Chapter 16

225 8 37
                                    

Chapter 16

Sometimes we used to do things for someone even if it is against our will. Gagawin natin kasi kailangan o dahil 'yun ang sa tingin natin ang tama. 

Gagawin natin 'yung bagay na sa tingin natin mas makakabuti kahit na hindi natin gusto 'yon. But we are left with no choice because it's the right thing to do kahit labag iyon sa kalooban natin. 

Sebastian and I stayed in the clinic for a few more minutes. Hindi kami nag-uusap. He will look at me and play with my hands as he constantly does before. 

"Magsisimula na ata 'yung event..." I whispered. Sapat lang para marinig niya. Hindi rin naman kami pinaalis ng nurse dito kanina. 

He gave me a short nod. "Yeah, right. Let's go." He gently dragged me outside the clinic before heading to our booth. 

Habang naglalakad kami patungo sa booth ay hawak niya pa rin 'yung palapulsuhan ko. I have no case with that... I actually felt comfortable with it. I miss it. But then I don't want others to think about something. He's courting someone. Hindi maganda tignan ang ginagawa namin.

At ayoko rin malaman ni Lola 'to. 

I awkwardly glance at his hand on my wrist. He pursed his lips before removing his hand. "I'm sorry. Did I make you uncomfortable?" 

I quickly shook my head. "Hindi naman! Baka lang may makakita..." I whispered. Bakit naman niya iisipin 'yon?

"Si Nate," he whispered, nodded, licking his lower lip.  

Guilt crept inside my system. Hanggang ngayon ba ay 'yon ang tingin niya? Did I affect him that much? Hindi na nga kami gaano nagkakasama ni Nate dahil kabilang section siya at tiyak ako na busy rin siya.

Nang makarating kami sa booth ay wala siyang pasabi na umalis ulit. Hindi ko lang alam saan pupunta. Agad akong sinalubong ni Kira.

"Malapit na mag-start! Galing ka daw clinic?" Kira asked while trying to survey me.

"Anyare?" Lumapit si Jane. "Hala, anong nangyari sa daliri mo?" 

I shook my head like it's nothing and they should not worry about it. "Wala 'to." Hindi naman talaga 'to big deal, e. Ewan ko bakit binibig-deal pa nung isa! 

"Performance daw muna ng bawat section. Lika, manood tayo!" Hinatak nila Chloe palapulsuhan ko papunta sa may bench para manood.

"Paano 'yong booth natin?" Nag-aalala kong tanong sakanila pagkaupo namin doon sa bench. Doon pa kami sa harapan umupo! 

"Sus! Nandoon na mga kaklase natin! Masyado na tayong maraming ambag lalo ka na! Mahiya na 'yung mga wala naman ginawa buong preparation natin 'no!" Chloe flipped her hair before showing me her big smile. 

Tumawa nalang ako habang pinapanood ang mga nagpe-perform. The Banchetto is for Grade 6 until Grade 12 students only. Although meron ding lower grade pa dito pero para maging customers o bumisita nalang since they can't sell yet.

Lumakas muli ang hiyawan ng mga estudyante nang mabanggit na ang section namin. They started performing and all I could say is wow... Kakaiba ang choreo namin at ang chant. Hindi ko inakala na pinaghandaan talaga nila 'to. 

"Woah! Mga kaklase ko 'yan! Let's go, Faithful!" my classmates started cheering. Halos lahat pala ng mga kaklase ko nandito na. Walang naiwan sa booth namin! 

"Huy, bumalik na tayo! Tapos naman na section natin, e." Kinalabit ko sila Chloe. "Wala atang naiwan sa booth natin!" Kinamot ko pa ulo ko, naiistress. 

"Ay oo nga! Hehe nag-enjoy masyado." Chloe shyly laughed.

Tumayo ang ilan sa amin para sumilip sa booth. When the performances are done, nag-dagsa rin ang mga customers papunta sa iba't-ibang booth. People started flocking in our booth! 

My Unforgettable Spectrum (Cariñoso Series #1)Where stories live. Discover now