Chapter 11

458 20 1
                                    

Playing With Fire

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos hipan ni Mr. Chua ang ilang palapag na cake na nakahanda para sa kanya.

Kinuha niya ang isang glass ng mamahaling alak at itinaas iyon.

"Thank you for attending my celebration tonight! Please enjoy the party." Anunsyo niya sa mikropono na agad na umalingawngaw sa buong bulwagan.

Nagpalakpakan muli ang mga tao kasama na rin ako at si Sandro.

Dinampot ko ang isang baso ng alak mula sa mesa namin. Muli sanang iinom nang bigla maramdaman ang isang mainit na kamay sa aking pupulsuhan.

Kahit na hindi tingnan ay kilala ko ang may-ari niyon.

"That was already your fourth glass Arabela. Ayokong mag-alaga ng lasing."

Walang preno ang bibig niya.

"I have high tolerance to alcohol Sandro."

Ngumuso ako at muli sanang susubok ngunit tuluyan na nitong kinuha ang baso mula sa aking kamay.

Nagkrus ako ng braso at parang batang nagtatampong humilig sa aking upuan.

Ilang sandali pa ay nadako muli ang mga mata ko sa babaeng nakatingin kay Sandro kanina. Ngayon ay muli na naman siyang nakatingin sa amin.

Nagpalipas pa ako ng ilang segundo para siguraduhing pinagnanasahan nga niya ang lalaking kasama ko.

Nang masiguro ay humilig ako palapit kay Sandro. Tumaas ang kamay ko at gumapang sa loob ng coat niya.

Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Anong ginagawa mo Arabela?" Aniya, ngunit wala siyang ginawa para pigilan ako.

Ipinasok ko pa ang kamay ko sa loob ng coat niya, ang init ng katawan niya ay nagbibigay ng pangangaligkig sa aking katawan. Huminto ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang dibdib. Halos manginig ako nang makapa ang muscles niya roon.

Tumingin ako doon sa babae ngunit hindi pa rin nag-iwas ng tingin ang hangal.

Dahil na rin siguro sa alak na dumadaloy sa aking sistema ay medyo lumakas ang aking loob. Gumapang pababa ang kamay ko at tumigil iyon sa ibabaw ng tiyan ni Sandro. Nasalat ng palad ko ang matigas nitong abs.

"Arabela." Saway niya.

Hinawakan ni Sandro ang kamay ko bago pa man iyon bumaba sa kung saan.

Tumaas ang tingin ko sa mukha niya.

Muling lumitaw ang dayuhang emosyon sa mga mata nito. Sa kabila ng inis na nararamdaman ko ay sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Kanina pa nakatingin sayo ang babaeng iyon at ayaw ko nun Sandro. Ayokong may tumitingin sayo ng may pagnanasa. Wala silang karapatang tingnan ka gaya ng paraan ng pagtingin ko sayo."

Napailing siya at hinawakan ang aking bewang.

"Iuuwi na kita Arabela. Bago ka pa makagawa ng pagsisisihan nating dalawa." Aniya at ginabayan ako sa pagtayo.

Hindi pa naman ako lasing kaya diretso pa ang pagtayo ko. Kung ituring naman kasi ako nito ay parang hindi ko na kaya ang sarili.

Tumingin ako sa kanya at makikipag-argumento pa sana ngunit matiim niya akong tiningnan.

"Huwag ka nang makipagtalo Arabela. Iuuwi na kita." Pinal nitong sabi.

Hinanap namin si Mr. Chua at gaya ng sabi niya ay nagpaalam na kami rito.

Sweet Mist of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon