Orphanage
"Kumusta ang papa mo, Arabela?"
Tumingin ako kay Joanne. Kararating ko lamang dito sa office namin. Ilang araw din akong lumiban dahil siniguro ko ang paggaling at pagbalik ng lakas ni papa.
"Ayos naman na siya. Hindi pa siya nagpupunta ng munisipyo pero marami pa rin siyang ginagawa sa silid-aklatan."
Lumabas ang pagtutol sa mukha ko. Naalala ko pa ang sinabi ni papa noong pinigilan ko siyang magtrabaho.
Marami akong dapat pang gawin bilang ama ng Sierra Vida, Arabela.
Iyan ang litanya niya. I shook my head in disagreement.
Ilang beses rin akong bumwelo upang itanong sana ang tungkol sa eskandalo pero umuurong ang dila ko. Baka mas makasama kay papa kung ipapaalala ko iyon.
"Ang importante ay maayos na si tito at mabilis na bumalik sa normal nitong trabaho."
Tumango ako. Iyon naman ang isang kagandahan niyon. Naibabaling ni papa sa trabaho ang isip niya imbes na sa eskandalong iyon.
"May mga ganap ba rito sa office noong wala ako?"
Tumango si Joanne at inilabas ang kuwadernong madalas niyang pinagsusulatan ng mga importanteng detalye. Lumapit ako sa kanya at ipinaliwanag ang ilang proyektong gagawin namin.
Mabilis na tumakbo ang oras at natapos ng normal ang araw ko.
Alas-singko impunto nang makauwi ako sa bahay. Pagbaba ko sa kotse ay agad na bumungad sa akin ang mga security ni papa na maayos na nakalinya sa harapan ng bahay. Siguro ay mahigpit pa rin ang bantay para sa aking ama.
"Nasaan si papa?" Tanong ko sa isang kasambahay na sumalubong sa akin.
Kinuha niya ang aking bag.
"Nasa taas ho maam. Sa silid-aklatan."
Sumilay ang pagtutol sa mukha ko.
"Hindi pa rin siya bumababa manang?"
"Kababalik lamang niya maam. Matagal siya sa hardin kanina. May kausap sa telepono."
Tumango ako. Bahagyang yumukod ang kasambahay at tuluyan nang iniakyat ang bag sa kwarto ko.
Sumunod rin ako. Ngunit ang silid-aklatan ang una kong tinungo.
Sumilip ako sa pinto. Abala pa rin si papa sa ilang dokumentong tinatrabaho kaya napagdesisyonan kong huwag na lamang siyang abalahin.
Pag-ikot ko ay bigla akong napaatras. Nagulat ako nang makitang nasa likod ko si Carlos.
"Maam Arabela." Magalang niyang bati.
Nagpagilid ako. May mga dala siyang papel kaya ang tingin ko ay papasok siya. Hindi naman ako nagkamali.
Nang mag-isa na lamang ako sa pasilyo ay nag-isip-isip ako. Kahit anong gawin ko ay siguradong ayaw magbigay ng detalye ni papa tungkol sa eskandalo. Not that I will ask him. Hindi ko isasakripisyo ang kalusugan ng aking ama para lamang sa impormasyong makukuha ko.
Unless I will ask somebody else.
Tumaas ang tingin ko dahil bumukas ang pinto ng aklatan. Medyo nagitla si Carlos nang makita muli ako.
"Narito ka pa pala Maam Arabela."
Tumitig ako sa kanya. "Pwede ba kitang makausap?"
Muli, hindi na naman mapirmi ang mga mata niya sa akin.
"Tungkol ho saan maam?" Natitigalgalan niyang sabi.
"Iyong—"
Bumukas ang pinto ng silid-aklatan. Napasinghap ako at hindi ko naituloy ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Sweet Mist of Dawn
RomansaSierra Vida Series Arabela Del Castello, ang nag-iisang babaeng anak ng alkalde ng Sierra Vida. Everyone in her town treats her as their queen. Every man wants her. Every woman wishes to be in her place. Family, money, fame. She has everything. Per...