ni Tom sa kapatid niya. Mukha namang nabadtrip itong si Imo sa sinabi kaya nagpaalam siya na kakausapin muna ang kapatid bago hinila si Tom papunta sa kwarto.
"Hindi na talaga nagbago ang batang 'yon," Kiko said and chuckled. Bahagya akong napanganga nang narinig ang boses niya pero agad ko din tinikom at tumango na lang.
"Salamat," ngiti niya. Nagtaka pa ako kung bakit siya nagpapasalamat pero agad ko din nakuha ng pumunta sa kaniya ang kapatid niya na tinulak ni Tom pagkatapos ko itong tulungang tumayo.
"Ah, w-wala 'yon." I stuttered.
Umayos ka, Zenitha Claudia!
Bahagya lang siya ngumiti at lumabas na ulit. Ako naman ay dumiretso sa kwartong pinasukan nila Tom dahil baka kung anong gawin ni Imo do'n at mapaiyak din niya ang kapatid niya!
Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya hindi na ako pumasok at nakinig na lang. "Hindi pwedeng laging ganoon, Tom." Imo sighed. "Paglabas mo doon, humingi ka ng tawad, okay?"
"Opo..."
"Uulitin mo pa ba 'yon?"
"Hindi na po..."
"Oh, sige na. Bumalik ka na doon."
Hindi na ako nag-abalang magtago pa dahil makikita rin naman ako. Nakatungo ang ulo ni Tom paglabas at tumingin lang sa akin sa saglit bago naglakad pa layo. Sunod naman ay si Imo ang lumabas. Ngumisi ako.
"Ang bait mo naman kaso hindi bagay sa'yo," I laughed.
"Palibhasa kasi masama ugali mo e," he fired back.
The party goes on like nothing happened. Narinig kong humingi nga ng tawad si Tom at pumayag nang makipag-laro sa pinsan niya kahit halata naman na napipilitan lang. Takot talaga iyon sa Kuya niya kahit kailan.
Dito pala sila matutulog kaya nung pumasok na sa loob ang dalawang bata ay inaya kami ni Imo na uminom sa teresa ng bahay nila para hindi kami makagulo sa kwentuhan nila Tita. Nagpaalam si Imo na kukuha lang ang Soju na nasa fridge nila kaya naiwan kami ni Kiko na nag-aayos ng lamesa sa teresa.
"Dati pa pala kayo magkaibigan ni Imo?"
"Ah, oo." sagot ko pero para may ambag naman sa usapan ay nagdagdag ako ng sasabihin. "Kaya ako nagtataka na ngayon lang kita nakita..."
He chuckled. Huhu. "Ah, hindi kasi kami dito sa Pilipinas nakatira at kapag bumibisita kami dito, sa Bulacan kami pumupunta..."
"Huh? Saan kayo nakatira?"
"America..."
Napatango ako. Kaya pala medyo may accent ang tagalog niya at kaya rin hindi ko siya nakikita kasi sa Bulacan pala sila bumibisita dahil nandoon ang Lolo at Lola nila. Alam ko 'yun dahil tuwing pasko, doon pumupunta sila Imo para mag celebrate ng christmas.
Dumating na si Imo dala dala ang isang bucket ng soju nang napahinto siya.
"Gago, nakalimutan ko 'yung chaser." sabi niya at lumingon sa akin. "Kuhanin mo nga, panget."
"Ano ko? Utusan?"
"E'di huwag kang uminom," he shrugged.
"Joke lang, ito naman 'di mabiro."
The night went on and the soju session went well. Nalaman kong mahilig din pala si Kiko sa anime kaya sobrang nag enjoy ako kausap siya, kaya naging close kami dahil doon. Si Imo kasi hindi mahilig sa ganoon dahil ang alam lang niya CODM! Malapit na nga niyang pakasalan ang cellphone niya dahil kapag walang ginagawa doon lang nakatutok ang atensyon niya!
I mean, naglalaro rin naman ako ng CODM pero hindi kasing adik niya!
Ilang oras na ang nakalipas pero mukhang wala pa rin balak si Mama na umuwi dahil tuwang tuwa pa siya pero inaantok na talaga ako. I stood up.
"Uuwi na ako, medyo inaantok na rin kasi," I chuckled.
Kiko smiled at me. "Panoorin natin 'yung season two ng Demon Slayer kapag nilabas na,"
I laughed. "Sige ba!"
Imo stood up. "Hatid na kita," tumango ako dahil natatakot talaga ako lumabas mag-isa dahil hating gabi na at alam niya 'yon. I waved at Kiko before I turned around.
I sway my hands in the air like a kid while we're walking. "Ang bait ng pinsan mo..."
I turned at him at tumango lang siya. Hanggang sa makarating bahay ay hindi siya nagsalita. Medyo nagtataka na ako kasi ang ingay niya kaya lagi tapos laging may kontra sa mga sinasabi ko pero baka bad mood pa rin dahil sa away nila Tom kanina.
"Tulog na ko! Matulog ka na rin hindi 'yung puro CODM ginagawa mo!"
He smiled. "'Ge, alis na ako."
Tumango ako at pumasok na sa loob.
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...