Chapter 04
"Ano ba 'yan, alak na naman?"
He scoffed. "Kunwari ka pa! Tadyakan kita e,"
"Baka naman nilalasing mo ako kasi may balak ka, "
"E'di huwag kang uminom!"
I laughed. I opened the soju and the yakult to prepare. It's been a month since I met Kiko. We always chat and watch anime together if I have time. Ngayon nandito ako sa garden nila Imo dahil ngayon lalabas 'yung mga resulta ng exam noong first semester.
"Kinakabahan ka ba?" I asked him.
"Medj."
Tumango ako. Naiintindihan ko naman siya dahil kahit ako ay kinakabahan.
"Mayroon na daw result," sabi ni Imo kaya napatingin ako sa kaniya. He sighed at umupo sa tabi ko bago ako akbayan. "Claudia, kung kinakabahan ka dahil baka bumagsak ka, huwag kang mag-alala dahil tutulungan naman kita! Walang iwanan dito! Hmm?" tinapik niya ng malakas ang balikat ko.
Hindi ko alam kung bakit sa sinabi niya ay mas lalo lang akong kinabahan. I opened my emails. I immediately found the email from our school. Hindi ko na pinatagal pa dahil lalo lang akong kinakabahan.
I happily scan the subjects when I see all of them passed but my smile fades when I almost didn't pass calculus which is one of the major subjects in engineering. Narinig kong tumalon sa tuwa si Imo, siguro ay pumasa sa lahat. I smiled at humarap sa kaniya.
"Pasado mo lahat?!" masaya akong tanong. Tumango siya at niyakap ako at masaya ko rin siyang niyakap pabalik habang tumatalon.
Ha? Niyakap ko siya?
I stiffened when I realized what's happening, I felt him stiffened too. Nagulat ako ng tinulak niya ako ng malakas! Siraulong 'to!
"Gago ka, ah! Ikaw kaya yumakap!"
"B-bakit naman kita yayakapin? Ano ka, pinagpalang lubos?" pagtataray niya. Malakas kong sinapok ang ulo niya. Inirapan niya ako at sumimangot. Wala na nga akong pwet tinulak pa ako!
Umupo ako at tumingin sa phone ko. Alam ko naman na wala na akong magagawa at pasado naman ako pero nakakalungkot lang, nakakabobo talaga ang engineering. Nagpuyat at nagreview na ako at lahat para makasagot pero ang baba pa rin. I sighed. Okay lang 'yan, Claud. Pasado pa rin naman at pwede ka naman bumawi, next time.
"Patingin nga ng sa'yo," Hindi ko na siya pinigilan nung kinuha niya ang phone ko. Ano pa ba ang ikakahiya ko sa lalaking iyan. Alam ko naman na hindi naman mapanghusga 'yan. Tanggap niya na buong pagkatao ko.
Naramdaman ko na lang siya sa gilid ko at inakbayan ako.
"Oh, pasado naman lahat ah! Bakit ka malungkot?" he asked.
"Ang baba ng calculus ko kapag naging ganito pa next sem baka tuluyan na akong bumagsak, sayang naman 'yung tatlong taon,"
"Sus! Kaya mo 'yan. Normal lang naman sa engineering 'yan, ako nga ang baba ng physics ko e pero at least pasado," he laughed. I chuckled. Totoo naman. Kapag matalino ka nung highschool at elementary, asahan mo na magiging bobo ka na sa college.
"Halika libre na lang kita sa labas," pag-aaya niya.
"Huwag na, nakakatamad..."
"Okay, bahala ka..."
Lumabas si Tom sa loob ng bahay nila at umpo sa isang upuan sa tabi ko, nakatitig sa akin. Humarap ako kay Imo. "Alam mo, ilang buwan nang ganito ang kapatid mo sa akin. Konting-konti na lang iisipin ko ng may gusto 'to sa akin
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...