Chapter 09
Kiko didn't text me after that.
In short, he ghosted me.
It took me five days to realize that and in that five days I look like a stupid bitch texting him if there's something wrong. Wala akong sinabihan tutal si Imo lang naman at si Tom ang nakakaalam na nag-uusap kami.
Does it hurt me? Yes. I thought about that for weeks before I finally encouraged myself that it's not my fault, and it's his choice to ghost me. At mabuti na rin 'yon dahil narealize ko din na hindi ko siya gusto romantically, that I'm just having fun when i'm talking with him because we share a lot of interests.
But it also makes me sad, even just as a friend.
"Hoy,"
Tumingin ako kay Imo na may tulak na push cart. Nag-gogrocery na naman kami para sa despedida party nila Papa, malapit na kasi silang umalis ulit. Kami ang nautusan nina Tita at Mama dahil may gagawin daw sila pero halata naman na gusto lang kami magkasama ni Imo. Halata din naman na may pagkain pa sa bahay na pwede nang panghanda pero inutusan pa rin kami.
Pumantay ako sa kaniya ng lakad dahil naiiwan na ako. Imo is the one who's pushing the cart while I'm the one who's looking at the lists.
"Tanghalian na pala. Saan mo gustong kumain?"
"Hindi ako gutom." I answered and proceeded to the next aisle to pick some tissues.
"Hindi naman pwede na hindi kakain porque-"
"Ayoko nga."
"Hindi pwede, kailangan mong kuma-"
"E, sa ayokong kumain e!"
He sighed. If you've been wondering what's happening between us for the past weeks, that's what always happens. Lagi kaming nag-aaway dahil mabilis akong mapikon sa kaniya dahil naalala ko lang 'yung mga ginagawa niya tuwing tinitingnan o naririnig ko siya! Tapos ito namang kumag na 'to, mukhang walang pakialam na ginugulo niya 'yung isip ko dahil sa mga kalokohan niya!
"Bakit ba galit na galit ka lagi?"
"Panget mo kasi!" Sigaw ko bago inagaw sa kaniya 'yung push cart at tinalikuran siya para bayaran na iyon.
"Wow, akala naman niya maganda siya," hindi ko siya pinansin.
Sometimes, I wonder if I am just wrong, na baka as friends lang talaga ang mga inaakto niya towards me kasi ganito rin naman siya sa akin dati. Ang pinagkaiba lang ay may narinig akong mga bagay na hindi ko dapat marinig.
But that explains it, right?
The things he said that night when he's with me when I was waiting for mama.
The conversation he had with Tom when we were at their house.
It's normal to think that he likes me after all I heard, right? Or am I just assuming things?
Pero bakit ba iniisip mo iyan, Claud?! Hayaan mo siya dahil siya naman ang nagbibigay ng mixed signals! At bakit naapektuhan ka? Gusto mo ba siya?!
Hindi mo siya pwedeng magustuhan!
"Sino?"
I turned to him. "Huh?"
"Sino ang hindi mo pwedeng magustuhan?"
Fuck? Did I say that out loud?!
I faked a laugh. "Wala," kinuha ko ang mga paper bag at padabog na binigay sa kaniya iyon. Never in my life ko sasabihin na siya ang iniisip ko! Manigas na siya d'yan! "Buhatin mo ng may silbi ka naman."
In the end, hindi na ako nakipagtalo ng pilitin niya akong kumain. Nagugutom naman na talaga ako kaso ayaw ko siyang kasamang kumain. Sa Mcdonalds ko na lang siya inaya dahil mabilis ang mga staff doon, well in our branch. Sa ibang fast food kasi mabagal e, not complaining though, just saying.
Nilagyan niya ng straw ang inumin ko at binigyan ako ng kutsara bag inayos ang sa pagkain niya. Sandali akong tumitig sa kaniya ng naramdaman ko ang epekto sa akin ng simpleng ginawa niya. I sighed and shook my head.
