Chapter 05
I laughed.
I heard him laugh too because of the movie we're watching. Pangalawa na movie na namin 'to. Usually I get bored easily when i'm watching filipino movies like what we're watching right now but watching him laugh because of how corny the protagonists are is entertaining me.
This really made my day.
"Claud-"
I turned around, still laughing when I heard someone calling me behind. I arched my brow with a ghost of a smile when I saw Imo standing behind my door, holding something. His smile fell when he saw what I'm doing. Sandali pa siyang tumitig siya laptop ko kung saan ko kasabay na nanonood si Kiko bago siya nag-iwas ng tingin.
"Oh, bakit ka nagpunta dito-"
I jumped when he aggressively closed the door and I just heard his fast pace in the stairs. This time, my smile fell. Galit ba siya?
"Si Imo ba 'yun?" I heard Kiko said kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ah..." I zoned out. "Oo."
"Bakit umalis?"
Hindi ko na siya sinagot kaya ipinagpatuloy na lang namin ang pinapanood pero parang lumalabas lang sa kabilang tainga ko ang mga sinasabi ng mga karakter hanggang sa matapos kaming mag-usap ni Kiko. Hindi ako makatulog kaya naisipan kong bumaba.
"Oh, Ma..." bati ko kay Mama na may ginagawa sa laptop niya. "Bakit gising ka pa?" I asked and sat beside her. Tumingin ako sa likod ng laptop ni Mama na may nakitang isaw at barbeque doon.
"Tinatapos ko lang 'to," she caught me staring at the plate. "Bigay nga pala ni Imo 'yan, pinuntahan ka sa kwarto mo kasi paborito mo daw 'yan at mukhang malungkot ka dahil sa grades mo pero sabi tulog ka na daw kaya iniwan na lang niya dito,"
I turned to her.
Hindi naman ako natutulog...
"Ma, punta lang ako kina Timothy," paalam ko.
"Bakit? Gabi na, Kirsten. Bukas na lang...."
"Sige na, Ma..."
"Bakit ka nga pupunta at gabi na? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang 'yan," kunot noo niya akong hinarap. I sighed. Alam kong hindi ako makakatulog hangga't hindi ko alam kung bakit padabog na sinara ni Imo 'yung pinto kanina. Hindi ako sanay na magkaaway kami kahit lagi kaming nagbabangayan.
He's like a brother to me.
Baka naman napalakas lang ang sarado sa pinto, Claudia?
I don't know but bahala na. Hindi ako matatahimik.
"Galit ata sa akin si Imo e..." pagtatapat ko kay Mama.
"Bakit naman galit 'yon? Dinalhan ka pa nga ng barbeque,"
"Basta, Ma..." I bit my lip. "Mag-iingat naman ako saka sandali lang naman 'yun, Ma. Kakausapin ko lang si Imo e..." I pouted. Please... please...
"Oh, sige na. Mag-ingat ka,"
I nodded and kissed her cheeks. Lumabas na ako at kinuha ang bike ko para pumunta kina Imo. Five minute walk lang naman ang bahay nila hanggang sa amin kaya mas mabilis kung magbibike ako. Agad akong tumingin sa kwarto niya pagdating ko sa tapat ng bahay nila. I whispered a 'yes' when I saw a light coming out from his room.
Pipindutin ko na sana 'yung doorbell nang nakita ko si Tom na nagbabasa ng libro sa teresa nila. Book freak talaga 'yun.
"Tom!" I called. Gulat siyang nag-angat ng tingin at napanganga pa ng nakita ako. Nag-panic siya bago ako pagbuksan ng gate.
"Bakit ka nandito, Ate?"
"Si Imo, gising pa?"
"H-huh?" tumingin siya sa likod bago dinugtungan ang sinabi. "A-ah, si kuya ba... tulog na 'yun! Maagang natulog kasi may pasok pa daw bukas..." hindi siya makatingin ng sinabi sa akin ang mga iyon kaya kumunot ang noo ko.
