Chapter 14
'Just trust him, Ate. He will not do things he knows that will hurt you,'
That's the last words that Tom said to me before Imo arrived.
Kinabukasan, the barangay came to disinfect the house. Ang bumungad agad sa aking umaga ay ang text ni Tita Mina na humihingi ng tawad dahil nadamay pa kami ni Mama. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag-condolence na lang ako sa pagkamatay ni Tito.
Hindi pa rin dumarating ang resulta ng swab test. This is our fourth day of being quarantined. Ginagawa kong tubig ang salabat at lemonada kaya feeling ko tuloy gasgas na gasgas na ang lalamunan ko sa asim at tapang ng iniinom ko para mamatay ang mikrobyo.
Hindi katulad noong mga nakaraang araw... hindi na ako masyadong nag-iisip ng kung ano-ano. Pumasok na rin ako ngayong araw since wala din naman akong ginagawa at ang hirap ng hindi dahil wala namang nagtuturo sa akin ng mga lesson. I mean, tinuturuan naman ako ni Imo pero alam kong hirap na rin siya dahil ang hectic talaga ngayon sem lalo na at papatapos na kami sa 3rd year.
Kaya agad tumawag si Imo pagkatapos ng klase.
"Ayos ka na ba? Dapat hindi ka muna pumasok,"
"Ayos na ako, wala naman akong gagawin dito..."
Kumatok sa pintuan si Mama kaya nagpaalam ako kay Imo dahil nagtext na si Mama sa akin na dadalhin na niya ang pagkain. I slowly opened the door at ang tanging nandoon lang ay ang iniwan niya. I ate the food.
I am drinking my hot water when my phone vibrated at muntik ko ng naluwa ang iniinom ko ng makita kung sino ang nag notif.
"Fuck..." I panicked.
Kiko: Can I call?
I agreed with him. Hindi naman sa pagiging marupok pero hindi naman kasi ako galit sa kaniya... hindi ko rin naman siya gusto pero gusto ko pa rin magkaayos kami kahit papaano. Pinsan pa rin naman siya ni Imo.
At mukhang malaki ang tsansa na magkikita pa kami sa future.
"Hi, how are you?" he worriedly asked.
I chuckled. "Okay naman..."
"I'm sorry, I just heard the news..."
Ngumiti ako. Silence filled the video call. He's sitting in his study table where he always sat before when we are calling. He's wearing a grey shirt and his hair looks a little damp from a shower. Bigla akong nahiya dahil naka terno pa akong pajama at hindi pa naliligo kahit tapos na ang klase! Grabe ang dugyot! He sighed.
"I'm sorry, Claud..."
"Huh? Okay lang! Malapit naman na ibigay ang resulta-"
"No. I mean, I'm sorry for ghosting you..."
I bit my lip.
I sighed. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin naman masabi na okay lang 'yon dahil nalungkot naman talaga ako doon but... nang nalaman ko ang sinabi ni Tom... I understand why he do that. Sana lang ay sinabi na lang niya sa akin ang rason kaysa sa hindi na lang agad magpaparamdam.
Because that feels sucks.
"I know that Tom already said the reason..."
Bigla akong namula. Iniisip ko pa lang na may ibang nakakalam sa nangyayari sa amin ni Imo, hiyang hiya na agad ako! I heard him chuckled kaya tiningnan ko siya ng masama.
"To be honest, ramdam ko na gusto ka niya noong una pa lang. But, I don't want to conclude things easily. Ang sabi ko sa sarili ko noon, kung gusto niya talaga si Claud alam ko naman na pipigilan niya ko... but I was wrong. I just hope he will handle it perfectly this time, hindi iyong pinipigilan niya ang sarili niya..."
So, all the people around can feel it but I don't?
"Do you like him?" he asked and my cheeks flushed again.
Ugh! Hindi ako sanay na iniinis sa best friend ko!
Asyumera ka, Claud! Tinanong lang naman!
He laughed. "I think your reaction is enough as an answer-"
"Hindi ko siya gusto-" I groaned. "Well... kind of... pero k-kaunti lang!"
Hindi ko naman siguro mararamdaman ang mga naramdaman ko this past few weeks kung hindi ko siya gusto. Hindi rin naman siguro ako magpupuyat kakaisip sa kaniya kung hindi! Feeling ko nga mukha na akong zombie kakapuyat e!
He laughed.
"I-ikaw!" I widen my eyes. "Sabi nga ni Imo may gusto kang babae e! Sino iyon ah!" I composed myself.
He smiled. "Hindi totoo 'yon. Pinalabas ko lang na ganoon para samahan ka niya at maging close na ulit kayo," he chuckled. "I felt responsible sa relationship niyo dahil magkasama na kayo simula bata tapos dumating lang ako parang nagkalayo na ang loob niyo sa isa't isa..."
I sighed. "Hindi naman. Problema din namin ni Imo 'yon..."
He laughed. "Sabi kaya ni Tom!"
Bwisit na bata talaga na iyon!
"Well, I'm glad that he said that to me," he added. "He really likes you, you know...." I hissed at tumayo para kunin ang malaking jar ko ng tubig doon sa side table ko at bumalik. He laughed, mukhang amused sa reaksyon ko.
"Hindi ka naniniwala?"
I looked at him. Mukha ba talaga akong hindi naniniwala dahil ganoon din ang tinanong ni Tom sa akin. I sighed. Siguro nga, hindi pa ako masyadong naniniwala dahil hindi naman nanggaling kay Imo. Ayokong mag-assume dahil ganoon ako dati at ayoko ng bumalik pa doon.
Hindi ako sumagot.
"Okay," he said.
"Huh?"
"I mean... I can't blame you because you just want an assurance. So, it's fine, you don't need to answer," he smiled and changed the topic. He kept me accompanied the whole afternoon.
I just realized, maybe this is the reason why I thought I like him because we get along so well. There's no awkward air unlike when I try to make friends with my classmates. Iniisip ko minsan kung dahil ba iyon sa pinsan niya si Imo or we just have so many common interests?
"Sana all, face to face na." I said and he laughed. Kinukwento niya kasi kung paano ang sistema nila sa school ngayon na face to face na sila. Balita ko lahat ng bansa face to face na at ang Pilipinas na lang ang hindi.
Wala, nakaka-putang ina lang.
"Malapit na 'yan, mga next year pa,"
I glared at him.
Gulat akong napatingin sa pinto ng narinig kong bumukas iyon. Kumunot ang noo ko ng nakitang nakasuot ng PPE si Imo at nakatingin sa akin dahil naka mask siya ay hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya.
"Oh..." I heard what Kiko said in my airpods. "I think I need to end this call," he chuckled. "Goodluck, Claud." and the call ended.
Nag-iwas ng tingin si Imo at tatalikod pa sana kaso tinawag ko siya.
Stop avoiding me, Imo. Not anymore.
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...