Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11

"Sorry na..."

"Huh? Bakit ka nagsosorry?"

Bakit ang dami naman nagsosorry sa akin ngayon! Hindi pa nga ako maka move on sa sinabi ni Tom nandito naman si Imo sa harapan ko at nagsosorry din! I sighed. Hindi ko siya nilapitan pagkatapos namin mag-usap ni Tom. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos no'n, kaya pumunta na lang ako sa teresa nila para makapag-isip dahil sa tingin ko kapag nasa harapan ko si Imo, nawawala ako sa huwisyo.

Huwisyo, ampota.

"Galit ka e." sagot niya.

Ilang minuto pa lang ako nandito kaya nagulat na lang ako na nasa harapan ko na si Imo at nagsosorry. Umiwas ako ng tingin. Bakit niya nalaman na nandito ako? Tinitingnan niya ba ako?

"Hindi naman ako galit, ah."

"E, bakit ka umiiwa-" he sighed and licked his lips. Bwisit ka! Pati ba naman 'yung pagbasa sa labi niya nakikita mo, Claud?! "Sorry kasi nagalit ako kanina... pero ikaw naman kasi. Bakit ka ba naman nag basa sa ulan, paano kapag nagka lagnat ka? Tapos nagka covid?"

"Ano, nagsosorry ka ba o sesermunan mo ko?"

"Tss..."

I sighed. "Sorry din, kasi ang unreasonable ko kanina..."

"Buti naman alam mo,"

Sinapak ko siya. Humihingi na nga ng tawad e!

He laughed. "Joke lang! Halika na nga do'n," inakbayan niya ako pero para kaming biglang napaso sa balat ng isa't isa dahil pareho kaming umiwas ng mapagtanto kung ano ang posisyon namin.

Pumunta kami sa garden ng may five feet apart na distansya na akala mo na nasa movie kami at may sakit. Napatingin sa akin si Tom na nanlalaki ang mata, siguro ay nag-aalala kung sinabi ko ba sa kuya niya na may sinabi siya sa akin kaya umiling ako at na pahinga na lang siya ng malalim.

Para talagang matanda na ang batang ito.

"Saan kayo galing?" tanong ng papa ni Imo at kinindatan pa ang anak, nasapok tuloy siya ni Papa. Minsan hinihiling ko na sana magkaroon din ako ng ganoong klase ng kaibigan pagtanda ko. Tipong kahit magkapamilya na kami, kasangga pa rin ang isa't isa.

"Kung ano-ano iniisip mo d'yan, bata pa ang anak ko!" aniya ni Papa.

"Wala naman akong sinabi!"

"Tito, huwag niyo na lang pansinin. Alam niyo naman po na..." inikot ni Imo ang daliri niya sa bandang tainga na parang sinasabing baliw ang Tatay niya kaya napatawa si Papa. Pabiro siyang inambahan ni Tito kaya binawi ang sinabi. "Joke lang!"

"Parang hindi mo sinabi kahapon na may gusto ka kay Claud ah-"

"Pa!"

I bit my lip to stifle a smile.

Why the fuck i'm smiling?!

And why i'm I the urge to tease Imo about it?!

"Gusto mo ako, Imo?" I asked, kunwari seryoso pero hindi pa rin napigilang ngumiti ng tiningnan niya akong gamit ang nanlilisik niyang mata. Bakit ang cute niya ngayon? Bakit dati parang asong ulol siya tingin ko pero ngayon mukha na siyang puppy.

What the hell, Claud?

"G-gago ka ba?"

His Dad hit his head. "Bakit mo minumura? Paano ka magugustuhan niyan?" he exclaimed. Tumingin sa kaniya ng masama si Imo mabuti na lang at pinigilan na sila ni Tita Irene magkulitan.

The whole night went okay but I can see that Imo is awkward towards me because of what he's Dad said earlier. Pumasok na sila Mama para magkareoke sa loob ng bahay kaya tumahimik dito sa garden. At dahil simula kanina ay puro kwentuhan ang nangyari, ngayon lang tuluyang nakapag-isip kaya sobrang daming tanong ang lumalangoy sa isipan ko.

Kailan nagsimula ang pagkagusto niya sa akin? Paano niya ako nagustuhan? Bakit? Ang naalala kong sinabi ni Tom kanina ay dati pa niya ako gusto, kaya ang ibig sabihin kahit noong hindi ko pa nakikilala si Kiko, gusto na talaga ako ni Imo?

Many questions but one person can only answer.

Should I confront him? For his and mine's peace of mind? Anong gagawin ko kapag sinabi niyang gusto niya nga ako? Liligawan niya ako? At anong magiging sagot ko doon?!

"Ate Claud,"

I turned to Tom and I took a glass of iced tea. "Hmm?"

"Gusto mo ba si kuya?"

I coughed. Napatingin saglit si Imo pero nag-iwas din ng tingin. Why would he even ask me that without a warning?!

Hindi ako sumagot.

"Hindi mo ba siya gusto? Hindi naman ako magagalit kasi wala ka naman kontrol sa nararamdaman mo. At kung si Kuya Kiko talaga ang gusto mo, maiintindihan ko naman 'yon, lalo na si kuya. Actually tinanggap na nga niya sa sarili niyang talo na siya e. Ang torpe talaga."

I gasped. Sana ganito rin siya kadaldal sa ibang bata hindi iyong lagi niyang inaaway.

At ano sabi niya? Kiko? Hindi na nga pumasok sa isip ko si Kiko e! And I felt guilty about it! Ano na nga ba ang nangyari sa kaniya? Okay lang kaya siya? Bakit naman niya na pagdedesisyonan na i-ghost ako kaysa sabihin na may gusto sa akin si Imo?

"Okay." he immediately said that's why I snapped back into my thoughts. "Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo sagutin." now, he's the one who look at me. "Pero kung sakaling hindi mo gusto si kuya, you better two talk about that. Even though we're always fighting... I don't want him to get hurt."

"Well... uh..." I bit my lip. "H-hindi ko naman sinabi na... hindi ko siya g-gusto..."

He nodded, smiling. "So, he has a chance huh?"

Hindi ko alam kung ten years old ba talaga ang kausap ko o kwarenta anyos. Huwag niyo na akong tanungin kung ano ang kwarenta anyos dahil hindi ko rin alam 'yon, naririnig ko lang sa matatanda.

"S-should I..." I gulped. "Should I c-confront him?"

Really, Claud? Asking a ten year old boy for advice?

But, age doesn't matter.

"Maybe, because I can't see in the near future that he's gonna confess. He's so torpe nga kasi." he rolled his eyes. I scoffed. Kapag itong bata talaga na ito, torpe paglaki... pagtatawanan ko.

I looked at the tanders doing karaoke inside the house so the neighbors couldn't hear them. Napatingin naman ako kay Imo na nag-aayos ng lamesa hindi kalayuan sa amin ni Tom na nakaupo lang at hindi siya tinutulungan. I felt guilty about it so I stood up and walked closer to where he was.

"Tulungan na kita..."

He nodded. We turned to Tom when we heard his little giggles.

"Tss..."

I yawned after we finished cleaning the table. Pumasok na si Tom sa loob para matulog na dahil inaantok na rin. I leaned on the table and looked above.

"Sleepy?" he asked and I nodded. Tumingin siya sa loob ng bahay kung saan nagkukwentuhan pa rin ang mga magulang namin. "I don't think they will go home soon. Gusto mo hatid na kita?"

I have no choice but to nod.

I'm too sleepy.

First MeetWhere stories live. Discover now