Pool
"Vincent... Abadiano?"
I caught my breath as I read it repeatedly. The name sounds off as it rolls out of my tongue.
Tumingin ako kay Cesar. Pinapanood niya lang ang reaksyon ko na para bang inaasahan na niya iyon.
"Noong unang kong mabasa ang may-ari ng property, ganyan rin ang reaksyon ko Maam. Na para bang may mali. Pinapag-usapan lang natin ang pagkamatay ni Luisa Abadiano tapos biglang lumitaw ang pangalang Vincent Abadiano."
Tama ang sinabi niya. I really feel something off with the new information. Pinaimbestigahan ko lang naman ang bahay dahil hindi nga ako naniniwalang kay Sandro iyon. I thought him as a new-comer here in Sierra Vida. Akala ko isang dayo na dahil sa ginagawang hotel ay nagawi rito. Kaya may agam-agam akong hindi kanya ang bahay. Hindi ko naman akalain na makakadiskobre ako ng isa pang paghihinalaan ko.
I never noticed anything wrong with Vincent, though. I mean, kung related siya kay Luisa Abadiano, 'di ba dapat galit siya sa akin, o kay papa, o sa pamilya ko? Akala ko lang ba iyon? Ako lang ba ang hindi maka-move-on sa nakaraan?
But no one can move-on from a mother's death. Hindi iyon malilimutan. The pain will forever be in your heart. Siguro natatabunan lang sa paglipas ng panahon, pero darating ang araw na lilitaw at bibisitahin ka ng sakit.
Luisa Abadiano.
Vincent Abadiano.
What are the odds that they both have the same surnames? Am I just overthinking? Nagkataon lang ba?
"Bakit niyo nga ho pala pinapaimbestigahan ang dalawang bahay, Maam? Kilala niyo ho ba iyang Vincent Abadiano?"
Hindi agad ako nakasagot. His questions made me think. Do I really know them? Si Vincent, pati ang kaibigan niyang si Sandro. There's just so many things that I don't know about them. Simula noong nakilala ko si Sandro, may mga bagay akong natutuklasan na hindi ko inaasahan.
Alam kong kapag kinikilala mo ang isang tao, normal lang na may malalaman kang bago tungkol sa kanila. But I expected something as normal as their favorite food, the things they like to do, their favorite movie, their dream date. The normal things from normal people. Hindi iyong ganto, na parang pasasabugin ang utak ko kaka-overthink sa mga nadidiskobre ko sa kanila.
Akala ko dayo si Sandro pero hindi naman pala. May dalawang bahay pa dito, which turned out now to be Vincent's house, na kaapelyido naman ni Luisa Abadiano, ang tao sa nakaraan na pinapaimbestigahan ko.
Mukhang napagtanto ni Cesar na hindi na ako sasagot sa tanong niya. Napanis na iyon sa tagal kong mag-isip ng sagot.
"Ituloy mo lang iyong pag-iimbestiga sa anak ni Luisa Abadiano o kahit na sino man sa pamilya niya. I want to know their side about my mother's death. Si Vincent din, isama mo na sa iniimbestigahan"
Tumango si Cesar.
"Palagi mo ring manmanan iyong si Carlos."
Namilog ang mata niya.
"Iyon hong kanang kamay ni Mayor, Maam?"
Mukhang hindi niya inaasahan na pati ang pinagkakatiwalaang security ni papa ay pinapasundan ko, which also means that I am also trying to investigate my own father.
"My father is also making his private investigation on the recent issues. Iyong mga ipinakalat na litrato nung dalagitang supporter noong una at iyong walang buhay na litrato ni Luisa Abadiano nitong huli. I want to know what my father already know about these scandals. Si Carlos ang pinakamadaling paraan."
BINABASA MO ANG
Sweet Mist of Dawn
RomanceSierra Vida Series Arabela Del Castello, ang nag-iisang babaeng anak ng alkalde ng Sierra Vida. Everyone in her town treats her as their queen. Every man wants her. Every woman wishes to be in her place. Family, money, fame. She has everything. Per...