Chapter 1

761 14 9
                                    

Trigger warning: Harmful words & harassment. 

Chapter 1

Years ago...

"Mag-hiwalay na tayo!" Tinakpan ko na lamang ang aking tainga sa mga naririnig na bangayan nila Mama at Papa. Ni-minsan ay hindi ko nakuha ang dahilan kung bakit sila nag-aaway.

I grew up hearing these yells and being blamed for mistakes I never made. They argue every single day, and I often hear my name mentioned during their argument. Pero sa maniwala't kayo o hindi, wala akong ka-alam-alam sa dahilan ng pag-aaway nila, basta laging sinasabi ng mga kapatid ko na ako ang may kasalanan.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Ate Cleo sa loob ng kwarto ko na bahid ang sakit at galit sa mga mata. "Alam mo, ikaw. Ikaw may kasalanan ng lahat. You deserve all the blames!"

Iyon ang parati kong naririnig sakanila. Paninisi. Ako daw may kasalanan kahit hindi ko naman talaga alam ang mga dahilan. Minsan, actually lagi, lagi ko nalang tinatanggap 'yung paninisi nila dahil alam kong wala akong laban sakanila. Pasakit lang naman daw ako dito, e.

"Enough with that, Cleo. Wala siyang kasalanan." Ani Kuya Atticus. Among my siblings, Kuya Atticus was the only one who cared for me. Lagi niya akong ipinagtatanggol.

"Hindi kita maintindihan, Kuya! You should blame her, she's the reason why our family became miserable like this." Inis na saad ni Ate Cleo. I saw she was fighting the courage to hurt me... again.

"Wala siyang kasalanan, Cleo. Stop blaming her." Sambit ulit ni Kuya Atticus. He's now angry because of the behavior of my sister.

"Tumigil na nga kayo!" Tinakpan ko muli ang tainga ko dahil sa sigaw. This is too much. This is causing me too much pain again. "Ikaw Atticus, hindi kita maintindihan. Dahil sakanya... nasira pamilya natin!" Itinuro ako ni Kuya Lucas kaya binaba ni Kuya Atticus ang kamay nito. Nakita kong umirap si Ate Cleo bago siya lumabas ng kwarto ko. Kasabay niyang pag-labas ay si Kuya Lucas na bahid ang galit sa mga mata.

Umiiyak lang ako ng tuloy-tuloy. Naramdaman 'kong hinawi ni Kuya Atticus ang mga buhok ko paalis sa mukha ko. "Ssh. Stop crying. You don't have to blame yourself." Ngumiti ako ng malungkot. Hindi 'ko alam ano mangyayari sa 'kin dito sa bahay kung wala si Kuya Atticus sa tabi ko.

He became my defender. Whenever my siblings were attempting to hurt me, pinagtatanggol n'ya ako. 

Kinabukasan ay nakita 'kong wala na ang gamit ni Papa sa kwarto nila Mama. Tumulo ang luha ko sa di kaalaman na dahilan. Agad 'ko itong pinunasan at nag-lakad papunta sa school.

Papa left us already. At kasalanan ko 'yon.

It's really hard for me to deal everything but I'm used to it already. Hindi gano'n kayaman ang pamilya namin pero maganda ang trabaho ng mga magulang ko. I don't know exactly what their job is pero nagtra-trabaho si Mama sa kumpanya ng lola ko, while my father works on his small business. 'Yon lang ang alam kong impormasyon tungkol sa trabaho nila. I was never closed with my parents nor with my siblings, maliban kay Kuya Atticus.

The next day, I woke up at 5 A.M. to take a bath and prepare for my first day as Grade 10. Konti nalang, makakatapos na rin ako at sa oras na makapagtapos ako, aalis na 'ko dito. Kung may choice lang ako, I would walk away already... kaso wala, e. I can't sustain myself yet. I tried building a small baking business online to somehow fill my needs without asking my parents.

 Pagkatapos ko maligo ay uminom lang ako ng kape at umalis na rin. Wala na sa bahay ang tatlo kong kapatid, gayon din si Mama. 

"Good morning, Claire! Papasok ka na?" Naglalakad ako papunta sa sakayan nang may naramdaman akong pagkalabit sa 'kin ng isang pamilyar na lalaki.

My Unforgettable Spectrum (Cariñoso Series #1)Where stories live. Discover now