Chapter 07
"Wow, plantito yarn?" I said and laughed.
"Hindi," he chuckled before he watered the plants. "Si Mama talaga ang nagkokolekta ng mga 'to, kaso lagi naman siyang wala kaya ako madalas ang nag-aalaga kasi magagalit siya kapag hindi ko diniligan,"
I am FaceTiming Kiko at the moment while he tours me around their house in Los Angeles. It's a two storey house, siguro ay kasing laki ng bahay nila Imo dahil malaki rin ang bakuran nila.
"Ang bait mo naman. Sana ganyan in si Imo dahil wala namang alam gawin sa buhay 'yon," I hissed. Sa totoo lang ay mas masipag pa si Tom kaysa sa kaniya, palamunin lang talaga sa bahay. He laughed a little at what I said.
"Saan kayo nagkakilala ni Imo?"
"Hindi ko alam, basta noong namulat na 'yung isip ko kilala ko na siya," I said. Hindi ko talaga alam kung paano at saan. Basta ang unang memoryang naalala ko ay kilala ko na siya. Sa pagkakaalam ko ang magkaibigan talaga ay si Papa at ang Tatay ni Imo at noong nag asawa na sila naging close na rin si Mama at si Tita Irene.
"Ganoon na katagal?"
"Hm-hmm,"
Tumango siya. At dahil tapos na siyang mag house tour sa akin, inaya ko siyang manood sa Netflix. Natapos naman namin ni KIko ang pinapanood bago ako pag-ayusin ni Mama dahil may pupuntahan daw kami sa isang hotel. Kumunot ang noo ko at tumangging sasama noong una pero pinilit lang ako ni Mama at sandali lang naman daw.
Kahit labag sa loob ay nag-ayos ako. I wore a jeans and simple white top dahil nakakatamad maghanap at mukhang wala namang katuturan ang pupuntaha namin doon. Nakatulala lang ako the whole drive.
Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Imo noong gabing iyon na isang linggo na ang nakaraan. Hindi ko man alam ang ibig sabihin niya doon ay naghahatid pa rin sa akin ito ng kaba tuwing iniisip.
'Natatakot ako, Claud. Ayokong i-sugal pero ayoko rin nakikita kang ngumingiti dahil sa iba. It's selfish I know but if that's what makes you happy. I'm in.'
Hindi ko ba talaga alam o ayoko lang tanggapin.
"'Nak kanina ka pa tulala d'yan. Ano ba iniisip mo?"
"Wala po," I just chuckled.
Nagkita at nag usap naman na kami simula nung gabing iyon pero nagpanggap lang ako na wala akong narinig. We've been okay since that even though nandoon pa rin ang pagiging distant niya pero hindi ko na rin kinwestiyon dahil kung dati ay nakakapag biro pa ako tungkol sa pagseselos niya kay Kiko... ngayon hindi ko na kakayanin iyon.
At saka baka naman mali ang iniisip ko dahil mukha namang wala siyang pake sa akin minsan. Naalala ko dati na tuwing iniinis ko siya na baka may gusto siya sa akin, ang lagi niyang sagot ay 'imposible' kaya malaki ang tsansa na nagkakamali lang ako.
"Ma, sino ba kasi iyong pinunta natin dito?" tanong ko habang nakaupo sa reception ng hotel. Napatingin ako sa isang Tatay na yumakap sa pamilya niya kaya kumunot ang noo ko. Ano meron?
"Ate Claud!" tumingin ako sa likod at ngumiti ng nakita si Tom pero lumipat din ang tingin ko kay Imo na katabi si Tita Irene.
"Hoy, huwag kang maingay," suway ni Timothy kay Tom, bago tumingin sa akin. "Kanina pa ba kayo?" tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang kani-kanina lang siya ang iniisip ko.
"Ah, kararating lang din,"
Umupo si Tom sa tabi ko at sa tabi naman niya umupo si Imo. Tanging si Tita at Mama lang ang nagsasalita sa aming lima. Bigla din akong nagtaka kung bakit sila nandito. Ano ba talagang meron at sino ba pnunta namin dito?
"Bakit nga ba tayo nandito? Ang VIP naman pala ng kikitain natin ang tagal tagal," umirap ako. Sabay nila akong tiningnan na para bang ang bobo ko at hindi ko alam ang pinunta namin dito. "Bakit?"
"Hindi mo alam?" Imo.
I shook my head.
Tumingin ako sa bandang elevator ng may tumawag sa amin don. Napatakip ako ng bibig ng nakita ko si Papa at si Tito na lumabas doon! Agad akong tumayo at niyakap si Papa kaya napatawa sila.
"Surprise!" he laughed.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil tinawanan ako nila Imo dahil sinabihan ko daw sila Papa na pa-VIP! Hindi ko naman alam e! Saglit kong nakalimutan ang iniisip ko tungkol sa amin ni Imo. All went well after that, dumiretso kami sa baha nila Imo para magcelebrate. Kaya pala wala si Mama kanina dahil nandoon siya kila Tita Irene at tinutulungan siyang maghanda.
Nakahain ang iba't ibang putahe kahit kami kami lang naman ang nandito. Nakahanda rin ang grill dahil magluluto daw ng barbeque mamaya.
Tinanong ko si Papa kung bakit doon namin sila sinundo sa hotel at hindi sa Airport at ang sagot niya ay nag-quarantine daw sila doon ng 14 days kaya ibig sabihin ay matagal na pala silang nandito sa Pilipinas. Mahigit dalawang taon na silang hindi umuuwi. Ang huli pa ay noong pasko bago pa mag pandemiya.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila para kumuha ng plato pero agad din na pahinto ng narinig kong may nag-uusap sa kusina.
"Alam mo feeling ko, nararamdaman na rin ni Ate," narinig kong boses ni Tom kaya sumilip ako ng kaunti para makita kung ano ang ginagawa nila. Hinahanda ni mo ang mga iihawin mamaya habang si Tom naman ay nakaupo sa stool na nakapahalumbaba.
Hindi sumagot si Imo.
"Bakit hindi mo na lang kasi aminin? kasi kung inaalala mong masisira 'yung friendship niyo... mukhang doon din naman kayo papunta dahil halata naman na may hindi ka inaamin sa kaniya at mukhang hindi na rin naman kayo katulad ng dati." paliwanag ni Tom. Iritadong tumingin sa kaniya si Imo.
"Alam mo ang bata bata mo pa ang dami mong alam," aniya.
"Wala naman sa edad 'yon." Tom replied.
Imo hissed. "Bahala na,"
That conversation confirmed my thoughts.
Umalis na ako doon kaagad. Ayoko ng pakinggan pa 'yung pinag uusapan nila. Umupo ako sa tabi nila Mama kaya nagtaka sila kung bakit wala akong dalang plato at hindi ako makasagot.
Ano sasabihin ko?
Naririnig kong nag-uusap sila Imo kaya umalis ako?
Mabuti na lang at dumating din silang dalawa kaya sila na ang inutusan. Buong gabi akong walang imik hanggang sa makauwi kami sa bahay. Mukha naman nilang hindi napansin iyon. Naisipan kong kausapin si Kiko para naman maalis sa isip ko ang mga nangyayari pero hanggang sa nakatulog ako ay walang sumagot.
Maybe he's just busy.
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...