Last chapter of first meet. And probably the last chapter of the first trilogy! I really had a love-hate relationship in this series lmao but i'm so happy that it finally ended! I hope you enjoy reading it and thank you for the support. Love you.
Enjoy reading!
--
Epilogue
"Happy birthday to you... Happy birthday.... Happy birthday... Happy birthday to you..." they sang while i'm holding the cake. It's 8:00 am and we are here at the shore where we decided to eat breakfast.
It's Imo's birthday and I heard that we will check out at 11 am. Nawalan na nga ako ng pag-asa dahil kung sakaling ganoong oras nga kami aalis ay darating kami doon ng 4 pm. Masisira ang plano ko dahil wala pa namang mga bituin noong oras na 'yon. Mabuti na lang at nagrequest si Tom na i-extend pa ang stay namin dito kaya pumayag na rin si Tita.
"Make a wish..." I whispered.
Tumitig siya sa akin na may multong ngiti sa labi bago hinipan ang kandila. Nag-init ang pisngi ko ng nakangising nakatingin sa amin ang tatlo. We ate our breakfast while Tita was roasting his own son by telling funny stories when he was young.
Tumawag din sila Tito kasama si Papa para batiin si Imo. Hindi rin naman nagtagal iyon dahil may mga gagawin pa raw sila. Nag-aya na ulit mag swimming si Tom kaso nga lang ay walang gustong sumama sa kaniya kaya busangot siyang pumunta sa dagat. Tumawa naman si Imo at sinabing susunod siya at may sasabihin lang kina Mama.
I ate the last slice of the cake. Grabe, umagang umaga ang tamis ng kinakain ko.
"Tita, Ma..." seryosong tawag ni Imo kaya kumunot ang noo ko. Tumingin ang dalawang babae sa kaniya kasama na rin ako, nakukuryoso sa kung anong sasabihin niya. I reach for the water at the table and put it in my lips to take a sip.
"Nililigawan ko na po si Claud-"
What!
I gave Imo a 'I'm not prepared for that!' look because I am not truly prepared for that!
"Sa wakas nakaamin din siya," pagpaparinig ni Tita kay Imo kaya sinamaan siya ng tingin nito, natawa na rin tuloy ako. So, pati pala si Tita alam din na may gusto siya sa akin?
Mama laughed. "Kaya pala kahapon, nakita ka lang ni Claudia kinikilig na agad-"
"Ma!"
Imo laughed. Ang tanging ginawa lang nila buong tanghali ay inisin ako habang si Imo naman ay nagyayabang na ako naman daw ang patay na patay sa aming dalawa. Hindi naman talaga ako napipikon dahil nagloloko lang naman sila kasi alam naman nila ang totoo na si Imo ang patay na patay sa akin!
"Naka-ayos na ba, Ate?" tanong ko sa kasambahay nila Imo. Siya kasi ang pinagbantay ni Tita sa bahay nila ngayon since sobrang pinagkakatiwalaan talaga niya si Ate. Hindi man kami close dahil hindi siya pasalita pero mabait naman siya sa akin! Wala nga lang siya noong mga nakaraang linggo dahil nagkasakit aa 'yung Nanay niya pero maayos naman na ngayon.
"Ah, oo. Naayos ko na sa balcony ni Imo," she responded. I whispered a yes. Nandito ako ngayon sa restroom kaya walang nakakita sa akin. Hindi pa kasi ako nakakapag-swimming simula kahapon kaya nagpapalit ako.
"Salamat, Ate! Bawi ako kapag nakauwi na kami!"
She chuckled. "Wala 'yon. Sige na, mag-enjoy kayo d'yan."
I say my thanks once again before I wore my black one piece as my swimwear. I also wore cover top, ang kagandahan naman sa cover top na ito ay hindi kita ang suot ko sa loob kaya hindi na ako nag short. I tie it and put my hair in a bun. Tumingin ako kay Tom na kalalabas lang din ng suite nila. He's wearing a white sando and floral beach shorts.
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...