Alam kong nagsisinungaling siya dahil simula nung nasa sinapupunan pa lang siya at lumalangoy langoy sa dugo ng Nanay niya kilala ko na siya at hindi rin nag-iilaw si Imo kapag natutulog kaya alam kong gising pa 'yung kumag na 'yun pero ang ibig sabihin lang no'n ay galit nga talaga siya dahil pinagtatakpan siya ng kapatid niya pero bakit naman?
And ending, hindi ko na rin pinilit si Tom na magsabi ng totoo. Inisip ko na lang pauwi kung saan ako nagkamali at kung mayroon ba akong maling nagawa pero kahit isa... wala naman. Natulog ako ng magulo ang utak.
Maaga akong gumising kinabukasan para mag-aral dahil kailangan kong bumawi. Halos wala akong tulog dahil anong oras na rin ako hinila ng antok kakaisip ng nangyari kagabi pero may oras naman mamaya para matulog dahil may quiz ngayon.
Around 9:00 am when the quiz should start. So I eat and take a bath to get ready before I settle myself at my study table. I opened my messenger and I immediately got worried about him dahil walang green dot ang profile niya na ang ibig sabihin ay hindi pa siya online. I tried to call him three times but no one answered.
Zenitha Claudia De Guzman: hoy imo, abay gumising ka na baka di ka makaabot sa quiz!
Zenitha Claudia De Guzman: hoy anong oras na gagu!
Zenitha Claudia De Guzman: jssaja
Zenitha Claudia De Guzman: sjj
Zenitha Claudia De Guzman: skas
Zenitha Claudia De Guzman: kaskrjsiu
Zenitha Claudia De Guzman: djsilj
Zenitha Claudia De Guzman: jakwah
Timothy Grey Mallari: gising na ako, ugok.
"Gising na pala ayaw sumagot ampota," I whispered and gave him the link of the google meet so he can join already. The quiz went for hours so around 11:00 am when we finished taking it. I immediately video call Imo.
"Hoy, anong sagot mo sa no. 14?"
"Sinend ko sa'yo ah."
"Gago, weh? Hindi ko nakita! Wala tuloy akong sagot do'n!" I hissed. Tumingin ako sa makapal niyang buhok na medyo basa pa kahit kanina pa siya naligo bago mag-quiz kasi alam mo naman na maligo siya habang on going 'yung quiz, duh. "Bakit mo nga pala sinabi kahapon kay Mama na natutulog ako?"
He stared at the screen before looking away. "Wala lang,"
"Bakit ka mukha kang galit nung umalis ka?" I ignored what he said. "Bakit pinag-tatakpan ka ng kapatid mo kagabi na tulog ka na daw pero nakabukas pa 'yung ilaw ng kwarto mo?" I breathe. "Bakit hindi mo ako kinakausa-"
"Ang dami mo naman tanong!"
"Bakit nga kasi!"
"Wala!"
I scoffed. Para siyang babae na dinatnan ng period sa sobrang taray! Gusto pa ata suyuin ko siya! Okay lang sana kung alam ko ang dahilan kung bakit siya galit pero hindi naman! Ayaw naman niyang sabihin kung bakit!
"E'di sorry na, kung ano man 'yon!"
Gulat siyang napatingin sa akin. "Hindi naman nga ako galit!"
"Gago ka ba? Sa akin ka pa magsisinungaling?"
"Hindi nga, ang kulit." napakamot siya ng ulo.
"Pasalamat ka at wala ka sa tabi ko kung hindi nakotongan na kita!" inambahan ko siya. Ayaw pa kasi sabihin e. Wala namang mawawala. Mamamatay ba siya kapag sinabi niya sa akin kung bakit siya galit. Mayroon akong isang iniisip na rason pero sobrang imposible naman no'n. Mas malabo pa sa kinabukasan ko 'yun e.
Pero naiinis na ako!
Alam kong pagtatawanan niya ako sa naisip ko pero bahala na!
"Nagseselos ka ba kay Kiko?"
YOU ARE READING
First Meet
Romance(First Trilogy #3) Claudia is a messy and noisy person, and that's what the boys she likes don't like about her, because she's too much to handle. And if there was anyone who could stand him, it was none other than her best friend. She swore to hers...