Chapter 02

2 1 1
                                    

Chapter 02

I woke up early tomorrow morning to do my morning jog. Mama is still sleeping so I just quietly fixed myself to get ready for my jog. While I’m pulling my one liter tumbler with water my phone vibrates.

omi: sama ako mag jogging hehe

me: bilis bilisan mo 

I replied. Naalala ko tuloy na sinabihan ako dati ni Imo na ang jejemon ko daw dahil omi ‘yung pangalan niya sa contact ko na ang ibig sabihin kapag binaliktad ay Imo. Hindi ba niya alam kung gaano siya ka-jejemon nung bata siya at lakas niyang sabihin sa akin na jejemon ako?

Ilagay ko kaya dito bansot?

I sealed the tumbler before I heard a doorbell. I lock the door since Mama is still sleeping before I open the gate. I looked at his outfit. He is wearing a Nike sando that shows his biceps and Nike shorts, headband, socks, and running shoes. I creased my brow.

"Tangina, sponsor ka ba ng Nike?"

"Nahiya naman ako sa sponsor ng Adidas,"

I laughed when I realized that all the outfits that I’m wearing right now are from Adidas. Kahit saan talaga magkalaban kami pati ba naman ‘yung suot namin magkalaban? We started jogging around the neighborhood. 6:00 am na kaya lumalabas na ang araw. Lumingon ako kay Imo nang may naalala. 

"Nasaan nga pala si Kiko?"

Tumitig siya sa akin bago maikling sumagot. "Tulog pa."

I nodded. Sayang naman.

"Magsisimba nga pala kami mamaya. Gusto mong sumama?" pag-aaya niya.

My face lit up. "Sino ba kasama?"

"Ah, kaming magpipinsan lang,"

I smiled. "Sige!"

Sinabi niya na hapon na daw kami aalis at susunduin na lang daw niya ako sa bahay namin. Linggo naman ngayon kaya pumayag na ako dahil bukas ay may pasok na anamn at siguradong hindi na naman ako maalis sa study table ko at higit pa doon… kasama si Kiko. Pagdating ko sa bahay, naligo ako at tutal tulog pa si Mama kaya naghanda lang ako ng cereals at gatas dahil tinatamad na akong magluto. Ginawa ko ang mga natitira ko pang mga schoolworks na nakakadugo ng utak kaya anong oras na rin akong natapos.

I wore a yellow fitted top tucked in with my blue jeans and white crocs and let my short hair down. Nagpaalam ako kay Mama bago tinext si Imo na ready na ako. Hindi rin naman nagtagal at dumating na rin sila. I wore my mask before I hopped in.

Sumakay ako sa likod. "Hi!" I greeted them.

Si Imo ang driver habang nasa shotgun seat naman si Kiko. Ang katabi ko ay ang babaeng kapatid ni Kiko at nandoon naman sa kabila si Tom. I was finding my cell phone in my sling bag when Tom talked that made my mouth open.

"ikaw ang gusto kong katabi, Ate Claud." he said.

Tumingin ako sa pinsan niyang napayuko dahil sa sinabi niya. Napanganga ako dahil parang sinabi na rin niyang ayaw niyang katabi ang pinsan niya!

"Tom, anong sinabi ko sa’yo?" pagsuway ni Imo.

"What? I just want ate by my side-" sumimangot na lang siya nang nakita ang masamang tingin ni Imo. Dinaan na lang sa tawa ni Kiko ang namumuong tensyon sa loob. 

Naging maayos naman ang mga nangyari pagkatapos no’n. Matiwasay naman kaming nakapag-simba at pagkatapos noon ay nag-aya silang pumunta ng night market kaso dahil sobrang daming tao at talagang delikado ngayon. Si Imo at Kiko na lang ang bumaba para bumili ng gusto ng mga bata.

Sinawsaw ko sa suka ang isaw na hawak ko at kinain ng buo.

"Gago ang dami kong tawa do'n!" I bulong ko kay Kiko dahil ayaw ko naman na marinig kami ng dalawang batang nagmumura. He chuckled and stared at me with a ghost smile in his lips.

"Ate!"

"Ay, pota-" gulat akong napalingon kay Tom. Grabe, kanina pa siya ah! I sighed, kakasabi ko lang na ayaw kong naririnig nila akong nagmumura. "Grabe! Nawawala ka ba? Makasigaw ka e! Bakit ba hindi 'yung kapatid mo ang guluhin mo," I rolled my eyes. 

Sumulyap siya kay Imo kaya napatingin ako sa kaniya. Kumunot ang aking noo ng pinanlalakihan niya ng mata si Tom na parang tinatakot na huwag sasabihin ang malaking sekreto. Nakita ko naman na napairap si Tom. Ano ba talaga sikreto ng dalawang 'to?

I sighed. "Ano ba problema niyong dalawa?"

"Wala!" galit na sagot agad ni Imo at umirap. Narinig ko pang may binulong si Tom pero nung tinanong ko ay umiling lang.

Hays! Nanginginig ang bangs ko sa dalawang 'to kahit wala akong bangs!

Kinabukasan ay nagtext sa akin si Imo na aabsent siya dahil sumama siya sa airport dahil pinilit siya ng mama niya kaya i-send ko na lang daw sa kaniya ‘yung notes. Ang hirap talaga kapag may kaklase kang pabuhat ampota.

Lunchtime namin noong dumating sa Imo sa bahay. Minsan talaga bigla bigla na lang pupunta dito ‘yan.

"Oh," I said giving him my iPad kasi digital notes ako gumawa. Mukha namang tuwang tuwa si gago. Inaya niya ako sa coffee shop at libre dw niya kaya agad pumayag. Malapit lang naman ang coffee shop na ‘to sa bahay kaya naglakad na lang kami habang hawak hawak ang laptop at iPad ko dahil may presentation pa na kailangang gawin.

I ordered an iced coffee latte while he ordered an iced americano. 

"Claud,"

"Hmm?"

"May gusto ka ba kay Kiko?"

I coughed, shocked at his question. Tumingin ako sa mata niya, naninimbang. Simula nung nangyari ‘yung kay Jake which is ‘yung ex-boyfriend ko, sinabi ko na sa kaniya na hindi na ako magkakagusto sa iba hangga’t hindi pa ako nakakagraduate. Hindi naman niya ako pinagbawalan pero alam kong ayaw niya na nakita akong umiiyak ng dahil lang sa mga ganoon lalaki. Nagui-guilty na rin ako dahil lagi siya ang takbuhan ko kapag nasasaktan ako.

Crush ko lang naman si Kiko. Tutuparin ko naman ‘yung sinabi ko sa kaniyang hindi ako mag-boboyfriend hangga’t hindi pa ako graduate at para naman kasi sa akin din ‘yon. Alam ko na ang epekto ng katawan ko tuwing nasasaktan ako. Wala akong gustong gawin kung hindi magmukmok kaya sobrang naapektuhan ang pag-aaral ko tuwing nangyayari ‘yon.

"Magagalit ka ba kung sasabihin kong oo?" I joked. He remained with his straight face, intently staring at me.

"Hindi,"

I laughed. "Joke lang! Crush ko lang si Kiko, hindi na sosobra pa doon!" Tumango siya at hindi na nag salita mula noon hanggang sa makauwi kami. Minsan talaga napaka-moody ng taong ‘to. I silently sighed.

First MeetWhere stories live. Discover now