Project
Abala ako sa aking laptop nang marinig ang katok sa pinto ng office. Pareho kaming nagtaas ng tingin ni Joanne.
Sumilip ang isa naming empleyado na nakapwesto sa receiving area.
"Ms. Arabela, Ms. Joanne , may client po tayo sa labas. Kaso walang appointment, okay lang ba kung papasukin ko na?"
Hindi nakatakas sa paningin ko ang matamis na ngiti sa labi niya.
Si Joanne ang sumagot.
"Sige. Pareho naman kaming libre ngayon ni Arabela."
Maliwanag pa sa araw na tumango ang huli bago muling sumara ang pinto.
Ipinagsawalang-bahala ko iyon at bumaling muli sa aking laptop. Iniisa-isa kong tingnan ang mga email na natanggap ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako sumulyap. Siguro ay ibigay ko na lamang ang proyekto kay Joanne dahil siya naman ang sumang-ayon kanina.
Natigil ako sa pagtipa nang mapansing walang akong mahintay na salita mula sa aking kaibigan.
Tumingin ako kay Joanne. Kita ang gulat sa mukha niya. Nakatingin siya sa harap at mukhang hindi mahanap ang utak para magsalita.
Tiningnan ko ang taong kapapasok. Ngunit kaiba sa kaibigan, inis ang sumilay sa mukha ko.
"Good Morning. Welcome. Make yourself comfortable Sir." Si Joanne nang makabawi.
Inayos ni Sandro ang tupi sa suot na dress shirt. Umupo siya sa mahabang sofa sa gitna ng opisina. Mahihiya ang sinumang tatabi sa kanya dahil sa tindig at itsura nito.
Agad kong pinutol ang tumatakbo sa isip. Hindi ko dapat malimutan ang ugaling nagkukubli sa mapanlinlang niyang itsura.
"May I know your concern Sir?" Si Joanne muli. Nanatiling propesyonal ang tono.
Hinayaan ko na lamang na siya ang makipag-usap. Inalis ako na ang tingin kay Sandro.
Ngunit ano ba ang ginagawa niya rito? Hindi ba ay itinataboy niya ako noon? Hindi ba niya alam na dito ako nagta-trabaho at naparito pa siya?
Higit sa lahat, hindi man lamang ba siya mahiyang magpakita sa akin pagkatapos ng lahat ng sinabi sa office niya?
Isang pang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang lagi ko siyang nakikita nitong nagdaan. Ang alam ko ay magkaiba kami ng mundo. Sigurado akong walang dahilan para magkatagpo kami muli, lalo na pagkatapos ng nangyari sa amin.
Kaya ang dalawang beses naming pagkikita sa linggong ito ay kahina-hinala.
Kokomprontahin ko na sana siya ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita.
"I am planning to develop a lanai at my house but I was having a difficult time looking for lounge chairs. Eksakto namang nabanggit sa akin ng isang kaibigan ang kumpanya niyo."
Napaikot ako ng mata habang nakatingin pa rin sa keyboard.
Kaibigan mo mukha mo.
"I can present you some of our designs now Sir." Ani Joanne. Inilabas niya ang catalogue ng kumpanya.
Tumayo si Sandro at naupo sa harap ng mesa ni Joanne. Mas lalo akong nainis dahil pinili niya ang upuang nakaharap sa akin.
"But may I know if you have some preference that needs to be considered? May partikular ba kayong gusto Sir?"
Nahigit ko ang aking hininga nang sumulyap sa akin si Sandro. Ninais kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko nagawa. Tila may hipnotiko ang tingin niya. His orbs are like magnets that keep pulling me to look at them.
BINABASA MO ANG
Sweet Mist of Dawn
RomanceSierra Vida Series Arabela Del Castello, ang nag-iisang babaeng anak ng alkalde ng Sierra Vida. Everyone in her town treats her as their queen. Every man wants her. Every woman wishes to be in her place. Family, money, fame. She has everything. Per...