What the hell is happening to me?
"Timothy?"
Lumingon sa pinanggalingan ng boses. Unconsciously ko siyang tiningnan sa paa pataas na bigla kong pinagsisihan dahil baka maging uncomfortable siya pero mukhang hindi niya ako nakita dahil agad siyang lumapit kay Timothy na parang hangin lang ako.
Tinitigan ko siya kasi parang pamilyar at napatango ako ng naalala na siya 'yung transferee sa amin ngayong year. Kaibigan ko naman lahat ng kaklase ko pero hindi ko sa tipo na araw araw kaming magkakausap, kaya din hindi ko siya nakilala kaagad and it's my first time to see her in person.
Si Timothy lang talaga ang malapit kong kaibigan na mukhang mawawala pa dahil sa mga katarantaduhan niya.
"Uy, Julia!" bati niya. Lihim akong napangisi ng sarkastiko sa reaksyon niya. Kanina parang bwisit na bwisit siya sa akin tapos kapag ibang babae naman... Tahimik akong tumikhim at inalis ang paningin sa kanila ng hinawi ni Julia ang sariling buhok at ngumiti kay Imo. I don't want to be rude so I just sip in my iced coffee while staring at the window so I can give them privacy.
I know that reaction from a girl when they're talking to Imo. I know that so well.
Pero kung dati wala akong pakialam ngayon parang naiinis ako.
Is this jealousy? No.
It can't be.
Umulan ng malakas sa labas kaya nagulungan ang mga tao para sumilong sa waiting shed. Ano ba 'yan? Pati ba naman ang langit nakikisabay. Wala pa naman kaming payong. Sa inis ko ay wala sa sarili kong napisil ang ang hawak ko na nakagawa ng tunog!
Napapikit ako. Talaga nga naman.
I heard Imo faked a chuckle. "Ah, si Claudia nga pala. Kaklase din natin, remember?" sabi niya. Handa na sana ako maglahad ng kamay ng hindi man lang ako tingnan ng Julia! Nagtanong pa kay Imo!
"Girlfriend?"
Oo, putangina!
He laughed and shook his head. "Hindi, kaibigan lang."
Saka siya maligayang tumingin sa akin at ngumiti. Magaling naman ako makipag plastikan kaya ganoon din ang ginawa ko. Paano ko kung girlfriend ako? Susungitan mo ako? Aba, hindi ako papatalo!
Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na rin siya. Napaisip ako ng naalala na kagrupo ko nga pala siya sa isang group project namin sa physics. Sana lang talaga hindi pabuhat 'yon dahil mainit na ang dugo ko sa kaniya at huwag niya ng painitan pa!
Mas nauna akong matapos kumain dahil nakikipag daldalan pa siya kanina. Mukha naman nahalata niyang bad mood ako kaya binilisan niya. Tama 'yan, Imo! Kanina pa ako badtrip sa'yo!
Am I being unreasonable? Yes!
Pero hindi ko mapigilan! Ang toxic ko na!
Claud, get your shit together.
Tumayo ako ng natapos siya at sabay kaming lumabas, wala pa rin nagsasalita. At dahil umuulan ay hinubad niya ang hoodie jacket niya at nilagay sa balikat ko pero inalis ko 'yon at lulusong na sana sa malakas na ulan ng hinigit niya ako kaya nauntog ako sa dibdib niya.
"Ano ba?!"
"Delikado magkasakit ngayon, Claud!"
May point siya pero naiinis ako at lalo lang akong nainis kasi may point siya! At mas naiinis ako kasi kanina ang saya saya niyang nakikipag-usap sa Julia na 'yon tapos ngayon nagagalit na naman siya sa akin!
"Wala kang pakialam!"
I turned around and ran as fast as I could to get in the car. I heard him cursed before I felt him chasing my footsteps.
You are fucking petty, Claud!
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...