Chapter 08

4 1 4
                                    

Chapter 08

My class just ended and I just finished all the school work for this week. I'm really exhausted. Feeling ko, sasabog na ang utak ko kaka-memorya ng kung ano-anong formula na ang ending ay gumagawa lang din ako ng sarili kong formula.

Bumaba ako for siesta dahil gusto ko talagang mag stress eating ngayon. Nevermind my diet, mas mahalaga ang mental health ko kaysa doon!

I caught Mama and Papa teasing each other with the flour and icing. I sighed. Gusto ko naman na umuuwi si Papa dito pero ang ayaw ko lang talaga sa phase na 'yon is 'yung araw araw ko sila makikitang sweet katulad ngayon.

I mean, mas okay na 'yung ganito kaysa kapag nag-aaway sila.

Kaso mas nafefeel ko lang na single ako!

"Get a room, guys. My gosh!" I flipped my hair, they laughed.

"Ito nga pala, Claud," Mama handed me a cake that she probably made. "Dalhin mo kila Irene tapos sabihin mo rin na pupunta na ako doon pagtapos kong magbihis kasi aalis kami,,"

I started to panic. Ganito lang ako ng mga nakaraang araw, sobrang uncomfortable ng feeling tuwing iniisip ko na haharapin ko na naman si Imo. Just thinking of it, sent shivers down my spine. Minsan nababaliw na rin ako kakaisip, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kaya nilulunod ko na lang ang sarili sa mga gawain dahil kung hindi, mababaliw na ako kakaisip.

"Ma, hindi pa pwedeng ikaw na 'yung pumunta tutal pupunta-"

"Anak..." she sighed at nagkatinginan sila ni Papa. "Ayokong makialam sa inyong dalawa pero..." she looked away, guilty of mentioning it.

My breath hitched. I know exactly where this conversation is going.

"May problema ba kayo ni Imo? Nag-away ba kayo? May tampuhan ba?"

I gulped and just shook my head.

"Okay, kung ayaw mong sabihin okay lang. Sana lang ay maayos niyo 'yan..."

Wala na akong nagawa kung hindi pumunta kina Imo para ibigay 'yung cake. Noong narinig ko 'yung conversation nila ni Tom nung gabing 'yon. Malinaw na sa akin ang nararamdaman niya. I actually tried to joke about that yesterday when I was at their house because he's stealing a glance at me every second while we are in their garden while competing over who is better at drawing.

"Bakit ka ba nakatingin ng tingin! in love ka na ata sa'kin e!" I rolled my eyes. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para masabi 'yon.

"Bugok ka ba?! Kadiri oy!"

My face changed at his reaction pero hindi ko pinahalata.

Why can't he just go straight to the point at what he is feeling and stop sending me mixed signals.

"Hoy, saan ka pupunta d'yan?"

I jumped and turned at my back. Nakita ko si Imo na litong nakatingin sa akin, hawak ang basura. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay nila! I composed myself and coughed.

"Anong ginagawa mo sa labas?" tanong ko kahit obvious naman na.

"Nagtatapon ng basura, malamang?"

I sighed. "Okay." Tinulak ko siya at pumasok sa loob. Ugh, ang awkward! Dumiretso ako sa dining at agad na binigay kay Tita Irene 'yung cake para agad na maka-alis pero para akong pinagsakluban ng langit sa hinihinging pabor sa akin ni Tita.

"Claud, inutusan ko kasi mag grocery si Imo. Alam mo naman na walang alam sa ganoon iyon. Makikisuyo sana ako na samahan mo, para din kasing bata 'yon minsan..."

"Huwag na, Ma. Kaya ko naman." naramdaman kong sabat ni Imo. Ngumiti ako kay Tita Irene. Alam kong nararamdaman na rin nila. Lalo lang silang magtataka kapag pinaramdam ko sa kanilang aloof kami sa isa't isa ni Imo. Ang hirap talaga kapag magkaibigan magulang niyo. "Sige po, Tita. Wala naman akong gagawin,"

She smiled and thanked me.

Hindi nagtagal ay sumulpot si Tom galing sa hagdanan nila. "Pwedeng sumama?" aniya. Bigla akong nakakakita ng liwanag ng narinig iyon. Hindi naman pala ganoon kasama si Mother earth sa akin.

"Sige ba-" he cut me off.

"Huwag na pala, Ate Claud." ngumiti siya at tumakbo na ulit pataas.

Wala na akong nagawa. Binigay sa akin ni Tita 'yung listahan ng mga bibilin bago kami sumakay ni Imo sa sasakyan. I'm wearing a casual sage green tank top and sweatpants habang siya naman ay army green na hoodie and denim shorts. Tahimik niya akong binigyan ng masks bago inabala ang sarili sa pagmamaneho. I busied myself with my phone until I decided to text Kiko again.

Me: hey, may problema ba?

I stared at my last texts. Araw araw ko siyang tinetext simula noong tinext ko siya at hindi siya sumagot. Nag-aalala na nga ako at baka may nangyari ng masama sa kaniya. He never seen all of my texts which is unusual and it makes me worried more, minsan kahit online naman siya ay hindi niya pa rin siniseen. Balak ko sanang tigilan na ang pagtetext sa kaniya dahil baka gusto niya ng alone time but I don't know why I can't stop myself.

We've been talking for months almost everyday and I am kinda used to his presence. I'm really having fun when I'm talking with him and we share a lot of interest. Aaminin ko naman na gusto ko talaga siya noong una ko siyang nakita at kaya rin ako nakipag-close sa kaniya pero dahil sa mga nangyayari sa amin ni Imo. It's making me doubt kung gusto ko nga ba si Kiko.

Ugh, this is so frustrating!

"Hindi mo naman kailangan sumama kung ayaw mo," he said.

"Gusto ko naman sumama ah,"

"Tss..."

Tahimik na kami pagkatapos no'n. Lagi akong tumitingin sa phone ko kung sumagot na ba si Kiko pero wala pa din. Hanggang sa natapos kaming mag grocery ni Imo ay walang pa rin umiimik. Minsan napapatitig si Imo sa akin kapag sumusulyap ako sa phone ko pero sa huli umiiwas lang din ng tingin. Medyo napipikon nga ako dahil para siyang nagseselos pero minsan naman ay umaakto siya na parang wala lang!

Kapag ako talaga napuno bibigwasan ko 'to.

Nag-aya siyang kumain kaya tumango ako. Siya ang nag-order like the old times habang ako naman ay hinihintay pa rin mag text si Kiko. He ordered two slices of pizza and fries and placed them in front of me. Sinarado ko muna ang phone dahil isa iyon sa ayaw ni Imo. Ang mag cellphone habang kumakain.

"Kamusta na kayo ni Kiko?"

Shocked at his question, I turned to him.

"Okay naman..."

"Kayo na?"

"H-huh?

"I mean," he sipped his iced tea, acting like it's no big deal. "Mukha naman gusto ka niya at gusto mo siya, so... " he looked at me like I know what he's talking about. Umiling na lang ako at hindi na sumagot kahit gusto ko na siyang batukan sa ginagawa niya.

My mind is fucked up because of engineering and it's not helping that he's sending me mixed signals!

First MeetWhere stories live. Discover now