Chapter 4

357 12 8
                                    

Chapter 4

Hindi pa umuuwi sa Papa simula nang mangyari 'yon. Gusto kong isumbat kung bakit n'ya kami kailangan iwanan at bumuo ng pamilya na hindi kami ayos pero wala rin naman akong magagawa dahil ako mismo hindi ko alam puno't dulo ng lahat ng ito.

Ang sabi-sabi, my father had his new family already... At napatunayan kong totoo iyon dahil dalawa ko mismong mga mata ang nakakita no'n. Masakit pero alam kong mas masakit iyon kay Mama. My mother loves my father so dearly to the point that she is willing to accept my father again.

I don't know how to help my family out... Hindi ko alam anong pwede kong gawin para mabawasan 'yong sakit na nararamdaman nila. If blaming and hurting me is their way of coping, I will not oppose it. I'm willing to accept it if that's how they deal with their pain.

I did my usual routine nang tumunog ang alarm ko. I didn't get the chance to sleep dahil binabagabag nanaman ako ng mga panaginip ko. It's 4 am when I decided to take a bath already, wearing my uniform.

Hindi ako kumain ng breakfast dahil bukod sa hindi ko naman ito gawi, wala rin akong gana. 8 am pa naman ang pasok namin kaya't hindi ako nagmamadali. Nagluto muna ako ng pancakes para sa mga kapatid ko. 

"Claire, ang aga mo nanaman na gising." Seryosong sabi ni Kuya Atticus habang bumababa sa hagdan wearing his plain white shirt and pants wearing his specs.

"Wow, Kuya! Good morning, ah?" Sarkastikong sabi ko sakanya kaya natawa s'ya at umiling-iling pa.

"Good morning," he gave me a small smile. "You woke up early again. What's the problem?" He asked.

"Huh? Wala naman, 'di ba pwede gusto ko lang?" 

"You're so grumpy. I wonder how your friends deal with your ka-malditahan." He shook his head.

Grabe naman s'ya! People have been telling me that they are shy to approach me for how I look. Hindi ko rin alam kung bakit. I don't know how to approach a person either. Siguro isa rin 'yon sa mga dahilan bakit nahihiya 'yong mga tao na lapitan ako.

"Can I ask a question?" Kuya Atticus gaze his eyes at me, confused. I raised my brows, waiting for his question.

"How do you know if you're inlove?" He asked. Halos masamid ako sa laway ko dahil sa tanong n'ya. That is very random!

"Huh?! Bakit ako pa tinanong mo sa ganyan? 'Di ko rin alam, e." Sagot ko. "Pero sabi nila kapag daw araw-araw mo na iniisip 'yong tao tapos lahat ng ginagawa mo naalala mo s'ya, tapos may weird and unexplainable ka na nararamdaman-"

He cut me off. "Okay. That's enough, you know too much already." 

"Kuya, 'di ko rin sure 'yan. That's just according to the novels I've read." I'm not sure what love is... My family never gives me the opportunity to feel it.

"Whatever," he shook his head. "I'll leave already. What about you?" He asked.

"Yes, aalis na rin ako. Ayusin ko lang 'to." Turo ko do'n sa table. He nodded and kissed the top of my head and left already.

Inayos ko 'yung table para pagkababa nila Ate ay kakain nalang sila. I grabbed my bag and left the house already. Nagkita kami ni Sebastian sa sakayan and he is wearing his usual smile. 

"Tatakbo ka talaga bilang president?" Tanong ko sakanya pagka-sakay namin ng jeep. Nasa dulo kami dahil sabi n'ya sa 'kin na ayaw n'ya maulit 'yong nangyari noong nakaraan. 

"Hmm, hindi ko pa alam. Mabigat ang responsibilidad ko roon, e. Baka manager ng campaign nalang." Nagdadalawang isip n'ya na sabi.

Nakarating na kami ng school at hindi pa gano'n karami ang mga estudyante dahil maaga pa lang naman. We sat on our usual spot. Nag-a-advance reading lang ako para sa mga lessons namin mamaya. 

My Unforgettable Spectrum (Cariñoso Series #1)Where stories live. Discover now