Chapter 12

439 17 2
                                    

Painkiller

"Argh!"

Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha sa sandaling masilaw ako sa maliwanag na sikat ng araw, na siguradong sumisilip sa bukas na kurtina ng aking kwarto.

Sandaling humalaw ang aking mga mata sa biglang pagbabago ng liwanag, ngunit sa puntong makita ko ang hubad kong katawan sa ilalim ng kumot ay nanlaki ang mga mata ko.

Ang mga ala-ala ko kagabi ay tila mga along rumagasa pabalik sa aking isipan, na siyang naging dahilan ng paggapang ng init mula sa aking leeg paitaas sa aking mga pisngi. Nagsitaasan rin ang mga balahibo ko sa batok.

Unti-unti kong inilabas ang mukha ko palabas ng kumot upang tingnan ang aking tabi. Gayunman, wala na ang inaasahan kong lalaki na dapat naroon. Kumurap ako. Hindi ko matandaan kung kailan siya umalis.

Agad na sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi nang maalala ko siya.

Tumaas ang mga palad ko sa aking dibdib nang maramdaman ko ang paghaharumentado nito. Ewan ko sa Sandrong iyon. Titiklop rin pala, pinahirapan pa ako.

Naisip kong tawagan siya upang tuksuhin ngunit napagdesisyonan kong pumunta na lamang sa office niya. Hindi ko palalagpasing hindi makita ang reaksyon ng pihikang lalaking iyon. Sanay ngang hinahabol ang arogante.

Sinipa ko ang kumot at bumangon. Tila naging kasing liwanag ng araw ang nararamdaman ko. Nawala sandali sa isip ko ang maaaring epekto ng ginawa namin kagabi.

Agad akong napangiwi sa sandaling tumayo ako.

Napakapit ako sa upuan nang maramdaman ko ang kirot at hapdi sa pagitan ng aking mga hita.

Uminit muli ang aking pisngi nang maalala kung paano isagad ni Sandro— umiling ako at mabilis na inalis ang anumang memoryang tumatakbo sa isip ko.

Narinig ko ang isang buntong-hininga na kumawala sa aking mga labi. Umagang-umaga ay pinapalabas ng lalaking iyon ang kaunting kalandian sa katawan ko.

Dahan-dahan kong tinungo ang banyo ng kwarto upang magsepilyo at maligo. Habang ginagawa ko iyon ay samu't saring tanong ang pumasok sa isipan ko. Kailan siya umalis? Mayroon bang nakakita sa kanya? Bakit hindi siya nanatili? Bakit hindi niya ako hinintay na magising? Nasa office na ba siya? Anong kayang ginagawa niya? Iniisip din ba niya ako gaya ng pag-iisip ko sa kanya ngayon?

Pagkatapos ko roon ay dumiretso ako sa kusina. The hot shower  somehow ease the pain.

Naroon ang isang kasambahay habang naghahanda ng umagahan. Lumapit ako pagkatapos kumuha ng isang basong tubig.

"Manang, mayroon ba tayong gamot rito?" Agad kong tanong matapos maginhawaan ang tuyo kong lalamunan.

Mukhang nagitla ang kasambahay ngunit agad ding nakabawi. Mula sa pagkakaharap sa kalan ay umikot siya para harapin ako.

"Gamot po para saan maam?"

Napipi ako bigla. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi habang iniisip ang isasagot ko.

"A-ah. Para sa sakit ng... uhm... kahit anong painkiller na lang." Pautal-utal kong sagot.

Tumitig sa akin ang matanda na waring sinusuri ako bago tumango.

"Tingnan ko lang ho sandali iyong medicine cabinet maam." Pagbibigay alam nito.

Lumabas siya ng kusina at umakyat ng hagdan, samantalang ako ay naupo na sa mesa upang hintayin ang pagkain at ang gamot na hiningi ko.

Pagkaparada ko ng aking sasakyan sa harap ng Ferreiro Builders ay agad akong bumaba at tinungo ang lobby ng gusali. Ang apat na pulgadang taas at kulay nude kong sapatos ay gumagawa ng ingay na nagpataas ng tingin ng mga empleyado.

Sweet Mist of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon